Word Poetry Challenge #16 : "Bagyo" | Pag-Anunsyo sa mga Nanalo
Magandang Umaga Makatang Pinoy!
Lubos ang aking galak sa napakaraming na sinumite ng ating mga kabayan ng "Word Poetry Challenge | Tagalog Edition" na may temang "Bagyo". Salamat sa mainit na pagsuporta at sa pagsasabuhay ng wikang Filipino na inilalathala natin sa Steem Blockchain.
Sa totoo lang, naging sobrang hirap ang pagpili ng mga mananalo sa paligsahang ito dahil nakakaantig ang Tema ng patimpalak na ito.
2nd runner-up
@nuvie
Malakas na buhos ng ulan,
Nagdidilim na kalangitan,
Bugso ng hanging amihan,
Heto na nga ang ating kinakatakutan.
Word Poetry Challenge #16: BAGYO
1st runner-up
@blessedsteemer
Panahong pinaghahandaan ng bawat mamayan,
Halos ang buong mundo ito ay pinagdadaanan.
Perwisyong dulot nito ay halos di makalimutan,
Hindi lang ari-arian ang napipinsala,minsan buhay din ay nawawala.
Word Poetry Challenge #16 "Bagyo" | Ang aking lahok
CHAMPION
@cradle
Sumapit na ang panahon ng tag-ulan,
Umihip na ang hangin mula sa kanluran.
Inaabangan ang kanyang pagbabalik,
Inaantabayanan ang kanyang pagdaan.
"Word Poetry Challenge #16 : Bagyo"
Maraming Salamat sa Pagsuporta!
Pruweba ng Gantimpala
Maraming salamat sa suporta mga kabayan. Kung nais ninyong suportahan ang patimpalak na ito :
Maraming Salamat sa Nagbigay Donasyon sa Patimpalak na ito
@donkeypong
Paano Sumuporta sa Patimpalak na ito :
- Inaanyayahan ko kayong magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
- Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]
- Kung maaari I-upvote ang post na ito.
voy a seguirte...
Congrats sa hubby ko @blessedsteemer! Galing ah! Kongrats din kay lodi @cradle at kay mam @nuvie! At sa lahat ng mga lumahok! Suportahan po natin ang Mga pilipinong tula! Mabuhay po lahat ng mga manunula!
Salamat mahal ko.😊
Binabati ko po ang lahat ng mga sumali at mga nanalo sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj, marami rin pong salamat sa pa contest na to at premyo sir jass!
Ako po ay nagpapasalamat at isa ang aking katha na nanalo! Kongrats sa mga nanalo at sa mga di pinalad na manalo, patuloy lang sa paglikha at pasasaan din ay mapipili din ang inyong lahok! Mabuhay po tayong lahat!