Philippine Fifty-Word Story Contest, "Ang Pagtatapos"

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Ito ang aking kauna-unahang blog na isinulat sa wikang Filipino bilang entry para sa paligsahan sa pangunguna ni @jassennessaj

               "Ang Pagtatapos"

Bata pa lang ako ay tampulan na ng tukso. Hindi kaya nila batid na hindi ko ginustong magkaganito? 

Ipinanganak akong lumpo ngunit katulad nila, may pangarap rin ako.

 Sa kabila nito ay nagsumikap ako. Kaya narito ako ngayon sa entablado hawak ang diplomang pinaghirapan ko. 

Sa wakas ay nakapagtapos rin ako.

Ito ang aking likhang maikling kwento tungkol sa isang dalagang puno ng pag asa sa buhay. Hindi kailanman dapat maging hadlang ang anumang kapansanan upang makamit natin ang mga minimithi natin sa buhay. Sipag at determinasyon lamang ang kailangan, samahan pa ng suporta mula sa mga kapamilya at kaibigan. 


Nais kong maging aral din ito sa iba upang iwasan na ang diskriminasyon sa ating kapwa. Kung sila man ay naiiba sa atin, dapat pa rin natin silang respetuhin at pahalagahan sapagkat tao rin sila, may puso at damdamin. Gawin nating inspirasyon ang mga kagaya nila na sa kabila ng kakulangan ay lumalaban at nagsusumikap pa rin sa buhay. Kung kinaya nila ay kakayanin din nating maabot ang ano mang minimithi natin. 

Nawa'y nagustuhan ninyo ang aking kwento. Sapagkat dumugo ang ilong ko rito. 😂

Hanggang sa muli,


Photo source: Pixabay


Sort:  

The @OriginalWorks bot has determined this post by @enjieneer to be original material and upvoted it!

ezgif.com-resize.gif

To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!

To nominate this post for the daily RESTEEM contest, upvote this comment!

For more information, Click Here!

nakakatuwa makita ang mga kababayan kong aktibo sa Steemit!
Upvoted!
mahirap mag-tagalog sa totoo lang hahaha lalo na mag translate ng 'English blog to Filipino'

Keep it up! ^_-
<3
Gilaine

Totoo sis. Super hirap ako magpure tagalog sa blog. hahaha nosebleed! Thankyou 😘❤

Congratulations sis! :)

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond

Hope you get more badges. I do not understand what is writtsn but am sure it is good reading material

My apologies as this is a Filipino contest. Haha but thanks for stopping by!

panalo to! aylabet!
touching naman...huhuhu
uwi nako kakaiyak!!!

maganda nga din yung sayo sis eh! hahaha push ntn to sana manalo kht consolation prize lng ako haha

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond

congrats! Hope you'll bring home the bacon.

Inspiring story. :)

@enjieneer sana manalo ka sa paligsahan. Galing, makasali nga din.

Very touching ma'am, good job :-)

yehey salamat! 😊

you're welcome :-)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67271.13
ETH 3515.41
USDT 1.00
SBD 2.70