Larong Pambata

in #tagalogtrail6 years ago

image

Noong bata pa ako ay may may isang kinahumalingan kamong laro ng mga kaklase ko. Kadalasan ay nilalaro namin ito bago mag-bell na siyang hudyat na magfa-flag ceremony na.

Pwede itong laruin ng maramihan pero masyado nang mahirap kapag masyadong marami. Siguro ay dahil marami kasi kaming magkakaibigan kaya marami kaming naglalaro nito. Pero dalawa lang ang main character sa larong ito. Ang pulis at ang killer. May isa na sa amin na magsusulat ng mga title sa papel na bibiluyin at pagbubunutan ng mga kasali. Kadalasan ay ang kaklase namin na may pinakamagandang sulat ang gumagawa nito.

Uunahin nang isulat ang salitang pulis at killer. Para sa mga saling ketket, na siyempre ay mahalaga rin na panglito sa killer at pulis ay kung anu ano ang inilalagay namin. Pwedeng teacher, nanay, estudyante, jeepney driver, tindera sa palengke, janitor, at kung anu-ano pa. Simple lamang ang mekaniks ng laro. Kailangang mahuli ng pulis ang killer bago nito maubos ang lahat ng naglalaro o bago siya maunahan nito. Ang killer naman ay kailangang maka-kill ng ibang player nang hindi nahahalata ng pulis.

Magsisimula ang laro sa bunutan ng role. Uupo nang nakaharapbsa isa't isa ang bawat maglalaro sa isang bilog. Minsan dito pa lang ay nagkakahulihan na. Kaya kailangang blangko lamang ang ekpresyon dahil kitang kita ito.

Ang killer ay magsisimula nang mambiktima. Iba't ibang taktika ang ginagawa ng mga kaklase ko para mang-kill. Kadalasan ay kikindatan nya ang biktima. Ang biktima naman ay magsasabing I'm dead. May mga nakakatawang pagkakataon na minsan ay nakakailang kindat na ang killer ay hindi pa nahahalata ng kaniyang binibiktima. Ito ay dahil kailangang pasimple lamang ang pambibiktima niya. Kung kindat ang naisip niyang taktika, kailangan ay kumindat siya sa pinakapatagong pamamaraan na makakayanan niya para hindi siya mahuli ng pulis. Pwede ring paglabas ng dila o kaya naman ay kunwang halik o kaya ay kaway ang gagamitin na pangbiktima. Kadalasan talaga ay kindat ang ginagamit namin.

Ang pulis naman ay kailangang mahuli ang killer. Kailangang gawin niya ito kapag siguradong sigurado na siya dahil kapag mali ang nahuli niya ay malalabas ang identity niya at siguradong siya na ang pupuntiryahin ng killer.

May mga nakakatawa kaming bloopers dito. Minsan ay may kalaro kaming akala nya ay kinindatan siya kaya sumigaw siya ng I'm dead. Dahil sa pagtataka ay napabulalas ang killer ng "Teka, hindi naman kita kinindatan ah." At iyon ang ikinatalo niya sa laro. Minsan ay umiiwas ng eye contact ang pulis kaya nahahalatang siya ang pulis, siya tuloy agad ang inuuna ng killer.

Sa totoo lang ay hindi ko na maalala ang iba pang mga detalye ng larong ito. Hindi ko na rin sigurado kung tama ba ang pagkakaalala ko sa mekaniks nito. Ang mas naaalala ko kasi ay yung mga nakakatawang alaala noong nilalaro namin ito. May mga pagkakataong ginagaya namin ang masungit naming principal kapag ang role na nakuha namin ay School Principal.

Masaya rin ang mga consequences na ibinibigay sa matatalo. Magsayaw sa gitna ng stage, isigaw ang I love you sa gitna ng quadrangle, umakyat sa puno ng mangga at kung anu-ano pa.

Malapit na kasi ang alumni homecoming sa Elementary school namin. Nakikita ko naman ang mga kaklase ko sa facebook pero siyempre qy iba pa rin ang makita ko sila nang personal. Ibang ibang tao na ang mga makikita ko panigurado dahil pagkatapos ng dalawampu't isang taon mula nang kami ay magtapos ay pihadong nabura na ang mga kainosentehan ng bawat isa sa amin.

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 62102.06
ETH 2415.08
USDT 1.00
SBD 2.49