Philippine Poetry and Song Contest #1, "Pusong Martir"

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Photo Credit

Pilitin mang itago sa kaban ng kahapon
Pangalan mo pa rin ang siyang binubulong ng puso kong martir
Mga ala-ala na daig pa ang isang 'runner' kung tumakbo sa isipan
Mga pangakong napako ay sila pa ring minimithi

O sinta ko! Bakit ako'y nilisan?
Mga pangarap na tulad mo'y naglaho nang parang bula.
'Sing lalim ng balon at 'di maibsang sakit ang iniwan
Ngunit puso ko'y tila ba baliw, patuloy na umaasa sa wala.

Batid kong ito'y mali pero walang magagawa;
Pangalan mo'y nakaukit na sa puso't kailanma'y 'di na mabubura.
'Di na mabilang ang mga luha na ipinatak sa lupa
Sa katotohanang ang pag-ibig na inaasam ay kailanma'y 'di na makakamtan.

Hayaan mo aking sinta, hanggang sa oras na ako'y sunduin ni kamatayan,
Ikaw at ikaw pa rin, manantiling tapat,
At kailanma'y hinding-hindi ito pagsisisihan
Pagka't dahil sa iyo, ako'y natutong magmahal nang lubusan.

Sort:  

Grabe... Until the end of time talaga ha! Nice!

please upvote this post of mine po ^^ i will upvote yours din po.. napakaganda po ng iyong katha.. damang dama ko mula simula hanggang dulo ^^ Keep it up!

https://steemit.com/wikang-filipino/@rejzons/philippine-poetry-and-song-contest-1-ganito-ba-talaga-ang-umibig

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63099.62
ETH 2555.59
USDT 1.00
SBD 2.83