Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan

in #wordchallenge6 years ago

meadow-2153223__480.jpg
Pixabay

Tagpuan
ni jennybeans

Sa nakatagong parte ng bukirin
Tatambad ang isang magandang tanawin
Na kung saan tahimik at presko ang hangin
Na siyang nagsilbing saksi sa pagmamahalan natin

Dito natin madalas na pagsaluhan
Malulutong na tawanan at kuwentuhan
Abutin man nang gabi sa daan
Di mangangamba pagkat ikaw ay nandyan

Sa ating tagpuan nabuo ang simpleng pangarap
Na magkasamang bubuo ng pamilya sa hinaharap
Magsisikap nang mabuti para magkaroon ng buhay na kaysarap
Maginhawa at malayo sa problemang masaklap

Sa tuwing sasapit na ang dapit hapon
Dali-daling tatahakin iisang direksyon
Sa ating tagpuan ako paroroon
Dahil ikaw ay naghihintay sa akin doon

Ngunit nang lumipas ang maraming taon
Nakapag-isip-isip at nakapagdesisyon
Ako'y magtatrabaho muna sa malayong nasyon
Para rin naman sa atin 'to pagnagkataon

Ako'y aalis man at mangingibang bayan
Babalik at babalik pa rin sa ating tagpuan
Kahit na sa darating na bukas ay walang kasiguraduhan
Kung meron pang isang ikaw na doo'y madadatnan



Ito ang kauna-unahang entry ko sa patimpalak ng paggawa ng tula na inorganisa ni Ginoong @jassennessaj na ngayong linggo ay tungkol sa paksang "Tagpuan".



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif


Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

ganda ng tema sis, tagpuan sa kabukiran :)

Maraming salamat po sis @reginecruz :)
Sali ka rin.....

Nakakamangha ang iyong gawa kabayan, akin tuloy naalala nung kabataan ko pa na pupunta sa bukirin at kukuha ng mga bayabas, at napaksarap alalhanin ang mga nakaraan kung mapupuntahan mo uli mgs dating tagpuan. Gudluck sau kabayan.😊

Maraming salamat kabayan :)
Good luck din sayo :)

Salamat po peru di ako makakasali kasi ako yung hurado sa ngayon kabayan.😊

Ah, kaya pala. Pero di bale good luck pa rin sayo kabayan dahil batid hindi biro ang maging isang hurado lalo pa't andaming magagaling na makata sa Steemit. God bless :)

Sis pwede rin yan sa #steemitdora. Hahaha
Ganda ng iyong katha. 😀 Sino ang katagpo mo sis? Gawan mo na rin yan #radyoserye. 😀😀😀

Salamat sis... Katagpo ko si Gong Yoo jan sis hahaha kailangan lang niyang kumayod sa South Korea pero hihintayin ko talaga siya sa aming tagpuan kahit ako'y abutin man ng walang hanggan sa kakahintay hahahahaha... O di kaya susunduin ko na lang siya sa South Korea Nyahahahah :)

Wahahahaha. Dami ko tawa sau sis. Pagmagkita kau ipakilala mo un sa akin. Hahaha.

Ok sis no problem ikaw pa ba ;)
Naku #1 ka sa list ko, tamang tama nga kasi may upcoming concert siya dito sa Pinas... Gusto mo backstage pass?? Hahahahaha

Sana ganun lang kadali..... :(
Ticket nga wala akong pambili eh, backstage pass pa kaya... Huhuhu ANSAKLAP!!!!
Goodbye my Gong Yoo !!!

Wahahaha. Akala ko kayo na sis. Hahahaha
Paano na ang tagpuan? Hahaist..

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63793.25
ETH 3410.80
USDT 1.00
SBD 2.59