Philippine Poetry and Song Writing Contest #1: "Ang Haligi ng Tahanan"
This is my Official Entry for Philippine Poetry and Song Writing Contest#1 headed by @jassennessaj and his team.
Have good one reading my entry dear Steemians
Ang Haligi ng Tahanan
Ang unang matitipong bisig na sa aki'y umalalay
Lakas mo ay aking naging gabay
Ang unang musika't sayaw
na sa aking buhay binigyang kulay
at kung minsan ay may alinlangan at pangamba
sa matinik at abot-dili na landas
Ikaw Tatay ang kasangga at kasama sa agos ng buhay
Tapat, maaasahan at laging masasandalan bakal ang kalooban
sa iyo ay may natatanging patakaran magdilat ng mata at
Laging dapat manaig ay pagmamahalan sa isa't-isa
Laman ng puso't kaisipan kailanma'y di masusukat
Para sa iyo, ang maging "AKO" ay sapat na at walang katumbas na ligaya
Para sa amin ikaw ay isang biyaya
Ipinagkaloob ng poong Maykapal,
Ang pag-ibig mong tunay at wagas
sa puso namin ay pinamalas
ang isang Anghel ng Tahanan
Ang mga aral na dulot mo ay aking gabay,
dahil sa ikaw ay dakilang Tatay, Ako ay lubos na nagpapasamalat
dahil sayo aking naiwasto ang mga bagay-bagay
Dahil Tay ako ay isa na ring Tatay
Ang Tula na ito ay isang mensahe na nais lamang ipabatid kung gaano ka lubos hinahangaan at kamahal ng anak ang kanyang mahal na Ama
Wow! Very nice poetry @dwaeji-aizelle 😊.
Oh thank you for the appreciation @dwightjaden, This poem is for my papa
Nice you had a good father figure and you now have the chance to be one. :)
Thank you @zararina
Aaawe 😻 This is so touching. I hope I could thank my dad like this everyday.
Thank you @mosheheart 😊 I do love my family so much they're my everything.
bai.. :D please upvote this post of mine po ^^ i will upvote yours din po.. napakaganda po ng iyong katha.. damang dama ko mula simula hanggang dulo ^^ Keep it up! Lahi rajud ang naay amahan nga pareha sa imung papa :)
https://steemit.com/wikang-filipino/@rejzons/philippine-poetry-and-song-contest-1-ganito-ba-talaga-ang-umibig