Word Poetry Challenge #8: TAGPUAN

in #wordchallenge6 years ago (edited)

20180424_161905.jpg

TAGPUAN
BY: @prettypanda

Strikto sa akin ang mga magulang ko
Mahal kita pero ang pakilala ka sakanila’y malabo
Gusto nila’y matapos muna ako sa kolehiyo
At makahanap muna ng magandang trabaho

Sinunod ko sila sa kanilang kagustuhan
Pinilit ko ang aking sarili na ika’y iwasan
Pero araw araw nalang akong nasasaktan
Kaya naman ako’y gumawa na ng paraan

Mahal kita at gusto kitang laging kasama
Dito sa paaralan ang tagpuan nating dalawa
Dito tayo nagkikita at gumagawa ng masasayang alaala
Nakukumpleto ang aking araw tuwing ika’y aking nakikita

Hindi ko gustong suwayin ang aking magulang
Nagaaral naman ako ng husto para walang masayang
Hindi ako umuuwi ng disoras at sila’y aking ginagalang
Sa ating dalawa sana’y magulang ko ay hindi harang

Magkita tayong dalawa ay dito lang sa ating paaralan
Kaya naman heto na ang araw araw nating tagpuan
Sinikreto natin ito upang magulang ko’y hindi malaman
Na ikaw at ako ay may usapan

Pag dumating ang araw na malaman nila itong aking pinilit
Sana’y hindi sobra sobra ang kanilang galit
Gusto sana ay pakinggan nila ako kahit saglit
Na mabuti ang aking intension kahit na minsan ako’y makulit

Sa sitwasyong ito ako ay nahihirapan
Pero hindi ko ito pinagsisisihan
Balang araw magulang ko’y kanilang maiintidihan
Na wala kaming ginagawang masama kund hindi ang magmahalan

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.14
JST 0.028
BTC 58083.18
ETH 2578.52
USDT 1.00
SBD 2.42