word challenge poetry #9: "Maskara"
(Ang litratong ito ay kinuha ko lang sa Google.com )
Ito po ang ka unaunahang pag sali ko sa patimpalak na ito tungkol sa tula na ang pamagat ay Maskara na pinangungunahan ni @jassennessaj sa #wordchallenge..sana po ay inyong magustohan itong aking katha..
Mala kutis pursilana kung ikay pagmasdan,
Taglay mong ganda ay walang sawa kahit na ito'y titigan.
Aalang katulad angkin mong ganda,
Kahit tulad mong mga babae napapatingin pa,
Anu pa kaya ang mga lalaki kapag ikaw ay dadaan na.
At para bang bulaklak sa harden na namumukadkad,
Kapag ikaw ay nasisikatan ng araw,
Taglay mong ganda ay lalong mangingbabaw.
Sa taglay mong gandang ikaw lang ang nag mamay ari,
Kabaliktaran pala sa kagandahan ang iyong pag uugali,
Kaya pala lahat ng lalaki sayo ay nag aatubili.
Biglang nag iba ng ito ay natuklasan,
Sikreto mong ugali ay napag alaman,
Maganda nga sa labas pero pangit naman ang kalooban,
Kung sa likod ng "maskara" pangit pala ang matutuklasan,
Hindi bali na siguro kung pangit akong tingnan,
Basta busilak at maganda ang aking kalooban.
salamat po at sana ay inyong magustuhan..
upvote for me please? https://steemit.com/news/@bible.com/2sysip
Makata siya oh hehe..
Karamihan ngayon, ganyan nga sila. Masyado silang nilamon ng kanilang pisikal na kagandahan. Maganda ang pagkakagawa! Salamat sa pagsali kabayan! 😊