Tagalogserye | Unang Bahagi ng Ikalawang Pangkat

in #tagalogtrail5 years ago (edited)

QmesxP572zSVJEJtzwwGmeJgnvNgYV1LTWaV9W8LPzN8hB.png

Rrrrriiiiiingggggg!

Pabalikwas na bumangon si Diana nang mamalayang naka-ilang beses niya nang pinindot ang snooze ng alarm. Naku! Male-late na ako!"

image
Pinagkunan

Puyat siya dahil napilitan siyang mag-OT. Ngayon ang meeting ng boss niya sa isang malaking kliyente at kailangan ay naroon siya para asikasuhin ang mga kailangan. Hindi magkamayaw sa pagkilos si Diana. Mag-isa lang siya sa apartment kaya walang nakahaing almusal di gaya nang nasa probinsiya pa siya. Ilang buwan na rin siyang nasa lungsod at kahit papaano ay nasasanay na siya na malayo sa mga mahal sa buhay. Lakad-takbo ang kaniyang ginawa papunta sa sakayan ng jeep. Kagat-kagat ng mga labi ang puting envelope na naglalaman ng kontratang papipirmahan sa kliyente habang ikinakabit ang hikaw.

“Diana!”

Napapitlag siya nang marinig ang dumadagundong na tinig ni Warren mula sa opisina nito.

Ano na naman kaya ang kapalpakan na ginawa ko? Nahihintakutan niyang tanong sa sarili habang pumapasok sa opisina ng boss. "Bakit may marka ng lipstick ang envelope na ito?" Seryoso ang mukha ni Warren habang hawak ang envelope na inilapag niya sa lamesa nito pagdating niya kanina. Laking pasalamat niya na nauna siyang dumating sa opisina kundi ay malalaman nitong naiuwi niya pala ang kontrata. “Ah eh, nalagyan ko po ata kanina noong isinasalansan ko,” natataranta niyang sagot. “Palitan ko na po ba ng bago sir Warren?"

image
Pinagkunan

Ihinagis nito ang envelope sa kaniya. “Huwag! Punuin mo pa ng kiss mark mula harap hanggang likod. magandang style 'yon!” Sarkastikong sagot nito.

Napahawak ito sa sintido, halatang nagpipigil itong sungitan na naman siya. “Kumuha ka ng panibagong envelope. Maya-maya ay darating na ang mga kliyente. I want you to be there.”

Hindi siya nito isinama kailanman sa mga meeting nito. Kinakabahan siya dahil unang beses siyang makakaharap sa mga kliyenteng banyaga. Bahala na si Batman.

Nang dumating ang mga kliyente ay agad siyang tumungo na sa meeting room para siguraduhing lahat ay nakahanda na. Maya-maya pa ay pumasok na si Warren, kasunod ang mga bisita. “This is my secretary, Diana. Diana, meet Mr. Mikimoto.”

“Hi sir, I’m Diana,” wala sa loob na sagot niya. Naku, englishment nga pala rito. Kakaunti lang ang budget ko ng inggles. Nakupo. Bahala na! “You did not tell you have beautiful secretary,” medyo baluktot na ingles ng Hapones.

Hah! Mas magaling pa pala ako sa english dito. Kaya ko tong kausapin.

“How was your day so far, mademoiselle?” sumabat naman ang lalaking may katangkaran na kulay mais ang buhok. Ano to, UN summit ba 'tong meeting na to? Hindi siya handa sa itinanong nito. “Hi, I’m Diana.”

image
Pinagkunan

Anak ng isang airline business tycoon ang kaniyang boss na si Warren. Ang mga kapatid nito ay may kani-kaniya na ring mga airline business at bawat isa ay may pangalan na sa industriya. Bilang bunso sa magkakapatid ay matindi ang kagustuhan nitong mapatunayan ang sarili sa pamilya. Nagsumikap itong itayo ang kompanya sa sarili niyang pera at pilit na tinanggihan ang anumang tulong na iniaalok ng kaniyang ina. Sa ngayon ay maliit pa lang ang kaniyang kompaniya kaya iilan pa lamang ang kaniyang mga tauhan. Nangailangan ito ng sekretarya kaya naman nirekomendahan ito ng mga kaibigan. Ngunit tila hindi sekretarya ang gustong ibigay ng mga ito sa binata.

Naalala pa ni Warren nang unang beses niyang makita si Diana. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Inirekomenda ito sa kanya ng kaniyang bestfriend. “Sinasabi ko sayo men, ito ang kailangan mo. Maganda, sexy! Medyo kapos nang konti sa brain cells pero pwede na rin! Pwede mong ipagawa kahit ano!” Tatawa-tawa pa ang kaniyang bestfriend habang nagsasalita. Tinitigan niyang maigi ang dalaga.

Hindi maikakailang maganda nga ito. Mukhang probinsiyana pero hindi maitatago ng kasimplehan nito ang mapupungay na mata na napalilibutan ng mahahabang pilik. Ang kilay nito na bagama’t hindi naka-drawing kagaya ng mga modernong dalaga ay tila dalawang magagandang arko na lalong nagpalakas ng appeal nito. Ang maliit at matangos nitong ilong na may nunal sa bandang gitna ay dumagdag sa kagandahang angkin ng dalaga. Mapupula ang mga labi nito dahil sa lipstick na inilagay nito na siyang tanging koloreteng makikita sa buong mukha ng magandang sekretarya.

Naghihintay ito sa bandang pinto ng kaniyang opisina at ngayon ay pabulong siyang nagagalit kay Ivan na siyang nagrekomenda rito. “Sekretarya ang hanap ko, hindi kung ano man iyang iniisip mo!” Pilit siyang nakangiti kay Diana para hindi nito mahalata ang pinag-uusapan nilang magkaibigan. “Ano’ng gagawin ko riyan?”

“Ikaw ang bahala, men. Sinabi ko nang tanggap na siya. Pagtimplahin mo ng kape. Pamasahe ka. Full body! Pagbasahin mo ng diyaryo,” humahalakhak pa ito habang paalis.

Natapos ang meeting na hindi na binigyan ng pagkakataon ni Warren na kausapin ng mga banyaga si Diana. Halata niyang natatakot ang dalaga na makipag-usap sa mga ito. Nahalata pa man din niyang natipuhan ito ng Hapones nilang kliyente. Hindi naman malayong magustuhan nila ito. Parang nililok g magaling na iskultor ang hubog ng pangangatawan nito. Nasa tamang puwesto ang mga kurba, mayaman ang dibdib at pang-upo. Siya man ay mabibighani rito kung mananatili lamang na nakatikom ang bibig nito.

image
Pinagkunan

“Sir Warren, pwede ko na po bang i-shut up yung computer?” nagpapaalam na ang dalaga na umuwi. Nasabi niyang maaari itong umuwi nang maaga ngayon dahil naging maganda ang resulta ng meeting nila.

“Oo, Diana. Pwede mo nang i-shut down,” pasimpleng pagtatama nito sa mabait na sekretarya. “Thanks for your help. Enjoy the rest of the day,” nagpaalam na rin siya rito.

Aba, hindi masungit ang boss kong ipinaglihi sa sama ng loob. Nagkibit balikat na lang ang dalaga. Isinukbit niya na ang bag ngunit hindi pa man nakalalayo sa pwesto ay narinig niya ang maharot na boses ni Amanda, ang ambisyosa niyang kaopisina na tila kasama sa wishlist ay malahian ni Warren.

“Congratulations on closing the deal Renzie! I knew you can do it!” umirap pa ito sa kaniya bago tuluyang isinara ang pinto ng opisina ng boss.

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨ITUTULOY...¨:•.♥

Anong diyaryo ang ipapabasa ni Warren kay Diana?

Bakit kay Batman umaasa si Diana?

Ano ang eksenang gustong maganap ni Amanda?

Si bes @beyonddisability na ang bahalang sumagot sa mga iyan.

»»-------------¤-------------««

Setting sa isang Opisina

Karakter -

Masungit na Boss - isang karakter na palaging galit at di maipinta ang mukha.

Sexytari - sekretarya na lubhang maganda ang hubog ng katawan maliban sa angking ganda/kakisigan wala na siyang ibang maipagmamalaki.

Perfectionistang Empleyado - lahat dapat ay nakaplano sa kanya at sa sobrang perfect nya wala siyang lovelife wala pa kasi si Mr. o Ms. Right

Elemento na maaring gamitin :

Lipstick
Corrupted File
Kape

Tema: Komedya

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

hanep.
nice build up ng mga karakters bes :)

This comment was made from https://ulogs.org

Kayo na bahalang bumuhat sa kin @czera, @beyonddisability, @jemzem, @rigormortiz. Haha. Sabaw sa comedy eh.

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70557.88
ETH 3560.83
USDT 1.00
SBD 4.75