“Word Poetry Challenge #10 : Pangarap”

in #wordchallenge6 years ago

FC62C7A4-A9D6-4B50-B792-EA68F0F6C8BF.jpeg

Minsan, ako na lang ay naluluha
Tanong sa sarili, makakaya ko ba?
Di ko alam kung paano ako magsisimula
Sa dinadami daming dumaraan na problema
Maisasabay ko kaya?

Nuong una, ako’y positibo
Pero bakit ngayon ako’y nagkakaganito?
Pag-asang natitira ay unti unting naglalaho
Panginoon ko, gabayan mo sana ako
Matatamo ko ba talaga ito?

May mga oras na humihina na ang loob ko
Ilang beses sinubukan ngunit ako’y nabigo
Ilang araw pa kaya ang sisikat para ito’y matamo?
Ilang gabi pa kaya ang daraan para ito’y makuha ko?
Susuko na ba ako?

Ang dami kong katanungan
Di alam kung saan ang kahahantungan
Tao lang ako, pasensya ay mayroong hangganan
Hirap at pagod ko’y saan nga ba mapapasaan?
Mayroon nga ba talaga akong makakamtan?

Sitwasyon ng aking pamilya’y nakaukit na sa isipan ko
Nagkakasakit si nanay sa pagtatrabaho
Kamay ni tatay ay punong-puno na ng kalyo
Pilit na kumakayod makakain lang ako
Hanggang dito na lang ba ito?

Marahil sabi ng katawan ko, “Tama na”
Ngunit sambit naman ng puso’t isipan ko, “Kaya pa”
Diyos ko, sayo ko na lang ipagkakaloob ito
Salamat at lagi kang asa tabi ko
Nagbibigay pagasa sa aking paulit ulit na pagkabigo

Aking pinangarap ay aking muling papangarapin
Pagasang binigay ay hindi na muling sasayangin
Katanungan sa isipan ay akin ng aalisin
Tumatakbong oras ay akin nang gugugulin
Sa mga pangarap ng buhay na nais kong abutin

Pinagkuhanan ng Litrato

Hindi natin maikakaila na minsan gusto na nating sumuko, pero kung maigi nating iisipin, bakit nga ba tayo nangangarap? Siguro kung ikaw ay napanghihinaan na ng loob, isipin mo na lang na wala kang kakahantungan kung andyan ka lang. Kung nabigo ka, subukan mo muli. Hindi susi dyan ang pagsuko. Kaya anong ginagawa? Kumilos na at simulan mo!

Salamat po sa pagbabasa. Ito po ang pangalawang lahok sa patimpalak ni Sir @@@jassennessaj.

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67383.45
ETH 3525.45
USDT 1.00
SBD 2.70