Philippine Poetry and Song Contest #1: Paglisan

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Sabi nila, mabuti na yung nang-iiwan kesa maiwan. May punto naman... masakit ang maiwan. Lalo na kung mag-isa. Pero kung ikaw ang aalis at mag-iisa, hindi ba mas masakit?

Isang araw mula ngayon, ay ang pagtatapos ng labing dalawang taon ko sa kumpanyang aking naging pangalawang pamilya na rin dito sa ibayong dagat. Mahirap man kay kailangan ko nang magpaalam upang buuin ang mga natitirang piraso pa ng aking mga pangarap.


They say it is easier to leave than to be left behind. There's a point there... it hurts, especially to be alone. But what if you are the one leaving, and will be alone? Doesn't it hurt more?

A day from now will be the end of my twelve years in the company which I consider my second home here abroad. Though it is hard, I need to say goodbye to complete the remaining pieces of my dreams.



♡♡♡ ●●● ♡♡♡ ●●● ♡♡♡ ●●● ♡♡♡

Paglisan

♡♡♡ ●●● ♡♡♡ ●●● ♡♡♡ ●●● ♡♡♡

Kay tagal hinintay ang tamang sandali
Sa sobrang inip, di maiwasang di mapangiwi.
Ngayon heto at dumating na nga
Ano pa, parang ako'y di makapaniwala.

Kung ako man ay aalis
Kaibigan ko wag ka namang tatangis.
Bahagi ng puso ko ay maiiwan
Di makakalimot magpakailan pa man.

Ang mga ngiti at halakhak
At mga sandaling nakakaiyak
Hinding hindi ko ito malilimutan
Dala-dala ko sa aking paglisan.

Ilang taong pinagsamahan
Hindi rin mawawala ang mga kalokohan
Maging sa oras ng kagipitan
Makakaasa kang mayroong makakapitan.

Kaya naman kaibigan
Sa oras ng aking paglisan
Maari bang ako ay ihatid
Ng mga ngiti sa aking pagtawid?

At sa muling pag-krus ng ating landas
Ako'y tiyak ang ligaya'y wagas
Makakaasa ka naman
Alaala, sa puso ko ay laman!

Paalam kaibigan, hanggang sa muli
Pagkakaibiga'y nariyan at tangi.
Ako'y masayang ikaw ay nakilala
Kailan kaya muli makakasama?




Mga larawang kupas na hango mula sa aming mga Facebook accounts...


Ang tula sa itaas ay inihahandog ko sa aking mga kaibigan sa Nexus, at isa na ring pagtugon sa patimpalak ni @jassennessaj sa pakikipag-ugnayan kay @donkeypong.

May oras ka pa para sumali:
Philippine Poetry & Song Writing Challenge




Sort:  

Ayos.. ang galing..

Salamat! 😊

akoy nalungkot sa iyong paglisan ngunit masaya aq sa iyong nakamtan kaibigan.

Salamat kaibigan. Sa totoo lamang ay halo-halo ma ang aking nararamdaman. 😅

It's harder to be left behind.

But also scary to leave... 😯

Moving on to the next chpter of your life.. nice poetry po..

Thank you!

Well done po Ate. :) I like yung picture nyo in a box. San po b kyo ipapadal? hehehe

Haha salamats! Papa cargo daw kami sa kabilang building. 😉

Sa iyong paglisan,
Dala dala mo'ng puso naming mga naiwan
Baunin ang mga saya at halakhakang pinagsamahan
Pati narin ang ilang lungkot na pinag damayan
Ngunit huwag mag alala kaibigan,
Ang iyong paglisa'y hindi hudyat ng pamamaalam
Saan man tayo mapadpad, pagkaka ibiga'y hindi matutumbasan
Ang mga pinag samaha'y siguradong madadagdagan
At kung anot-anuman, wag kakalimutang kami'y naririyan
Maaasahan mo kahit kailan 😉

...At sayong paglisan,
Ang tanging pabaon ko...
Ay Pag-ibig...

Maraming salamat kaibigan... 😍

Ang drama po. 😂

12 years kaya yun besshhy! Huhu

Kino-compose ko pa lang yung farewell email ko sa office naiiyak nko.

Mag "Dear All" nko for the last time. 😢

Aaawww... yeah, Dear All for the last timeee!! 😂😂😂

Ahhhmmm, I said "Dear Friends" on my last email. Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 66984.19
ETH 2613.30
USDT 1.00
SBD 2.67