#UlogHugot — Nang dahil sa Pagibig: Ako’y naging tanga.

in #ulog3 years ago

F8A2C5A8-5387-46F5-91F2-43E35A6AEA47.jpeg

Kay sarap balikan ang mga panahon na kapag nadapa ka, babangon ka kaagad. Kapag nasugat ka, iiyak ka pero kapag binigyan ka na ng candy, matutuwa ka na. Pero ngayon? Naiba lahat. Lahat ng inakala kong madali, mahirap pala. Gaya na lang sa sugat na akala kong paglipas ng ilang araw , maghihilom na. Yung inakala kong pag binigyan ka ng candy, okay na lahat. Nang dahil sa pagibig lahat ay nagbago, eto ako ngayon. Nalulunod sa mga pasakit na iniwan mo mula nang mawala ka. Paulit ulit na nadadapa sa takbo ng aking buhay mula nung ikaw ay lumisan. Yung inakala kong candy na makakapagpasaya sakin, ay kailanman hindi na magiging akin.

Lulan ka ng ala ala at panaginip ng mga sandaling mga kaluluwa nati’y pinagtagpo. Yung inakala kong hanggang sa dulo ay bigla na lang winasakan ng ilang minuto. Isa kang proweba na kailanman ang pagibig ay parang isang sugal, walang kasiguraduhan. Binigay sayo lahat ang oras at pagmamahal. Pinuno ka ng aking pagibig ng puso mong hindi marunong magmahal ng sapat at tapat. Sinuob ang pagasa na nawa’y tumagal dahil ninais ay manatili. Subalit paulit ulit mo akong binigyan ng mga dahilan na kailangan ko ng tumigil. Ginising mo ako sa katotohanan na ikaw at ako kailanman hindi magiging tayo hanggang sa dulo. Ilang gabi ang nagdaan, nagtatanong kung saan nga ba ako sayo nagkulang. Tila pati aking sarili ay paulit ulit na aking sinisisi na hindi ko alam ang dahilan. Malilimutan pa ba kaya kita?

50A5472B-927C-4849-9760-08FC733E0937.jpeg

Paano ngyari na may mahal ka ng iba? Hindi ko lubos maisip na ang pagibig na panghabang buhay ay isang pangpalipas oras lang pala. Nang dahil sa pagibig , eto ako ngayon. Isang tangang lalaki na paulit ulit ka pa ring hinahanap sa kabila ng ngyari. Hindi ko din alam kung bakit. Tawanan man ako ngayon ng buong mundo, subalit ang puso ko ikaw pa rin ang sinisigaw, hinahanap. Sa aking pangungulila, pati sa aking panaginip ikaw ay nananatili. Tanging yun na lamang ang pagkakataon na ako’y sumasaya sapagkat kapiling kita. Ngunit andyan lagi ang umaga at sikat ng araw sa aking mukha upang ako’y gisingin sa katotohanan. Aaminin ko, ang panandaliang makasama ka kahit sa panaginip man lang ay walang tumbas ang tuwa’t kasiyahan na dulot nito sakin. Isang katangahan na naghahatid ng pandaliang kasiyahan.

0881F375-E217-44FD-8A86-D8F9207DA818.jpeg

Sa ngayon, akin ng papalayain ang aking pusong nakaposas sa nakaraan. Akin ng iiwanan ang rehas na minsa’y naging aking kanlungan sa pagkabihag ng puso kong walang kasalanan. Isa ka na lamang ala-ala na di na nais mawari. Salamat sa pagdating at paalam sa di pananatili.

Pinagkuhanan ng Imahe:
123

Salamat po sa pagbabasa. Heto po ang aking entry sa #uloghugot na pinangungunahan ni Ma’am @sunnylife na may temang “Nang dahil sa pagibig”.

D2AC5ABC-47D2-4E76-929E-DDCE5D8A504D.jpeg

Sort:  

As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!

ay grabee sir ang ganda ng iyong mga kataga
ang daming hugot, ang ganda pero masakit @jennybeans @yennarido @fherdz

how to be you? @shirleynpenalosa ang daming hugot sis nde kaya magkapatid kayo? hehe
salamat sa'yo kapatid. Mabuhay ka!

(sir, baka pede maki alis na lang yong Maam hehe)

Tama nga sis piling-pili ang mga katagang ginamit at ang ganda ng pagkakagawa. Yun nga lang malungkot hehe

Masakit talaga mam. hay! pag-ibig hehehe

Maraming salamat po sa inyo, @sunnylife @fherdz at @jennybeans.

ay hahaha sis @sunnylife mas matindi yang si sir @oscargabat mas malalim hugot nya sis hehehe :D bawat katagang ginamit damang dama minsan tlga mahirap tanggapin na nagiging tanga ang isang matalinong tao dahil sa pag-ibig...sad but true

Tama ang iyong desisyon Ginoong @oscargabat na kumawala na sa rehas at puso'y tuluyan ng palayain sa alaala nang nakaraan. Ngunit pag ang puso mo'y tumibok uli, masasaktan ka pa rin dahil kakambal na ata ng pagmamahal ang sakit. Sabi nga nila, hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka masasaktan pero pag nangyari yun, magiging worth it naman lahat. Sana. (crossed fingers).

Iiwanan kita nang lyrics ng isang kanta na naging memorable din sa akin noon.. Thank You for the Broken Heart ni J-Rice ..

Everything I know about love
I learned from you, from you
And everything I know about pain
I learned from you, you
You were my only, you were my first
You showed me lonely, and you took me in when I was hurt
But the most important thing you ever gave me
Was the one that hurt the most

Sang ayon po ako sa inyong sinabi @jennybeans, ang pagibig ay kaakibat na nito ang pasakit. Ngunit nawa’y ang bakas ng lumipas ay iyong gamitin upang ika’y matuto at bumangon sa bigong pagibig. Nang sa ganun, hindi mo na ulit mararamdaman ang sakit na paulit ulit.👍

grabee comment mo sis isang post na haha
sobrang ubusan ng bangz to! haha

Ang sakit naman oh... hugot na hugot. sir

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.