Word Poetry Challenge # 2 : Huling Sayaw
orihinal na komposisyon ni @joco0820
Isa, isang kanta ang hinding hindi ko makakalimutan
Ang unang musikang aking napakinggan
Naging paborito ng aking tenga kahit hindi ko naiintindihan
Sonata habang akoy iyong iniindayog sa uyog ng duyan
Dalawa, natatandaan ko pa, dalawang araw ng ako'y ipinanganak
Sabik kang isayaw ako sa iyang masinsinang pag indak
kantahan habang ang kamay ng orasan hayaang pumatak
At yun ang unang pagsayaw natin sa akin ay nakatatak
Tatlo, apat, tatlong hakbang pasulong apat na hakbang paurong
Hakbang na pinipilit ng iyong paang sa pagsasayaw ay hindi marunong
Nakahiga samantalang ang ulo koy nakatungtong sa balikat mong mayabong
Mapatahan lang sa pag iyak habang akoy sinusumpong
Lima, limang taon ang mabilis na dumaan
Ang pagsayaw sa akin ay hindi ko na nararanasan
Bakit kailangan humantong sa ganitong kapalaran
Tay, iyon naba ang huling sayaw na aking matitikman?
Anim, anim na araw kang nakalupaypay
Sa kama ng hospital ikaw ay nakalatay
Ang dating masayahing mata ngayon ay biglang pumungay
Mga brasong dati ang kisig ngayon ay tumamlay
Pito, sa ikapitong araw mo, nagdesisyon ka nang magpahinga
Ayaw ko sana ngunit ayaw ko nakitang mas nahihirapan ka
Sa pagkakataong iyon ang sakit lang talaga
Makitang mawala ang tatay mo at wala ka man lang magawa
Walo, walong taon na nga pala ang nagdaan
Nang ikaw ay pumanaw at kami ay iyong iniwan
Hindi parin mabakas sa aking mangmang na kaisipan
Ang iyong pagpanaw ay isang malaking kawalan
Siyam, bilang ng taon ang dumaan pero hindi ko parin mawaglit
Ang huling sayaw nating dalawa noong ako ay paslit
Tay? ang huling sayaw natin pwede bang maulit
At wag pahintoin ang kanta ng pagpanaw moy di sinapit
Sampu, sampung taon o ilan man ang dumaan
Akoy naghihintay na huling sayaw natin ay masundan
Magtutugtog nang walang katapusang katahan
Ng ang Huling Sayaw ay hindi maging tutuhanan
Magandang umaga po sa ating lahat. Ito po pala ang akda ko sa patimpalak na ito. Maraming salamat uli @jassennessaj sa patimpalak na ito.
Napakahusay ng iyong akda. Hindi ko maiwaang maging malungkot habang ito'y aking binabasa. Deserve mo ang iyong pagkapanalo sa contest. :)
maraming salamat po sa papuri po :*
Ako ay tatlong bilang lamang di kinaya ng sampu
Isa, isa kang alamat sa tulang iyong nagawa
Dalawa, dalawa kong kaibigan tulad ni @beyonddisability @johnpd ay gumamit ng ganitong estilo din noong nakaraan
Tatlo, tatlo lang ang mapipili para sa patimpalak ni @jassennessaj goodluck dito.
P.S. Recruiter ako ni @tagalogtrail kung gusto momg makigulo sa aming tropa ng mahilig magsulat pwede kang sumali sa munti naming tambayan.
https://discord.gg/93mXpD
hanggang sampu lang talaga ang kaya kong bilangin.
cheret (sabi ni Min-min) pero mahusay po ang akda ninyo @joco0820 😊
Salamat po sa pag hanga!!
Sa komento nyo po na iingganyo ako na gumawa pa ng magagandang tula
maraming salamat po Ginoong @tpkidkai.
Hindi man po manalo
sapat nang mapansin niyo
ang tulang nagawa ko
isang malaking karangalan to
Maraming salamat po :)
yung biglang tumugtog ang "Dance with my Father" sa isip ko habang binabasa ko ang tulang ito.
Ou nga po eh.
tapos di na natin namamalayan
pumapatak na pala ang mga luha sa ating malamansanas na pisngi
:'(
Congratulations @joco0820! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes received
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by joco0820 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Hahha congrats sa pagwawagi!
Sabi na kahit ang ibang mga ka tropa ay sasang-ayon at kahit so @tagalogtrail ay bumabati kaya paghusayan mo pa brother sa iyong likha.
Maraming salamat po.
Nakakataba po ng puso
Paghuhusayan ko pa po paglikha
Ng mga makabuluhang akda
@tagalogtrail @tpkidkai
Maraming maraming salamat po
@therealwolf 's created platform smartsteem scammed my post this morning (mothersday) that was supposed to be for an Abused Childrens Charity. Dude literally stole from abused children that don't have mothers ... on mothersday.
https://steemit.com/steemit/@prometheusrisen/beware-of-smartsteem-scam