Word Poetry Challenge #16 "Bagyo" | Ang aking lahok

image


Mapagpalang araw po sa lahat! Narito po aking munting lahok sa patimpalak na ito ni ginoong @jassennessaj. Sana po ay magustuhan ng magbabasa ang aking simpleng tula na aking akda,at lalo na ang ating mahal na hurado. Narito po ang aking akda.😊

"BAGYO"
Katha ni: @blessedsteemer
🙏


Panahong pinaghahandaan ng bawat mamayan,
Halos ang buong mundo ito ay pinagdadaanan.
Perwisyong dulot nito ay halos di makalimutan,
Hindi lang ari-arian ang napipinsala,minsan buhay din ay nawawala
.


Hanging humahagupit at bahang kay lupit,
Sa mga pinsala mo,mga pamilya sa hirap namimilipit.
Halos minsan wala ng matirang mga gamit,
At nagtitiis na lang sa lugar ng mga bakwit
.


Dahil sa kapighatian na iyong nakakamit,
Ikaw ay napapatingala na lamang sa langit.
At dumadalangin sa Diyos na Maylikha,
Na sana humupa na ang bagyong nanalasa
.


Aking nasaksihan ang epekto ng bagyo,
Hindi lang pala lungkot at perwisyo ang dala nito.
Mayroon ding ngiti at saya na natatamasa dito,
Dahil sa masamang panahon ay pinagbubuklod tayo
.


Dahil din sa bagyong ito,diwa ng bayanihan ay matutunghayan mo,
Nagtutulungang mga bansa ay masasaksihan mo.
Para makabangon muli ang isang lugar sa napagdaanang delubyo,
At maibalik muli ang matiwasay na pamumuhay dito
.


Kaya anumang bagyo ang dumating sa atin,
Matuto tayong magpakumbaba at manalangin sa Diyos natin.
Kanyang paggabay ay ating idalangin,
Upang pag-iingat NIYA ay ating kamtin
!


Maraming salamat sa pagbasa! Hanggang sa muli! Mabuhay ang mga Manunula!💪👍


Pinagkuhanan ng litrato


Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer🙏


image

image

image

image


Vote my witness: @good-karma; @steemgigs;; @cloh76.witness; @ausbiitbank; and @precise !

To cast your vote visit https://steemit.com/~witnesses

image

Sort:  

Bigger isn't always better!!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 57563.20
ETH 3078.64
USDT 1.00
SBD 2.41