Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

17757457_1092492447561984_8891387148075414196_n.jpg

Nang muli tayong nagkita sa ating "Tagpuan"
Ako ay nagulat sa aking kinauupuan
Mga mata nati'y nagtama
Sa pagkakataong hindi sinasadya
Naramdaman ko muli ang dating nadarama
Sa tuwing tayo noo'y nagkikita
Bawat pagsilay sa ngiti ng iyong mga labi
Ako ay sadyang nabibighani
Lubos akong kinakabahan
Ngayong tayo'y magkaharapan
Aking katawa'y hindi maigalaw
Dahil sa kabang pumapaibabaw
Nag-umpisang bumuka ang iyong bibig
Sa pagpapahayag muli ng iyong "Pag-ibig"
Humingi ka muli ng isa pang pagkakataon
At ako nama'y agad na tumugon
"Oo" ang tanging aking nasambit
Dahil sa pagkawalay nating sinapit
Marahil mahabang panahon pa ang ating pagsasamahan
Sa kaligayahan man o kahirapan
Habang mga palad nati'y magkadaupan
Masayang nilisan ang ating tagpuan

Ito po ang aking akda sa patimpalak na #wordchallenge Ni @jassennessaj para sa temang "Tagpuan". Ang aking ginamit na larawan ay kuha sa aking Samsung S4 kaya naman ito po ay orihinal na mula sa akin. Maraming salamat po sa pagbibigay ng pagkakataon na makapag-sulat ng ganitong uri ng akda na gawa sa ating sariling wika. Pagpalain po kayo!
Sort:  

Nakakamangha ang iyong akdang tula kabayan @julie26. Napakalalim ng iyong pinaghugutan sa akda na ito. Sana isa sa mga manalo ito. Gudluck po sa lahok nyo.😊

Maraming salamat po @blessedsteemer! Sana nga po 😊

Patuloy lang sa paggawa ng matitinding akda..at tiwala lang at sabayan mo ng pasyon ginagawa mo.

Opo, salamat po ng marami!

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66269.58
ETH 3204.67
USDT 1.00
SBD 4.24