Philippine Poetry and Song Contest #1, "Mapurol na Linya"

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Tao'y sadyang nagbabago.. mahalin man natin ng buo wala paring matatamo. Hito basahin niyo ang sambit nitong aking puso.

Sana ay magustohan niyo ☺

Mapurol na linya.png

Photocredit: http://footage.framepool.com



'' Mapurol na Linya ''


Makulay ang paligid at ngiti'y di masukat,
Kapag wala ka'y pilit hinahagilap,
Ang pagsasama, ang mga halik at yakap,
Di masukat ang tamis ng pag-ibig na busilak.



Ngunit dumaan ang ilang araw, di ako nag-bago,
Ikaw itong unti-unting nawawala sa paningin ko,
Nawawala na ang init ng mga lambing mo.
Oras ay dahan-dahang naglalaho.



Pagtatalo na lang lagi ang inaatubili,
Kinakalimutan na ang pinagsamahan dati,
Lahat ay tila nagiging alaala na lang,
At bihira nang maulit sa kasalukuyan.



Di ko na maaninang ang wangis mo tuwing pipikit,
Dahil sa tumutubong dingding at mga balakid,
Sa pagitan natin, ako na lang itong umaasa,
Habang ikaw ay tila gustong bumitaw na.



Masakit man isipin pero dama ko na ang mangyayari,
Darating na lang ang araw, di na kita makikitang muli,
Mapuputol ang lahat, mabubura ang mga pangarap,
Na noo'y masayang tinatanaw, at ngayo'y di na iilap.



Darating ang araw, imahe mo'y matutunaw,
Dugo'y mamamanhid, pagibig ay'di na aapaw.
Sa kalupitan ay unti-unti nang masisilaw,
At wari'y di na magnanais tignan ang bawat galaw.



Sadyang tanga lang ang mga hurado ng aking katawan
'di nakitang gusto mo na akong bitawan,
Ngunit ang kumawala ka'y di ko magawang payagan,
Dahil sa pag-ibig na akin pang nararamdaman.



Buto'y nananakit, dibdib ay sumisikip,
'di mapakali bawat gabi kapag iidlip.
Kalawakan ko'y umiikot sa dami ng iniisip,
Kasabay ng hapding kumikirot at sumasakit.



Alaala'y parang bulang mawawala,
Pinagsamaha'y iyo na lang binabalewala,
Oras ay di na maibigay pa,
Tila ako sa iyo ay wala nag halaga.



Basag, wasak ang mapurol kong linya,
Gayong lumalamig na ang iyong pagsinta,
Kung iisipin, kay bilis mo ngang dumating,
At simbilis ding mawala ang iyong pagtingin.




Salamat sa Pagbasa!


final-banner.gif

Sort:  

Nice when you participate in community-driven initiatives

Mahusay na tula kabayan! Salamat sa pagbabahagi.

This post has received a 1.04 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Salamat @aclenx! Ito'y napakaganda!

Best of luck, kabayan!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by aclenx from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

weather weather lang :) Ayos naman :)

Ayos ang mga katagang ginamit. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61293.86
ETH 2930.90
USDT 1.00
SBD 3.65