Word Poetry Challenge #15 : "Pagbabalik" | Aking lahok

image


"PAGBABALIK"
Katha ni:@blessedsteemer
🙏


Mula't sapul sa aking pagkabata,
At ito'y akin pang tandang tanda.
Paggawa ng mabuti sa ating kapwa,
At sa pagpapasalamat sa mga natatanggap na biyaya, iyan ang turo ni ama
.


Pagsamba sa ating Diyos na Maylikha,
Pagbabasa at pagsabuhay ng Kanyang Banal na Salita.
Isang bagay na ako ay napahanga,
Dahil sa lahat ng sakripisyo dito sa lupa,ay may kapalit na pagpapala
.


Kaya naman si ina ay labis ang pagmamalasakit sa akin,
At laging itinuturo ang mabuting asal sa amin.
At huwag kami sa takbo ng mundo mahumaling,
Bagkus sumunod sa mabuting asal na itinuro sa amin
.


Sa aking pagbubulay bulay ,
Aking naintindihan ang turo ni inay.
Na dapat tayo ay magkaroon ng oras sa ating Dios na buhay,
At dapat nating iaalay ang hiram nating buhay
.


Sa Kanyang muling pagbabalik,
Handa ka na bang humarap sa Kanya at magsulit?
Makakasama ka ba sa tahanang langit?
O isa sa mga taong maiiwang nagngingitngit
.


Bawat isa sa atin ay may pangarap na nais kamtin,
At sa Diyos ito ang lagi nating dalangin.
O kaysarap isipin at damhin sa damdamin,
Kung isa tayo sa makakasama sa langit na tahanan na inilaan sa atin
.


Kaya sa pagkawanggawa ay huwag magsawa,
Dahil di ito nalilingid sa Diyos na maylikha.
At sa Kanyang pagbabalik sayo'y hatid
Biyayang kailanman di mapapantayan siksik,umaapaw at liglig
.


Ito po ang aking lahok, at sana magustuhan nyo po ang aking munting akda. At sana maintindihan nyo po ang nais ipaunawa ng aking tula. Maraming salamt po sa inyong pagbasa. Mabuhay po ang mga pilipinong manunula!💪👍👊

Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer
🙏


image

image

image

image

Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him here and type in "steemgigs" in the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, on that same page type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs. Thank you!

###Vote for my witness: @good-karma; @cloh76.witness; @ausbitbank; @precise

To cast your vote visit https://steemit.com/~witnesses

This is an Invitation to join #ccc for Guaranteed 👍 Daily Income 💵 and Payout 💸 for Newbies (2.0) 🐟 🐜 🐛 in #ccc 👣 and Follow 👣 the Honor Code 🏅 - the Creed (Conditions and Limits Inside)
AND
the latest update <<< please click to read.

image

Pinagkuhanan ng litrato

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 58139.39
ETH 2454.15
USDT 1.00
SBD 2.36