Word Poetry Challenge #9 : Maskara
"Maskara"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Iyan ang mga ekspresyong madalas kong marinig sa kanya.
"Guys! May joke ako!!!"
Iyan ang mga salitang madalas niyang banggitin.
"ANG GANDA KO TALAGAAAA HAHAHAHA"
Iyan ang mga banat na madalas naming marinig.
"OKAY LANG AKO :)"
Iyan ang pinakasinungaling na salitang paborito niyang banggitin.
Naalala ko pa noon ang mga matatamis niyang pagngisi,
napakaganda niyang pagmasdan lagi.
Lagi siyang sandigan sa panahon ng problema
Lagi siyang handang tumulong
Lagi siya, siya na lang lagi.
Hindi ko makakalimutan ang araw na nagkakilala kami,
mga araw na wala ng direksyon ang aking buhay.
Simula nun' naging malapit siya sa akin.
Puro masasayang salita ang lumalabas sa kaniyang mga bibig.
Minsan nga naiinggit ako sa kanya.
Mabuti pa siya, sobrang saya.
Sa paglipas ng panahon mas nakilala ko siya.
Naging mas malapit kami sa isa't isa.
Napakasaya niyang kasama.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi ko siya nakilala.
Siya ang tumulong upang ako'y magpatuloy sa buhay.
Ngunit sa bawat pagdaan ng araw,
sa bawat paghaplos ng hangin
at pagsayaw ng mga dahon
unti-unti siyang nagbago.
Ang dating masayahin ay wala na,
Ang dating mga tawa ay napalitan ng hindi pag-imik
Ang dating mga ngiti ay napalitan ng paghikbi
Ang dating masaya ay napalitan ng pagluha.
Nasaksihan ko ang lahat ng iyon.
Napagtanto kung sira na pala ang kanyang mga maskara.
Pagod na siyang magtago sa likod nito.
Pagod na siyang tumawa kahit hindi naman nakakatawa.
Walang nakakatawa
dahil minsan hindi naging katatawanan ang kaniyang mga pinagdadaanan.
Hanggang sa...
Tuloy-tuloy ang pagpatak ng aking mga luha.
Walang tigil ang mga ito.
Halos wala na akong makita dahil sa hindi nito paghinto.
Nanginig ang aking mga kalamnan
at nanigas ang aking buong katawan.
Nanghihina ang aking mga tuhod
sa mga kaganapang aking nasaksihan.
Tuluyan na siyang lumisan.
Mas pinili niya ito kaysa magpatuloy.
Nabasag na ang maskarang suot niya araw-araw.
Pati ng kanyang sarili ay basag na basag na.
Ang lubid ang kaniyang naging himlayan.
Wala na ang maskara ng panlilinlang.
Wala na ang maskara ng pagkukunwari.
Wala na ang maskara ng pagngiti.
dahil...
Wala na siya.
Congratulations @jerylmaeada! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments received
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
To support your work, I also upvoted your post!
Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Russia vs Croatia
Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes