#UlogHugot Contest - Nang Dahil sa Pag-ibig Ako'y Nasaktan at Natuto!

in #uloghugot6 years ago (edited)

Para Sa Ex-Boyfriend Ko,


source



Tago dito, tago doon.
Laging nakamasid sa bawat sulok, sa bawat lugar kung saan tayo pinagtagpo. Yung relasyong may thrill. Yung para kayong naglalaro ng tagu-taguan ang mahuli lagot kay Itay. Naging masaya nga tayo di ba kahit tago ang relasyon natin sa pamilya ko ngunit kabaliktaran naman ito sa pamilya mo kung saan ay sobrang lapit ng loob ko sa kanila. Lagi kitang kausap sa telepono sa tuwing ikaw ay nakadisteno sa malayo at sa iyong pag-uwi ika'y sasalubungin ng ngiti kong abot-langit, ang saya'y makapiling ka naman kita. Higpit ng yakap, init ng katawan naging sandalan. Plasa, mall at bahay nyo ating naging tambayan. Getting closer, getting to know each other deeper, ika nga. Pero gaya nga ng ibang relasyon - puno ng asaran, tampuhan maging awayan. Di lahat ng oras masaya, di ba? At di lahat ng masaya ay may happy ending. Yang happy ending talaga, simpleng dalawang salita na nga lang ang hirap pang abutin, bakit nga ba? Lahat naman ng magkarelasyon ang tanging asam ay happy ending pero sadyang di para sa atin iyon. Winasak mo ang happy ending na sanay meron tayo ngayon, winakasan mo sa isang kantang akala ko ay walang halaga. Alam ko ba kung anong mas masakit, ay yung huli ko na napagtanto na iyon na pala ang wakas, kaya ka na lang nawala na parang bula.

Ito yung kanta yun eh. Di ko talaga makalimutan dahil bawat lerika nito ay
ang parang sinaksak ang puso ko.

Bisdak song ito pero itatranslate ko para inyong maintindihan.

Busa ayaw kalimti nag ako wa pa mahigti 🎶
Huwag mong kalimutan di mo pa ako hawak

Plano pa lang nga ikaw akong pakaslan 🎶
Plano pa lamang na ikaw ang aking papakasalan

Dili ako mahaylo sa imong pag ngisi-ngisi 🎶
Hindi mo ako maaakit sa iyong mga pangiti-ngiti

Basin unya akog mapul-an 🎶
Baka ako'y magsawa

Ayaw'g palabi day kay uyab ra ta 🎶
Huwag magpasobra Inday dahil kasintahan lamang kita

Basin nya'g mabiyaan kang mag-inusara 🎶
Baka maiwan kang nag-iisa

Ayaw'g palabi day sa mga sugo mo 🎶
Huwag magpasobra Inday sa mga utos mo

Kay duna pud akoy kaugalingong gusto 🎶
Dahil may sarili akong gusto

Pero sana'y nagkausap pa tayo bago ka nawala ng parang bula, yung tipong
kahit hangin di ka mahagilap. Nais ko sanang ibahagi sayo ang kantang sigurado
akong babagay sayo at alam kong parati mo itong naririnig e. Yung simpleng kanta
na paulit ulit lang ang chorus - iyon yung para sayo, ung


Bakakon ka! Liar evil ka. 🎶
Sinungaling ka! Liar evil ka.

Bakakon ka! Liar evil ka. 🎶
Sinungaling ka! Liar evil ka.

Pero puso ko'y tanga, sa sakit na iyong dulot, ako'y patuloy nagmamahal at ang masama
pa ay yung ikaw pa rin sa puso kong baliw. Kahit kaliwaan na ang tanong na
minsan ay di mo sinagot at patuloy na magiging tanong habambuhay. Yung ganito oh.

Taga buntag gyud inig mata 🎶
Sa paggising tuwing umaga

Imong nawong dayon ang gipangita 🎶
Ang mukha mo agad ang hanap

Dili jud nako kapugngan 🎶
Di ko mapigilan

Permi tikang giampo 🎶
Lagi kang ipinagdadasal

Kinasingkasing nga gihatag 🎶
Binigay nang taos-puso

Tanan imong gipangayo 🎶
Lahat ng iyong hiling

Pero ngano man kalit kang nibiya? 🎶
Pero bakit bigla pa ring nawala?

Unsa man diay akong dakong sala? 🎶
Ano pala ang aking pinakamalaking kasalanan?

Palihog. Pasabta ko. 🎶
Pakiusap. Ipaunawa mo sa akin.

Yung ganitong pakiramdam, oo, nakakalito sobra pero anong magagawa ko kung ni minsan di ko na malalaman pa ang sagot ni isa. Gusto ko man kalimutan ang lahat ng sakit pero pano ko iyon gagawin kung ako'y parang lutang dahil sa mga tanong di masagot sagot. Oo, gustong gusto ko masagot pero di ko alam kung handa na ba akong makaharap ka muli ng di na nasasaktan, ng buong ako, ng bagong ako. Yung ako na wala nang poot, yung ako na wala nang masakit, at yung ako na matapang na kayang harapin ang bagong bukas.

Oo, tama ka, nung ako'y iniwan mo, naging #certifiedbitter ako, lahat ng aking nakikitang positibo ay nagiging negatibo. Lahat ng kasweetan ay naging totoong pait sa akin. Anong magagawa ko? Galing na ako sa puro pangako na biglang napako. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Ngayon, naisip ko bakit kaya ako humantong sa relasyong tagu-taguan, yun tuloy nagawa mo pang magtagu-taguan nang di na ako ang kataguan mo. Di mo nga alam kung gaano ko kasaya nung ika'y aking pinakilala sa aking mga magulang, oo, duda sila sa iyong kakayahan pero pinaglaban kita kaso pinaglaban ko pala ang isang walang kwenta. Pero alam mo kung di din dahil sayo, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon, oo, sobrang saya ko nga eh. Mas masaya pa nung mga panahong tayo ay magkasama. Mas kontento ako sa bawat
paggising ko ay mahal ko ang aking nakikita at sa pagtulog ko ay siyang huli kong kasama. Mas ramdam ko ang rason kung bakit ako nandito sa mundo, hindi gaya nung ikaw ang katabi ko. Ibang iba sa kung anong meron tayo noon sa ngayon.

Di ba?
Ang pait at pag-iisip ng paghihigante ko sayo ay biglang nawala.
Nawala sa tulong ng mga tao na mas nagmamahal sa akin.
At yung sayo ay sadyang walang kwenta.
Binago nila yung pananaw ko sa buhay.
At yung pagiging bulag sa pag-ibig na hindi tama sa lugar at panahon
ay sadyang walang magandang dulot
kundi pagsisisi lamang.
Di na nga sana nagbunga ang lahat pero
anong magagawa ko kung naging masaya ako minsan nang ika'y kasama at katabi ko.
Pero sana alam mo, ang tanga tanga mo.
Napagtanto ko na hindi pala ako ang tanga kundi ikaw.
Dahil pinakawalan mo ang tulad isang tulad ko.

Nagmamahal,

Ang dati mong minahal
@ladyjah


Ang mga kantang kasama dito sa kontent ng blog post na ito ay ang sumusunod:

Bisdak Song Playlist:

Ayaw Palabi by Kanteen
Liar Evil Ka by Aggresive (Bisrock)
Pasabta Ko by Leela Laburada

Ang imaheng nasa itaas ay may sariling source sa ibaba ng imahe.

Ang translation sa bawat kanta ay sarili kong gawa.


Ito ang official entry ko para sa Ikalawang Linggo ng #UlogHugot na pinasimunuan ni @sunnylife.


Sort:  

may kasama pang kanta:)
true to life story na ba to ? hehehe
grabee daming hugot
bute nde naging #steemiserye muntikan na hehe
ang ganda ng gawa mo sis
masakit pero ngunit ganon pa man...
sana ay masaya sya kung nasan sya ngayon...

salamat sis. Mabuhay ka!
resteem ko muna.

totohanan na ito sis... pero talagang true story e, anong magagawa ko... nung nabasa ko ang panimula ng title, naisip ko na agad to hehe... muntik na tlaga maging #steemiserye naka 3 paper drafts ako, pinaikli ko lng.

grabee gleng, pinaikli pa yan ah haha
ubusan ng bangz to @jennybeans

hahaha baka pati buhok sis maubos if mabasa mo lahat lahat...

Hay mam I liked your post.

salamat po...

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 62939.93
ETH 3116.22
USDT 1.00
SBD 3.89