Word Poetry Challenge #9 : Maskara (Entry #1)

in #wordchallenge6 years ago


Source: Pixabay

Aking inaasam ang iyong pagtawag sa akin.
Nang tumunog ang telepono, ako ay nagmadali.
Aking inaakala ay maaayos pa ang tungkol sa atin.
Nasaktan na lang ako nang marinig ang iyong sinabi.

"Palayain na natin ang bawat isa"

Mga salitang sumugat ng umaasa kong puso.
Bagama't ako lamang ay nagpakita ng ngiti.
Na parang naka-maskara, ibang pinapakitang anyo.
Ang nararamdaman ay sinubukan kong ikubli.

Lumabas ang mga araw, nananatili pa rin ang sugat.
Pero ayaw kong ipakita ang tunay na nararamdaman.
Pangiti-ngiti, patawa-tawa, pero ito ay di sapat.
Masakit sa damdamin, abot hanggang kalamnan.

Linggo, buwan, hanggang taon na ang lumipas.
Tayo ay nagkita ng di sinasadya sa dating tagpuan.
Lumapit sa iyo ang isang babae, at kayo ay lumabas.
Nalaman ko na lamang, siya ay iyong bagong kasintahan.

Hanggang kailan ako magtitiis sa sobrang sakit?
Hanggang kailan ko itatago ang tunay na nararamdaman?
Sa pag-ibig na ito ay kailangang huminto sa pagkapit.
Tumingin sa sarili, paghilom ng sugat ay simulan.

Ito ang aking unang lahok sa patimpalak ni @jassennessaj na Word Poetry Challenge.

steemit-border


Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token.


Do support @steemph, @bayanihan, and @sawasdeethailand curation teams. Huge thanks to sir @bobbylee, and @hr1.

image
image
image
IYANPOL12 (1).gif

Sort:  

Hei vist also me

Damang dama ang emosyon sir @iyanpol12! Kay galing!💪🏽

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63914.63
ETH 2664.93
USDT 1.00
SBD 2.77