Word Poetry Challenge #19 : "Ulan" | Aking lahok.
Katha ni: @blessedsteemer🙏
Dumating na naman ang panahon ng tag-ulan,
May mga natutuwa at iba'y kinaiinisan.
Mga magsasaka sa kabukiran ito ay pinapasalamatan,
Ngunit dito sa siyudad, ay sinusumpa dahil sa kalbaryong nararanasan.
Sa pagbuhos ng ulan maraming reaksyon kang makikita,
May masaya, malungkot at asar ang mukha.
Mayroon namang nag eemot at lumuluha,
Dahil sa patak ng ulan mayroong silang naalala.
O' kayganda pagmasdan ang bawat patak ng ulan,
Mga problema mo sa buhay minsan ay naiibsan.
At minsan ay naalala mo ay iyong kabataan,
Na masayang nagtatampisaw sa buhos ng ulan.
Maraming tanong sa aking isipan patungkol sa ulan,
Perwisyo o pagpapala ang dala nito sa bayan?
Ngunit aking ito minumuni muni sa aking isipan,
Mayroong itong tulong sa iba nating kababayan, pero kapag sumobra naman perwisyo ito sa sambayanan.
Kaya payo ko na lang sa ating mga kababayan,
Maging disiplinado tayong mga mamayan.
Mag ingat tayo at huwag naman magtapon ng basura kung saan saan,
Para maiwasan ang perwisyo sa pagbuhos ng ulan.
@blessedsteemer🙏
Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq
Disiplina sa sarili ang dapat unahin, para masanay na tayo'y maging malinis sa kapaligiran.
Posted using Partiko Android
Totoo yun sir..pag disiplinado tayu wala sanang basurang nakabara sa mga kanal o daluyan ng tubig pag naulan.😊salamat sir sa pagbasa!😊
Posted using Partiko Android