#UlogUkayUkay In Ukay # 29 - Tara Na At Mamili Sa Ukay Ukay!!!

in #ulog6 years ago

Kumusta na kayo mga #uloggers #ulographers #jolongers:):) Tayo na at mamili sa #ulogUkayUkay in Ukay! Tayong mga filipino ay mahilig sa mga mura o kaya naman ay sa may diskwento. Sino ba naman ang hindi bibili kung mura at lalo na kung maganda ang kalidad. Iba iba din naman ang mga istilo natin sa buhay. Ang iba naman ay metikuloso sa kagamitan ang iba ay hindi talaga bumibili ng mga mumurahin lao na ang sa segunda mano.

Alay kainaman, sa ibang bansa ay usong uso yan kahit ang mga may pera sa segunda mano namimili. Noong una ako ay nagulat din dahil kahit kaya nilang bumili ng mga mamahalin, may tatak, sa Ukay Ukay segunda mano ang kanilang puntahan.

Isa na ako dyan, lalo na ang mga librong pang bata, jacket, baso, bisikleta, mga kable, puzzles, laruan, sa Ukay Ukay ka lang pumunta at siguradong makakatipid ka. Ang Ukay Ukay sa pagkaka alam ko ay nag galing sa salitang "hukay" o "hinuhukay", nag hahalukay. Kapag ikaw ay namimili, nag hahalukay ka, hanggang sa ilalim ng kahon. Ganon din sa Ukay ukay ay hinahalughog mo baka sakaling swertehin ka na may makita kang mas maganda. Masayang mamili sa Ukay Ukay dahil nakakalibang. Sa Ukay Ukay hindi lang segunda mano ang pinagbibili nila mayroon din mga bago na hindi pa nagagamit.

Hindi lang mga kagamitan sa bahay ang maari mong bilhin, mga musikang intrumento din at ipa ba. Minsan nga may nababasa ako sa dyaryo na mga natigong mga kagamitan na napalamahal pala ang presyo dahil sa kalumaan at may halaga pala ito, o kaya naman ay mga naka siksik na mga mahahalagang bagay. Malay mo biglang yaman:)

Panoorin dito:

Kanya-kanya din naman ng panglasa yan kung hindi ka bumibila ng ukayukay na kagamitan. Sa ibang bansa, ay normal na normal dito ang bumili ng mga segunda mano. At kapag hindi na nila iyon ginagamit kagaya ng laruan o libro ay kanilang ibinabaliksa tindahan para mapakinabangan ng iba. Madami din kaming nadalang mga kagamitan sa Ukay Ukay noon, kagaya ng lamesa, silya, bisikletang pang bata mga laruan at kung ano ano pa.

O, ano pang hinihintay nyo, bili na sa UkayUkay ko lols. Ang ganda di ba? Ikaw namimili ka din ba sa Ukay ukay? Saan magandang mamili ng Ukay ukay?

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't voted your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest


This post was made from https://ulogs.org

Sort:  

Wow sis @sunnylife, I can see a nice porcelain tea pot 😍
Ganda ng pagka arrange din no?
Mahelig din ako sa UK (ukay). Na miss ko tulog Davao Roxas Night market sobrang mura

Naku sis mahilig din ako sa ukayukay.
Ang saya kasi makakatipid ka na maganda pa ang mga klase na iyong mabibili.
Ukay ukay is life!😊😊😊

haha oo nga sis masaya na madami pang bago bago at bago talaga
yess! ukay ukay is life!!
sa Pinas madaming ukay ukay, labhan lang ng maayos hehe
salamat sis

Nakakatuwa sis noh? Pero totoong totoo!

Did you write a post, using Filipino?

This comment was made from https://ulogs.org

Si

This comment was made from https://ulogs.org

Ay naku! I have my own share of ukay ukay too. Basta maganda at kapakipakinabang pa, ay go sis. Lalo na yong Japan surplus na gamit.0😊

wow! ukay is fun! hehe madami talagang magaganda sa ukay at pedeng pakinabangan pa. Salamat sis.

This comment was made from https://ulogs.org

halos lahat yata ng nilalang sa mundong ibabaw ay may gamit na ukay-ukay sis ako sa totoo lang sapatos ko damit ko bag ko shades ko damit ng mga anak ko ukay hahahaha akala ko ginto at pilak lang hinuhukay pati pala mga gamit :-)

so blessed lang din kami kasi maraming mga kaibigan ko at mga makag-anak ko ang nagbibigay ng mga damit at bag at sapatos sa amin sis those are more than just ukay, those are priceless gifts and blessing shared to us sis <3

mabuti pa nga ang mga ukay-ukay minsan kahit gamit na or slightly used napapakinabangan keysa sa mga bago na hindi naman tunay mga peke ba or hindi puro, akala mo na matibay sila tatagal sila pero hindi pala, pinaasa ka lang iiwanan at susukuan ka din pala sa huli :-D bwhahahaha

Bili na kayo ng ukay ukay, yess! madaming magaganda sa Ukay, mag iniwanan at ginamit hehe pero mabango at bago pa. Hala sis pati sa ukay ko hinugutan mo haha
you are so blessed to have friends like them, ako den bigay yong iba, minimalism peg kami kaya nde kami shopping,haha tipid den lols

salamat sis have a great day

This comment was made from https://ulogs.org

bwhahahaha sis ewan ko ba lahat ng lang yata meron hugot bwhahaha kakalerkey! sabi mo nga rock n roll :-D

Ang ganda ng ukay-ukay nila dyan ah. Ubos yan dito! haha!

hahaha oo cgurado.
salamat pogi:):)
Cheers!

This comment was made from https://ulogs.org

Wow mukhang brand new lhat ah.. pati mga libro walang gusot !!
enjoy shopping @sunnylife

thanks sis. parang nasa dress shop ang ukay ukay d2
yong mga libro don ako nagtagal tumingin kz daming bago as in
libro lang nabili ko sa anakis ko hehe
salamat sis.

This comment was made from https://ulogs.org

Wow ang galing naman .. at least bagong bago pa. Pag dito yun gusot gusot na..
ganda naman mamili dyan 😀

Kapag nga nagbibiruan dito sa amin sis.. San mo nabili yang bag mo o sapatos mo, sagot nila sa UK...lols... Ang ukay dito sa atin literal na halukay kasi most of the time nakatumbon lang parang bundok ng mga damit hehehehe tiyagaan lang... Magandang araw sis... 😘😊

sosyal sis d ba bongga pa!!
nakaka libang mga ukay ukay na yan nakakawala ng stress hehe
totoo yan tyagaan lang talaga. Mabuhay mga ukayers! lols

This comment was made from https://ulogs.org

Wow..ganda naman yan sis..pareho pala tayu kasi mahilig ako ng ukayukay hehehhee😁😊

saamat sis kung pwede nga lang ipadala sa mga kaanak kzo mas mahal pag pinadala hehe
masaya sa ukay sis! rock n roll!

This comment was made from https://ulogs.org

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 59046.50
ETH 2654.73
USDT 1.00
SBD 2.50