Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya

in #wordchallenge6 years ago


Pinagkunan: Pixabay

Sa haba ng panahon na ako'y nasa institusyon.
Kung saan ako'y kumuha ng edukasyon.
Pumasok sa butas ng karayom para makapasok.
Sa dami ng patimpalak, ako'y lumahok.

Lumipas ang napakahabang panahon.
Walang oras na sinayang at tinapon.
Para makamit ang kaginhawaan.
Sa kinalaunan ay makaramdam ng kaligayahan.

Sa daming pagsubok na aking pinagdaanan.
Kitang kita naman na ako ay lumaban.
Sa paghihirap, naipamalas ko'y pagiging matiisin.
Makapunta sa tuktok, aking pagsisikapin.

Sa oras na aking ginugol, ginawa ko ang lahat.
Pero minsan pakiramdam ko ito'y di sapat.
Ikompara man ito sa inyong mga sakripisyo.
Aking mga magulang, gagawin ko ito para sa inyo.

Lumipas ang dalawang dekada, di pa ako natapos.
Sa aking pag-aaral, grado ko ay kinapos.
Di ko alam ang aking gagawin, ako'y hiyang hiya na.
Dahil di ko pa naibigay ang inasam nyong diploma.

Di ko man naibigay sa inyo ang gintong medalya.
Ang hiniling nyo lang ako'y matapos, kayo'y umaasa.
Kaya gagawin ko ang lahat para ito'y makamit.
Para makaakyat sa entablado suot ang itim na damit.

Ang tula na ito ay aking nilahok para sa patimpalak na ito ni @jassennessaj.




Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token.


Do support @steemph, @bayanihan, and @sawasdeethailand curation teams. Huge thanks to sir @bobbylee, and @hr1.

image
image
image
IYANPOL12 (1).gif

Sort:  

🤗🤗🤗🤗🤗

Congratulations, your post received 9.09% up vote form @spydo courtesy of @iyanpol12! I hope, my gratitude will help you getting more visibility.
You can also earn by making delegation. Click here to delegate to @spydo and earn 95% daily reward payout! Follow this link to know more about delegation benefits.

Para sa mga ma-aaral na kinapos ng grado. balang araw makakaraos din. Salamat sir @iyanpol12 sa pagbabahagi ng iyong tula.

Kahanga-hangang adhikain po ginoong @iyanpol12. Kung true-to-life ito, push lang po :)
Maganda po ang pagkakasalaysay at mensahe ng tula - ang pinakamahalaga ay ang patuloy na pagsusumikap. - Junjun ng #tagalogtrail

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68154.08
ETH 3274.07
USDT 1.00
SBD 2.66