Word Poetry Challenge #18 : "Tamang Panahon"| Ang aking lahok.

image
Pinagkuhanan ng litrato


"TAMANG PANAHON"
katha ni: @blessedsteemer🙏***


May mga bagay sa mundo na minsan mahirap maintindihan,
At kadalasan ay hindi kaya arukin ng ating limitadong kaisipan.
Bakit may mga bagay na sa atin pinapahintulutan,
At ang mga pinapangarap na buhay ay di natin nararanasan
.


Bakit sa buhay ay puno ng pasakit,
Kaya mga mahihirap ay puno ng hinanakit.
Dahil ang buhay nila ay puno ng hinagpis,
Samantalang ang iba ay puno ng ligaya at tamis
.


Dobleng pagsisikap ang ginagawa sa maghapon,
Upang sa hirap ng buhay ay makaahon.
Ngunit sa karukhaan ay lalong nababaon,
Kaya minsan dahil sa depresyon,ay nasisi tuloy ang Panginoon
.


Kaya ikaw sa langit ay napapatingala,
Nagtatanong sa Diyos sabay agos ng luha.
Bakit kay ilap ng Kanyang mga biyaya,
Na ikaw naman ay di nakakalimot at sa Kanya nanampalataya
.


Ngunit lagi natin tatandaan at itatak sa puso't isipan,
Lahat ng pangyayari sa buhay natin ay Kanyang pinapahintulutan.
Dahil may inilaan na biyaya sa atin ang ating Panginoon,
At ibibigay Niya ito sa "Tamang Panahon"
!


Ito po ang aking lahok sa patimpalak na ito ni ginoong @jassennessaj. Sana ay magustuhan nyu po ang aking simpleng akda.😊. Salamat sa pagbasa! Mabuhay po ang mga manunulang pilipino!🙌💪

Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer
🙏


image

image

image

image


Vote my witness: @good-karma; @precise; @steemgigs; @cloh76.witness; @ausbitbank

To cast your vote visit https://steemit.com/~witnesses

image

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Thanks for the support!😊

Boss naniniwala ako sa tulang ito!💪🏽 Ginaligan din boss 😎

True to life ba sir?😊

Posted using Partiko Android

Para sakin, OO. 😊

Salamat sir sa pagbasa..😊

Posted using Partiko Android

Isang kapana-kapanabik na entry na naman :)

Salamat sir.😊

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57886.34
ETH 3104.72
USDT 1.00
SBD 2.54