Kilalanin ang Talentadong Pinuno ng Tambayan: TP aka @tpkidkai



Ang Olodi ng Tambayan ay isa mga pinakamimithing parangal ng ating mga katropa. Bakit kamo? Hindi naman dahil sa bragging rights at lalong hindi naman dahil sa papremyo. Mallit lang po ang SBD na reward 😅 Para lang po talaga sa banner ang labanan. Etong post po na ito ay ginawa para maitampok ang ating pinakabagong Olodi na syang pinagbotohan ng mga katropa sa Tambayan discord. P.S. Ang banner po ay gawa ko - Junjun


Ang ating olodi ngayong linggo ay masasabi ko na isa sa mga naging haligi na sa mga Pinoy sa Steemit. Sinadya ko talaga banggitin ang "haligi" kasi nakakatanda 😂. Medyo naging bansag na rin sa kanya sa Tambayan ang Pinuno dahil sa kanyang mga natatanging leadership qualities.

Ang kanyang blog ay masasabi kong kakaiba - kasi lagi na lang may bagong sinusubukan, laging may bagong pakulo. Iyan ang isa sa mga naging marka nya sa Steemit, ang patunay ng kanyang pagiging malikhain. At higit sa lahat, palagi syang handang ibahagi ang kanyang mga bagong natutunan.

Kwela at kalog madalas pero madiinan din sa paggawa ng mga seryosong akda. Ang kanyang mga likha sa TagalogSerye, at iba pang kwento, ay talaga namang binusisi at pinag-isipan. Pero ang pinakagusto ko talaga sa kanyang mga obra ay ang kanya Spoken Word sa wikang Filipino. Talagang hitik sa emosyon at inspirasyon. Puso talaga ang nilalaban. 😍

Saktong benta lang ang ginawa ko kasi alam ko naman pamilyar na kayo sa kanya. Sikat e haha. Pero basahin nyo na rin ang post na ito at baka may bago kayong matuklasan sa ating Talentadong Pinuno ng Tambayan, na si Oliver o TP, a.k.a. @tpkidkai.

Pangalan : Oliver Ramos

Nickname : Oli pag medyo close, Oliver pag pormal na usapan, TP sa steemit.com, Rev para medyo cool pakinggan, Kai nung nagwowork ako sa call center. ( gosh ang dami kong palayaw talo ko pa ang may multiple personality). Tatay din sa steemitfamilyph tapos pwede ding Kuya (nako may Kuya complex ako weakness ko na tinatawag akong kuya ng mas bata sa akin uulitin ko yung mas bata sa akin sa real life.)

Lugar : Binan Laguna

Impluwensiya sa pagsusulat : Nung nag-uumpisa ako ang impluwensya ko ay ang mga lumang awtor sa Pilipinas gaya nila Rogelio Sicat, Efren Reyes Abueg, Benjamin Pascual, Franciso Balagtas at marami pang iba. Sobrang fan ako ng short stories nung nagkaisip na ako ng bahagya at medyo nagkaroon ng pagkakataong maka intindi ng Ingles, naging Lodi ko naman sila Serge Gabriel (Spoken Word Poetry fan ako talaga inistalk ko sya sa instagram) Word Anonymous at marami pang iba.

Genre ng sulatin :
Ang mga akda ko noong una ay sumasalamin sa normal na pamumuhay. Realistic na approach ika nga, madalas ang setting ay sa squatters area yung mga ganung back drop. Tapos nahilig ako sa spoken piece yung nagsasalita ka tapos inilalahad mo ang kwento o tula. Gusto ko sana maging singer kaso parang minsan off key ako kaya sa spoken piece nalang.

Paboritong kulay : Gray. Gray kasi simple lang yung parang puti na namanstahan. Ako lang din medyo may timpla na seryoso at madalas baliw. (online)

Paboritong pagkain : Aglio Olio na pasta madami basta wag lang fish. Pwede ding gulay kahit anong gulay. Wala akong allergy pero maarte lang.
Paboritong inumin : Tubig at Kape

Paboritong hayop : Wala, hindi ako mahilig sa hayop eh.

Kung magiging hayop ka, ano ito at bakit? : Dolphin siguro, para naman matuto akong lumangoy at astig din ang sonar skills nila.

Paboritong superhero : Super Hero din naman ang X-Men diba? Kung Super Hero sila si Night Crawler. Kung PH based na hero Pedro Penduko naman.

Paboritong musika : High School days uso yung mga banda banda. Alternative rock, ngayong medyo may marka na ng katandaan dun tayo sa acoustic lang minsan acapella lang o tunog tao. Pentatonix at tsaka Acapellago ( google o youtube nyo nalang)

Paboritong puntahan kapag summer : Sa bahay!

Paboritong puntahan kapag tag-ulan : Sa bahay ulit ( kitams di talaga ako gala more on house person lang talaga )

Kung isasapelikula ang buhay mo, sino ang gusto mong gumanap? : Kakapalan na natin since minsan lang Rocco Nacino! Haha magka katawan kami dati ui! Nung active pa ako into contact sports.

Ano’ng pamagat ng pelikula ng buhay mo?: Minsan May Isang Panaginip

Paboritong flavor ng sorbetes : Cheese! Yung regular na sorbetes na itinitinda ni Mang Pit sa school namin.

Paboritong cartoon character : Hayato Gokudera ng Hitman Reborn, ang cool nya at tsaka matalino parang ako lang ng beri light. Tapos loyal pa sya sa kaibigan nya at sympre sa boss nya na si Tsuna. Pwede ding si Kyoya Hibari kasi aloof sya. Medyo introverted ako ng bahagya kasi. Si Kyoya Hibari kasi same traits kami laging nasa shadow o background lang pero maasahan naman (minsan)

Kung makakapunta ka saan mang panig ng mundo, saan ito at bakit? : Hmmm.. ang hirap nito lumabas nga lang ng bahay challenge na sa kabilang panig ng mundo pa. Next question please!

Pangarap na trabaho : Madami actually hahah teacher, reporter, writer, singer ( ay di nga pala pwede yan) researcher atbp. Basta depende sa mood ko ang pangarap kong trabaho.

Paboritong libangan : Tumulala at mahiga kunyari matutulog pero magbabasa lang ng manga sa higaan.

Magbanggit ng isang bagay na kinaiinisan mo : Pwede dalawa? yung amoy mandirigmang katabi sa jeep o kahit anong transportation tapos ako bagong ligo. Tapos yung maarte masyado, nagkaroon ng eksena na sa jeep din habang pauwi ako nagkadikit ang braso namin si ate makalayo tapos agad-agad nag alkohol na di spray sa braso. Sympre competitive ako, nilabas ko din yung alcohol ko na malaki Biogenic yung di spray tapos ini spray ko sa braso ko. Tapos side to side nag spray din ako. Qiqil si ako eh. ( pero matagal na yun )

Pinaka-kakaibang pagkain na natikman : Palakang bukid, nung bata kami inihain yan ng nanay namin kasi wala daw kaming foods. Di ko na tanda ang lasa pero kung hahainan ako ng ganung pagkain ulit tatanggi ako hahaha. Bibili nalang ako ng kropek o kaya chicharon tapos Mang Tomas.

Magbanggit ng isang normal na bagay na wirdo sa pananaw mo : Pag nagkukulumpangan ang mga tao tapos sinasabihan ng "Baliw" ang baliw. Parang ewan lang kala mo namang mage gets yun ng baliw.

Gusto mong matulad ang buhay mo kay : Si Matthew sa bible. Matthew 5:8 - Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios. Ito ang pinaka una kong memory verse din.

Pinakaunang ginagawa mo sa umaga : Magsabi ng Thank you Lord sa panibagong buhay. ( Sympre may iba di na nagigising nuh)

Lugar na pinaka-ayaw mong mapuntahan : Okay ako kahit saan basta may pagkain na matino.

Paboritong gulay : Baguio Beans ( madalang magluto si nanay nyan mahal kasi)

Paboritong prutas : Avocado

Magbigay ng isang sitwasyon na kinatatakutan mo : Yung mawalan ng internet sa bahay.

Magbigay ng isang bagay na kinaaadikan mo : Magbasa

Larangan na gusto mong sumikat : Sa pagsusulat ng mga mema at sympre spoken piece din.

Pinaka-ayaw mong trabaho : Yung routinary na work na walang learning. Siguro physical labor gaya ng kargador di kasi ako STR type eh.

Pinakamasakit na salita na kaya mong bitawan : Bad word eh. Hahaha #!4%^^ basta ganun hangga't kaya kong mag pigil ginagawa ko naman.

Magbanggit ng isang bagay na pinapangarap mo : Isang mabilis na internet connection sa bahay. Naka stuck ako sa 1mbps na speed at kapag nag upgrade dagdag gastos. Mahal ang DSL dito ui.

Internet Plan Presyo
1mbps1000
2mbps2000
3mbps3000
5mbps15,000 (fiber optic na daw kasi)

Menasahe sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas : Hindi po ako kasama sa mahuhuli na tambay. Di ako nalabas ng bahay hahahha

Larangan na masasabi mong hindi mo kaya : Tingin ko wala, kasi pag sinabi mong hindi mo kaya nililimit mo ang sarili mo na magawa ang isang bagay. Think positive lang lagi bruuu..

Kung magkakaroon ka ng tindahan, ano ibebenta mo at bakit? : Tubig nalang siguro

Gamit sa makabagong teknolohiya na gusto mong magkaroon : Yung wireless earphones na pwedeng pang swimming kahit di pa ako marunong mag langoy. floating- floating lang.

Paboritong iluto : Bagoong Alamang ( nung nag wowork ako paborito yan ng mga kasamahan ko sa work )

Kung mapapadpad ka sa isang isla, magbigay ng isang bagay na kailangang-kailangan mo : Itak yung matulis pang self defense haha.

Kung tatakbo ka sa eleksyon, ano ang slogan mo? : Hindi ako tatakbo kaya walang slogan.

Magbigay ng isang produkto na gusto mong gawan ng patalastas : Great Taste na Kape yung Black tapos with Granules. Tapos ang tagline "Walang latak sisimutin mo sa huling patak" kasi yung isang sikat na brand ng kape may latak yung parang buo-buo na masasamid ka pag nainom mo. It is either pirated yung kape na nabibili namin sa suking tindahan o talagang ganun na siya.

Pambihirang talento na kaya mong gawin : Kaya kong sumakay sa traysikel ng di nagbabayad ng pamasahe. ( Madalas nangyayari yan kasi kung di ko pinsan ang driver, kabarkada ko dati o kakilala ko. Ayaw nila akong nahihirapan lalo na pag nag e-ehersisyo ako yung lakad lakad papunta at pauwi ng bayan.

Kinatatakutan na costume kapag halloween : Wala di kami nag ce celebrate ng halloween

Paksa na pwede mong ituro : General subjects pang elementary, values education at ang art ng pagiging suplado.

Paboritong suotin : Pag gagala shorts at tshirt na plain. Tapos anime inspired na jacket.
Pag pambahay naman shorts lang na pambahay oks na yun madalas wala akong tshirt o sando haha mainit kasi.

Bansa na nais sakupin : Japan nalang para sa mga anime at manga.

Kung magiging superhero ka, anong kapangyarihan ang nais mo?: Psychometry - The power to perceive the residual information of an object and/or person.

Sa Tokyo ESP na Manga may isang character na may ganitong skill. Though di sya sing lakas ni Rinka yung power nya na magaya ang physical skills ng iba ay okay na for me.

Pangyayari sa nakaraan na gusto mong balikan : Practice nung recognition Day Grade 2, nadapa kasi ako noon sa stage. Dahil doon pagtuntong ko nung grade 3 kilala kagad ako ng section 1 na kaklase ko kasi eksena yung pagkakadapa ko. Di ko na i eelaborate.

Award na gustong mapanalunan :
Palanca Awards! Ayan na ang goal ko ngayon haha kailangan dream big ika nga.

Mensahe sa mga nais magsulat :
Huwag mong i limit ang sarili mo sa salitang hindi ko kaya. Medyo mahirap pero in time ma ge gain mo yung momentum mo. Huwag ka ding mapagod mag-aral ng ibat-ibang bagay kasi ang buhay ay isang malaking eskwelahan at sa bawat araw ay may matutuhan kang bago the moment you stopped learning is the moment that you are not breathing. Laging i challenge ang sarili sa mga bagay-bagay lalo na sa pagsusulat, humugot o kumuha ng inspirasyon sa mga nasa paligid at huwag kalimutan ang papel at ballpen kung saan ka man magpunta. Pwede ding cellphone na may notepad, kasi minsan may mga ideya na bigla-bigla nalang susulpot at hindi mo alam nag-uumpisa ka na palang magkwento.

Basta i enjoy mo lang ang pagsusulat kung sa steemit man iyan o kahit sa blogs mo. Lagi mong ilagay ang puso mo sa bawat likha mo. Dun lalabas ang sarili mong estilo. Pwede kang kumuha ng inspirasyon sa mga sulat ng iba pero wag na wag kang mangongopya o kahit i re-write ang gawa nila. Parang ninanakaw mo kasi ang kaluluwa nung sumulat pag ginawa mo yun. Ganyan ang paniniwala ko. Ang bawat sinulat ay isang bahagi ng pagkatao ng awtor, ikubli mang pilit sila ay nasa iyong isipan parin.

Ayun lang di naman ganun ka drama. Salamat sa buong tropa na bumoto sa akin para sa linggong ito sa wakas magkakaroon na ako ng OLODI na banner. Achievement unlocked na talaga ituu...

Sort:  

Hong gondo ng banner!!! Isa ka talagang alamat @junjun-ph! Congrats kuya @tpkidkai. Kahit ano pa ang maging edad ko, siguradong kuya kita kasi sa height nagkatalo. Hahaha.

Isa ka aa mga tinitingala ko sa tambayan at talaga namang natutuwa ako sa dami na ng achievements na na-unlock mo na. Isa ka ring alamat!

Salamat sa pag-appreciate ate Rome 😊. Pero sinumbong kita kay kuya TP kasi tinawag mo syang alamat. Sinaunang tao ba si kuya TP? haha

Haha. Pareho naman kayong alamat eh. Pareho kasi kayong mahusay. Wag ka nang ano Junjun. Magpapaliwanag pa tuloy ako nyan kay KUYA TP eh. Hahahah

Wag kayong ganyan may "kuya complex" ako hahah madali akong madala pero sige tatanggapin ko yang alamat ngayon haha may banner naman.

Salamat @junjun-ph sa pang diinan na Banner nagustuhan ko sya talaga. Kaso yung haligi part hahaha may issue ba tayo sa edad?

Bagay naman, kuya TP. hahahaha - haligi. Eh mas malupit si ate @romeskie, ang tinawag sayo "alamat". Mas pinatanda ka pa lalo. 😂

Panay pa bata nga lagi ang ginagawa ko tapos ito ka pinatatanda mo ako. I feel so "api" @junjun-ph pero salamat sa magandang banner. Much appreciated.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Pa autograph nmn diyan, @tpkidkai.😉Ang galing nmn at namangha ako sa lugar na gusto mong sakupin, bagay ang singkit mo na mata doon. 😄👏

Hahha nako parang di naman talaga singkit ang mata ko @noreen. Sige i drawing natin yang autograph mo next time nyahahha.

Yes Japan! Japan! sagot sa kahirapan.

@tagalogtrail @junjun-ph Bakit Olodi? May O? hahaha.


Ang galing naaliw ako olodi of the week!

Mahilig ka pala sa avocado, bat d m nakita ung avocado post ko? Hala ka! :P

Natawa ako sa alcohol. Competitive! Hahahaha.

So ang tanong, pag inalis mo ang internet sa buhay m, ano gagawin m? :P @tpkidkai

Yep @artgirl avocado tapos maraming condensed milk. Ice candy would work as well, pero ayun talaga ang cravings pag season nya. Yes wag mag papa-api talaga kaya dapat ganun ka din. Hahaha kung may alcogel ako baka alcogel pa para scented. Kala nya porket, naka sando ako at mukhang gusgusin may pa ganun kagad.

Pag walang net hmmm next question please hahaha.

Pero pa'no pag walang next question? 😂

Haha mbait ako e pag inapi ako bahala na karma nila. 😂😂😂 Ung nga dumukot s cp ko last yr d ko p nirereport s pulis hala. But hwai... Jusko bahala n si Lord.

Posted using Partiko Android

you will always be our pinuno.
kung kami mga kalokohan ikaw may substance ang gawa mo pinuno.
push push push . you deserve this :)

And you will always be our BD. For sure you will have your own banner in the next week or so. Laban lang para sa nasirang dangal at puri.

wahahahaha
magtitino na po kami ngayong linggo
nituruan na rin kami ni maestro @twotripleow ng tamang balirala ay barilala, teka balirara, este baralila ano nga ba yun ???!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 64182.86
ETH 3531.12
USDT 1.00
SBD 2.53