"Mahal Kita"(filipino poetry)

in #untalented6 years ago

couple-1502612_1280.jpg
Pinagkuhanan ng litrato


"Mahal Kita"
Katha ni:@blessedsteemer
🙏


Salitang pag binigkas ay tila may kapangyarihan,
Lalong -lalo na sa mga taong nag-iibigan.
Salitang kaysarap ulit-ulitin,
Lalong lalo na kung galing sa puso natin
.


Kay inam banggitin itong salitang "mahal kita",
Kung tunay at dalisay ang iyong pagsinta.
Paligid mo ay puno ng kislap at saya,
At para bang ang mundo mo'y langit na
.


Ngunit huwag padadala sa pusong mandaraya,
Sapagkat di lahat sinusunod ang ating nadarama.
Kaya turuan ang puso mo, kung may minamahal ka na,
Dahil ang salitang "mahal kita"ay sagrado, at di ginagamit sa panloloko
.


Kaya lagi natin itanim sa puso't isipan natin,
Na isang mandaraya itong ating damdamin.
At huwag padalos dalos sa bugso ng nadarama natin,
Kundi tayo ay manalangin,sapagkat kay sarap mahalin ang bunga ng panalangin
.


Salamat po sa pagbasa ng aking simpleng tula mga kabayan! At sana po ay nagustuhan nyo ang akda kong ito.😊 Salamat ng marami! Pagpalain po tayo ng Panginoon!😇🙏

Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer
🙏

divider.jpg

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful. He run a full public RPC 256 GB node as well to balance the steem ecosystem on "wss://steemd.steemgigs.org"
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/Zsahx

DQmSvuobuW9wzxwKu37YMREHUqsQRvEJ9nNVvwVQWnhZxYA_1680x8400.jpg

QmQMv2EQTAfvizBChe6TZfeZQMrZVpwxzDHFs9fnthE33G.jpg

gvlogoforfooter.png

received_1948987111801248.png

Sort:  

Ang ganda...

Kaya nga nilagay ng Diois ang Utak sa taas at hindi sa ibaba upang magisip kapag nakaramdam ang ang ating puso kung ito ba ay makakabuti sa atin o hindi...

Salamat sir @kennyroy! At maraming salamat sa iyong pagbasa at salamat sa nakakataba sa puso na komento. At isa sa kinkontrol ang damdamin at di sa lahat ng oras sinusunod ito.😊

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 62877.62
ETH 3140.75
USDT 1.00
SBD 3.89