TagalogTrail Edisyon #101

Kamusta mga Tropa!

Narito po ang mga akdang aming napili at nais ibahagi sa inyo...
Hatid sa inyo nina: @jemzem,@beyonddisability,@romeskie

Tapusin ang Kwento | Isang Patimpalak ni @romeskie "VAMPIRA"
by @mrnightmare89



At nandito pala kami sa kwento mo! Hahahaha. Buti naman at napadaan lang kami. Kaya naman, napadaan lang din ako para magbasa. :D - @jemzem


Tapusin ang Kwento | Isang Patimpalak: Ang Kapirasong Tela
by @beyonddisability


Kung tama ang pagkakaintindi ko, ang lalaking nagligtas sa kaniya mula sa pagkalunod ay si Hesus. Tama ba, BD? O mali ang pagkakaintindi ko. hehehe - @jemzem


"Tadhana" | Tapusin ang Kwento | My Entry
by @aboutart


Sobrang ganda nito
Akala ko walang poreber
Ang gaan ss pakiramdam basahin - @beyonddisability


Tapusin ang Kwento | Isang Patimpalak: “Kalasingan”
by @oscargabat


Una sa lahat, hindi ko inasahan ang naging takbo ng kuwentong ito kaya kudos sa iyo manong @oscargabat! Hindi ko rin inasahan ang genre na pinili mo kaya ako naman ay talagang nagulat at natawa.

Mahusay mo namang nailapag ang kwento. May mangilan-ngilan lang akong napansin...

  • Marahil ay typo error lamang ang mga ito pero napuna ko ang hindi pagiging consistent ng paggamit mo ng gitling (-) sa ilang mga salita gaya ng unti-unti, mapag-isa, paulit-ulit, etc. Nauunawaan kong nagahol ka sa oras ng pagpasa kaya maaaring nagmadali ka na rin kasi nang bahagya kaya nagkaganoon.

  • Maaari ring gamiting ang salitang lango kapag ilalarawan ang salitang kalasingan. Pwede rin namang gamitin ang hilong-hilo sa kalasingan.

  • Ipinapayo ko ang paggamit ng mga mabukaklak na pananalita lalo na kung ang ilalarawan mo ay mga maseselang bahagi.

    • Kagyat niyang sinapo at parang batang pinaglaruan ang mayamang dibdib ng misteryosang babae.
    • pagkalalaki imbes na taguro.
  • Mas mainam kung may nakalagay na R18 sa akda para sa ating mga batang tagapagbasa.

Pero kung aliw factor din lang ang ang pag-uusapan ay nakuha mo ako roon manong! Haha - @romeskie


Tapusin ang Kwento: Ang Paglubog ng Araw
by @jemzem


Nagustuhan ko yung simpleng pagkakalapag ng storya sa akda mong ito ate @jemzem. Bawat salita, pangungusap at talata ay siksik at mahalaga. Kumbaga sa tong-its, walang tapon.

Eksakto ang kombinasyon ng paggamit ng mga tayutay at pang-uri para maiparating sa mga mambabasa mo ang mensahe ng kwento. Ito talaga ang hinahanap at ginagaya kong pagkakadetalye sa mga bagay-bagay sa isang storya.

Kung may kailangan lang na ayusin sa akdang ito ay ang pangungusap na ito:
Ngunit hindi siya gaya ng araw kung saan mawawalan lamang ng liwanag ng ilang oras at babalik kinabukasan.

Maaari itong maipahayag nang ganito:
Ngunit hindi siya gaya ng araw na kung mawalan man ng liwanag ay ilang oras lamang at babalik din kinabukasan.

Isang napakaliit na bagay na ni hindi ko masabing pagkakamali.

Sa kabuuan, isa talaga itong tatak @jemzem na akda. Simple, deretsa, pulido. - @romeskie


Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62676.37
ETH 2581.43
USDT 1.00
SBD 2.72