Word Poetry Challenge #9 : MASKARA

IMG_20180703_120033-01.jpeg

"MASKARA"

Tanaw sayo ng karamihan.
Hindi ka katulad ng iilan.
Kahit anong pilit na ika'y magustohan.
Para kang may sakit na iniiwasan.

Hindi mo man kasalanan na maging ganyan.
Sila'y walang tigil kang hinohusgahan.
Wala ka namang ginagawang masama.
Pero ika'y tinoturo na may sala.

Hindi mo ginustong maging kakaiba.
Lalong ayaw mong kamuhian ka nila.
Ang gusto mo lang ay ang maging masaya.
Kasi puso mo'y naghahangad din ng ligaya.

'Wag mangamba at hubarin ang iyong maskara.
Puso mo ma'y lalake kahit babae ka.
Marupok man ang damdamin kabaliktaran sa iyong anyo.
Kahit ano kapa 'wag mahiya at tumayo.

Dito sa mundo lahat tayo ay pantay.
Walang diskriminasyon pagkat tayo'y may sariling pamumuhay.
Maging malaya na ilabas ang 'yong katauhan.
Mamuhay lang ng marangal ang kailangan.

'Wag ngumiti sa oras ng kalungkotan.
Wala silang karapatan na ika'y pagtawanan.
Tao ka at may damdaming nasasaktan.
At 'wag mahiya kung ano ang nararamdaman.

Salamat sa pagbasa, ang larawan ko ay gawa sa bato at cotton. Magkasing kulay man ay iba ang damdamin, may malambot at matigas. Kathang isip ko lang ang aking tula,

Sort:  

Sa panahon ngayon madami nang nakakatanggap sa kung anong sekswalidad ng isang tao. Pero meron pa din talagang hindi pa din kayang aminin kung ano ang tunay na pagkatao nila dahil siguro ayaw nilang husgahan sila. Maganda yung tula mo @mrnightmare89 ☺ nagustuhan ko sya :)

ganoon ba, maraming salamat kung ganoon.
kaso hindi na katulad ng dati na maraming nagbabasa.haha salamat sa oras mo sa pagbasa sa gawa ko

Wala pong anuman :)

Hangga’t wala kang natatapakang tao, maging sino ka man, ikaw ay katanggap tanggap sa atin lipunan. Maganda ang ideya! Salamat po sa pagsali!🙂

salamat sa oras sa pagbasa

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 96714.38
ETH 3411.05
USDT 1.00
SBD 3.17