Philippine Poetry and Song Contest #1, "SI JIGGER AT SI MAO"

in #wikang-filipino7 years ago

"SI JIGGER AT SI MAO"

aviary-image-1503585144819.jpeg

Meron akong alagang aso. JIGGER ang pangalan niya. Ang pangalan naman nang aking pusa ay si MAO.Kahit aso at pusa ay magkasundo sila.

Mahal ko si JIGGER ,niligtas na nya ako nang isang beses sa kapahamakan. Minsan ay nagkaroon nang brownout sa amin,inabot ng gabi ang brownout kaya napilitan kaming gumamit ng kandila nakatulugan ko ang brownout.

Nagising ako nang maramdaman ko ang kagat ni JIGGER sa padyama ko. Hinihila rin nya ako. Nagulat ako nang makitang nakatumba ang kandila malapit sa kurtina. Hinipan ko agad ang sindi ng kandila para mamatay. Iniligtas ni JIGGER ang buhay ko at nang buong pamilya.

Isang araw naman ay galing ako sa trabaho. Medyo umaambon noon kaya nakapayong ako. Mula kasi sa kanto na bababaan ko ay isang bloke pa ang layo ng bahay namin.

Hindi pa ako naklayo sa kanto nang marinig ko ang tila nanghihinang iyak ng isang kuting. Inilinga ko ang aking mata. Nagulat ako nang makita ang isang maliit na kuting na malapit sa poste ng Meralco. Basang-basa ng ambonbat nanginginig na sa ginaw. Nakatingin sa akin ang kuting at parang nagpapaawa.

Kinuha ko ang kuting at inuwi sa amin. Tinawag kong MAO ang kuting. Inalagaan ko si MAO. Pinakain ko siya at pinainom ng gatas para agad lumaki at lumakas.

Nakakatuwa naman dahil maliit pa ay pinakikinabangan na siya. Nagugulat na lang ako pag dumarating siya ay may kagat na bubuwit.

Pareho kong mahal sina JIGGER at MAO. Pinadama ko sa kanila na kapwa sila mahalaga sa akin. Kapag pinakain ko at pinatulog silang dalawa palagi ko silang pinag sabay.kapag niyakap ko si JIGGER, kasunod ko ring kakargahin si MAO.

Natuklasan ko na maaari naman palang hindi mag-away ang asot pusa. Ang kailangan lang talaga ay bigyan sila ng sapat na pagmamahal.

"ORIHINAL NA TULA"
@bien

FOLLOW UPVOTE RESTEEM
aviary-image-1502679621117.jpeg

Sort:  

Nice when you participate in community-driven activities

Win or loss as long as i participate,its an honor sir!presence is a must..hehehe.

Napakagandang mga alaga at magandang simula :)

Best of Luck, kabayan!

Hehehe..mga lambing mga yan at makulit..hehehe..salamat po maam @jassennessaj

Ang cu-cute! Totoo po na pwede silang magkasundo lalo na kung sabay lalaki. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66066.52
ETH 3291.81
USDT 1.00
SBD 2.70