Philippine Poetry and Song Contest #1 - "Katahimikan"

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Magandang araw po mga kaibigan at kababayan! Ako po ay lubos na nasisiyahan na makalahok po sa inyong patimpalakan, bagamat ang akin pong kalawakan sa pag unawa ng isang tula ay may hangganan, mandi'y akin pong pag iigihan para na din po sa dagdag angking kaalaman. Ang kahusayan po sa paglinang ng tula ay di po sa kagandahang bigkas ng mga titik lamang, bagkus yaong pagpaparamdam ng kalaliman at dulot sa puso ng kahatiran ng isang tula. Maraming salamat po!

Narito po ang aking tula, na pinamagatang "Katahimikan"

Katahimikan... ito ba'y wari ay tubig sa karagatan, na nagsasaad ng kalaliman?
... ito ba'y madilim na kaulapan sa himpapawidan, na nagbabadya ng isang unos?
...o sa kalaliman ng hating gabing nagdudulot ng nakakabinging... katahimikan.

images-4.jpg

Kaisipan ay pumapalaot, paroon.. parito, di ba nakababagot?
Katahimikan... lubos na katahimikan.
Datapwat ako'y napapalibutan ng mga kaganapan, mga gulo na nababalitaan, kabi-kabilang patayan, bunga ng syensang panlaban, pulburang nagpapabuga ng nagbabagang bala.
Kumikitil sa isang buhay o mas higit pa.

images-3.jpg

Katahimikan... ang unos ba'y lumipas na? Dambuhalang alon sa karagatan ay humupa na?
Nakakabinging katahimikan sa hating gabi ay nauulinigan pa ba?

Ngunit, heto na naman... di ba paulit-ulit lang? Dulot ng tao sa kapwa tao, mapangsalot na gawang kaperwi-perwisyo, na kumikitil sa buhay ng tao.

Pagod na ako... tama na!...
Katahimikan... sa paghawi ng malamig na hangin sa usok na dulot ng digmaan.
Katahimikan... sa mga daan-daang bangkay na nakaratay, ng mga inosenteng musmos na anghel sa kalupaan.
Biktima ng walang puso sa kaibuturan.

images.jpg

Katahimikan... luha ko'y umaagos at puso ko ay nagdadalamhati at tumataghoy.
Wala akong magawa... lakas ng tuhod ko'y bumibigay, kaisipan tuloy panilay- nilay.

images-5.jpg

Katahimikan... lubos na katahimikan.

Maraming salamat po!
Ito po ay aking sariling likha, ang inspirasyon o dulot ay sa kapapanuod ng balita, mga nagyayaring gulo sa loob at sa labas ng ating bansa. Muli po ako'y nagpapasalamat sa inyo mga kaibigan, lalong-lalo na po sa bumuo ng patimpalak na ito na dili at walang iba.na si @jassennessaj 😊.

Mabuhay po tayong lahat! Ako po'y lubos na kalugod-lugod sa inyong pagtangkilik sa aking mga gawa, mangyari po lamang na kayo po ay magbigay ng kumento, at kung mamarapatin po ninyo ay tatanggapin ko po ng buong puso ang inyo pong boto, yaon ay sa kadahilanang inyong naibigan ang aking tula.

Hanggang sa muli pong kaganapan! Ang inyong lingkod @dwightjaden po lamang 😊.

Sort:  

@steemitph, tunay ngang bagay sa akin amg obra-maestra ni Ginoong @dwightjaden. Akong ako e wala akong masabi hahaha.

Hala hehe dko magets @dreamiely 😁.

Sinasabi po ni sir steemitph na tahimik daw ako. Sa kabaligtaran.

Medyo malalim yang tula, pero yan din ang nilalaman nyan, kabaligtaran ng katahimikan 😊. Saludo ako syo @dreamiely ang galing mo! 😉.

<3 ba yan tita?

hindi hahaha. katahimikan. e kadaldalan ako hahaha. sarcasm yun lol

Aw ayun pala eh. Akala ko ano na xD

Napakaganda! :) Maraming salamat sa entry, kabayan!

Best of luck @dwightjaden :)

S'yang tunay na nakagagalak at kawili-wili ang iyong tinuran kabayan @jassennessaj 😊. Lubos na pagpapala nawa'y sayo'y pumaimbabaw! 😉.

Napakalupit po Sir ng tula nya, napapanahon at talagang kaantig-antig

Sana maging mapayapa na ang ating mundo :-)

Cheers!

Maraming salamat @rye05 almost 30min ko ginawa yan, tapos naluha pko nong binasa ko na 😥 mahusay din yung tula mo ah .

thank you Sir, pero mas maganda gawa nyo Sir, something unselfish that we hope could happen in our country and the world para sa mga anak at future generations natin :-)

Thank you @rye05 😊. Im really hoping na we could win a place on this poetry contest 😊

Sana nga po Sir pero manalo matalo, as long na nakapag contribute tau and from the heart ung mga gawa natin, sapat na rin :-)

Galing ah..keep it up @dwightjaden

Very interesting post Thanks for sharing

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 58690.10
ETH 2310.28
USDT 1.00
SBD 2.49