Tapusin ang Kwento | Isang Patimpalak: Ang Kapirasong Tela

in #steemph6 years ago (edited)

Narito ang kuwentong inyong dudugtungan.

Marahang binabaybay ni Gabriel ang kahabaan ng dalampasigan gaya ng nakasanayan niyang gawin sa tuwing siya ay nahahapo sa magulong daloy ng mundo sa kaniyang paligid. Malumanay ang hampas ng alon sa dagat na hinahayaan niyang bahagyang humalik sa kanyang mga binti. Salungat sa daloy ng diwa niyang tila daluyong ng samo't-saring isipin na bumabagabag sa kaniyang kalooban. Gusto niyang malunod sa kaniyang sariling mga emosyon kaya mas ninais niyang mapag-isa. Hindi niya rin maunawaan kung ano ba talaga ang kaniyang hinahanap. O kung mayroon ba siyang hinihintay.

35.jpg

Ah! dalampasigan, ang kanyang malumanay na kanlungan. Nagsimula siyang lumusong sa tubig. Nagpalutang-lutang. Nagpapatianod sa bawat alon. Nakagiginhawa. Ang haplos ng tubig ang nagpapalaya sa kanyang pagal na puso... sa mga gumugulo sa kanyang isip.
Habang kanyang pinagmamasdan ang makulay na langit ng dapit-hapon, isa-isang dumaan sa kanyang isip ang mga suliraning wala siyang mapagsabihan. Pinikit nya ang kayang mata. Dinama ang paligid.

"Mr Umandap, ikinalulungkot ko po subalit ginawa na namin ang lahat. Patawad dahil ang inyong kalagayan ay wala pang natutuklasang gamot. Sa katunayan kayo pa lang po ang naitatala na may ganitong karamdaman sa Pilipinas", ...kanyang naulinigan ang kanyang doktor.

"Gabriel, ano itong grades mo? Kung kelan huling semestre mo na saka ka pa bumagsak sa major subjects mo! Sayang hindi ka gagradweyt ngayong Marso", umikot-ikot ang tinig ng kanyang propesor

"We are sorry. Kailangan ka namin tanggalin sa scholarship program. Sana ay nauunawaan mong ito ang polisiya ng Unibersidad", ang nanghihinayang na tinig ng Dean ng kanilang kolehiyo.

"Ma, lumaban ka. Ang liliit pa ng mga kapatid ko. Ma!", tila sya nagbalik sa eksena sa ospital.

"Bro, sorry. Makakahanap ka ulit ng ibang trabaho. Pagaling ka muna. Di man lang nagbigay ng konsiderasyon ang mga boss natin sa sitwasyon mo",

"I'm sorry Gab. But I do not love you anymore. Kami na ng bestfriend mong si Owen."

Sari-saring tinig. Halo-halong masasakit na alaala.

... at sumikdo ang kanyang dibdib. Nagsimula na syang lumubog. Kung wawakasan nya ang buhay nya, gusto nya ay dito sa dagat.

Nagpainog-inog ang mga boses sa kayang isipan. Sabay-sabay na dinudukit nito ang kanyang pagkatao. Nasa ilalim na sya ng tubig. Subalit hindi siya kumakampay. Hinahayaan nyang balutin sya ng dagat at ikanlong sa mapagpaginhawa nitong haplos.

"Pagod na ako. Ayoko ng mabuhay sa mundo. Bakit ba ako? Bakit ba ako pa ang dumadanas ng ganito? Ang daming masasamang tao sa mundo? Bakit iniwam Mo ako."

Walang ano-ano ay may humablot sa kanyang mga kili-kili at pilit siyang inaahon. Kay lakas ng lalaki kahit siya ay nanlalaban. Kay bilis na nadala siya sa pampang. Sa sobrang inis niya siya ay nakipagpambuno sa lalaking may buhok na hanggang balikat.

"Iwanan mo ako, estranghero", akma siyang babalik sa dagat ngunit muli siya nitong sinunggaban at ibinalik sa pampang.

"Kuya, andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap nila itay", wika ng kanyang nakababatang kapatid. Sa kadiliman ng baybayin ay dumating na rin ang kanyang mga paslit na kapatid at amang may kapansanan.

Napaluhod siya at umiyak at isa-isang niyakap ang mga mahal. Tatlong bulilit na nakangiti at amang kay liwanag ng mukha sa kabila ng kalagayan nito.

"Akala ko iiwan mo na naman kami kuya eh"
"Anak magpahinga ka na. Bukas ka na lumangoy. Siguradong pagod ka sa byahe"

Sa munting saglit na iyon, napagtanto niyang hindi pa dapat sumuko. Nilinga-linga niya ang lalaki subalit siya ay hindi matagpuan.

...

Muling nasa dalampasigan si Gabriel... sa dalampasigan ng sarili nyang resort. Sinong mag-aakala na makalipas ang 20 taon mararating nya ang narating nya ngayon. Bagaman siya ay may karamdamang walang kagalingan ito ay nagagawang kontrolin ng mga gamot na iniinom niya.

Mula ng gabing iyon ng kanyang di nagtagumpay na pagtapos sa sariling buhay, sinikap niyang bumangon. Maswerteng lumago ang kanyang negosyo ng furniture na sinimulan lang niya sa mga materyales sa paligid at ng kanyang natutunan sa kursong arkitektura na hindi na nya natapos pa.
Mayroon na rin siyang sariling pamilya at mga anak. Gayondin naman tahimik at matagumpay na rin ang kanyang mga kapatid. Ang kanyang ama ay isa ng sikat na motivational speaker ngayon.

Utang na loob nya ang lahat sa lalaking nagligtas sa kanya na hindi na nya nakita pa at makilala. Ang tanging naiwan sa kanya ang kapirasong puting tela na napunit niya sa damit nito matapos nilang magpambuno.

Hawak nya ang tela sa mga kamay at hiniling na sana makita nya ang lalaking iyon muli.

"Papa, hiyaw ng kanyang mga anak"
"Mahal ko pasensya na sa paghihintay. Alam mo naman ang hirap magpaganda. Magsimba na tayo", wika ng kanyang kabiyak.

Papasok na sila sa simbahan
"Papa tignan mo yung damit ng santo o ... may butas." wika ng kanyang anak.
Nilapitan nya ito at sinalat ang damit. Sinalat nyang muli. Tila pamilyar ang tela. Binuksan nya ang kanyang wallet. Kinuha ang kapirasong tela na 20 taon na nyang tinatago. Inilapat nya ito sa butas sa damit ng santo. Ano at ito'y sukat na sukat?!. Ang butas sa damit ng santo at ang kapirasong tela nyang hawak ay magkaugnay!

Nagtaka ang lahat dahil nagsimula syang lumuha... lumuhod. Diyos ko maraming salamat... maraming salamat sa pagligtas mo sa akin... sa amin!

Obra ni Joey Velasco, Thy Will Be Done

Sort:  

Isang napakagandang istorya, puno ng aral.



See your post featured here by @johnpd on Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.

If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto

maraming maraming salamat po @steemph, @steemph.trail at syempre bro @johnpd

Napaka-inspirational nitong gawa mo bes! Maganda ang daloy ng kwento. Swabe ang dating sa mambabasa.

Pero nakulangan ako sa deskripsiyon sa misteryosong lalaki. Maaaring dahil sa limit ng mga salita o dahil gusto mong maging mas masidhi ang misteryo niya. Maaari mong gamitin ang parteng iyon para lansihin ang mambabasa na magtanong at ma-curious sa lalaking iyon.

Pero gayunpaman, binawi mo sa bandang dulo dahil muntik mo na akong mapaiyak sa realisasyon niya kung sino ang lalaki. Maganda ang ending.

Parang pamilyar ang pinagdaanan ni Gabriel.🤔😊

maraming salamat po hurado @romeskie :)

Kung tama ang pagkakaintindi ko, ang lalaking nagligtas sa kaniya mula sa pagkalunod ay si Hesus. Tama ba, BD? O mali ang pagkakaintindi ko. hehehe

Opo si BRO nga po :D


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

wow maraming salamat po @c-squared

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.17
JST 0.033
BTC 63811.77
ETH 2736.02
USDT 1.00
SBD 2.60