Philippine Poetry and Song Writing Contest #1 : " Ganito ba Talaga ang Umibig? "

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Magandang araw po sa lahat! :) Naranasan niyo na po bang umibig? Maging tapat at tunay pagdating dito? Na handang isakripisyo at intindihin lahat para lang sa taong minamahal niyo? Yung tipong kahit nasasaktan at napapagod kana ay umaasa at umiibig ka parin sa taong mahal at nagbigay ng liwanag sa buhay mo dahil ayaw mo siyang mawala sa buhay mo? Kung ganun po ay para po ito inyo. Sa lahat ng tunay na umiibig lalong lalo na sa minsan nang nakaranas ng umiibig ng lubos. Ito po ay tulang aking iniaalay sa inyo. ^_^

Ito po ang aking entry sa patimpalak. Sana po ay inyong e upvote, maramdaman ang nilalaman o nais kong iparating at inyo pong tangkilin. ^_^ :')

Ganito ba Talaga ang Umibig?

by Rejieson Carin

Ganito ba talaga dapat pagdating sa pag-ibig?
Lahat ay dapat kong gawin para sa aking iniibig?
Pasensya'y dapat malawak at sakripisyo'y hindi nawawala,
Kahit minsa'y nasasabi kong ako nalang sana ay mawala.

images-10.jpg

Pagod at nasasaktan man ako'y nagpapatuloy pa rin,
Umiibig sa babaeng sinisigaw ng isip at damdamin,
Kahit sabihin ko man sa kanyang " bahala ka na nga "
Sa huli, mga sinabi ko'y parang mga naglalahong bula.

images-7.jpg

Pagmamahal pa rin ang nananaig at nagiging dahilan,
Kaya patuloy parin akong nagmamahal at lumalaban,
Masakit mang isipin na sa huli'y ako ang laging nasasaktan,
Desisyon ko paring ito'y hayaa't kusa ko nalang kinakalimutan.

images-1.jpg

Bakit nga kaya sa simula lang lahat ng magaganda?
Paglipas ng mga araw ay tila sa kanya'y balewala ka na?
Bagamat minsa'y napapagod man ako na umasa,
Sa mga bagay na malabo na't meron pa ba kayang pag asa.

images-9.jpg

Mahal ko siya't sa tingin ko'y sapat na yun para aking makaya,
Lahat ng pagsubok sa relasyong pareho kaming hindi malaya,
Marami mang hadlang at suliranin ang dinaranas araw-araw,
Handa akong manindiga't maghintay at umasa na balang araw.

images-6.jpg

Inaasam na pag unlad sa aming relasyo'y buong makamit,
Pagsikat at paglubog ng araw nami'y dumanas man ng pait,
Sana sa aking minamahal iyo itong bigyan ng pansin,
Gusto kong iparating.. iniibig kita, salamat at paumanhin.

images-8.jpg

Sana poy inyong naramdaman ^_^ Maraming salamat po.

shoutout to @jassennessaj for the opportunity na maipahayag at maipakita ang galing ng likhang pinoy!!!

by @rejzons

Sort:  

Ang gawa mo @mikekenlytungal? Inaantay ko :) Hehe

hindi sa lahat ng pagkakataon xD haha pero ayos lng bastat worth it :)

Napakalalim, kaibigan. Pag-ibig nga naman.

Maraming salamat sa iyong gawa @rejzons!

Best of luck, kabayan!

maraming salamat sa appreciation kaibigang @jassennessaj :) akoy sobrang nagagalak ^_^

Glad to see you participate

thank you sir :) its an honor to participate in this kind of competition ^_^

iyun nga!

yeah @pjmisa iba talaga ang pag ibig :)

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67096.35
ETH 3509.27
USDT 1.00
SBD 3.22