Ika-5 Hamon: Ang Hiwaga ng Atlantika - Ang Huling Bahagi

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Mapagpalang gabi po sa inyong lahat. Ako po si @romeskie at narito ang huling yugto ng aming pantaseryeng pinamagatang Ang Hiwaga ng Atlantika.
Narito po ang mga naunang bahagi:
Unang bahagi
Ikalawang Bahagi
Ikatlong Bahagi

QmesxP572zSVJEJtzwwGmeJgnvNgYV1LTWaV9W8LPzN8hB.png

Ang nakaraan...

"Nilinlang ka ni Sabina. Ang kabibe na iyon ay may kakayahan na gawing tao ang katulad naming mga sirena. Subalit hindi ko inaasahan na may kakayahan din pala iyon na gawing taong-isda ang mga katulad ninyong mga mortal.", malungkot na pakikiramay ni Darina kay Marco.
"Ano ang maaari kong gawin para manumbalik ang dati kong anyo?"
"Hindi ko pa alam sa ngayon. Pero ikokonsulta ko ito sa mga pantas ng Atlantika para makakuha ng kasagutan.", garantiya ni Darina.

Walang inaksayang panahon si Sabina. Iumpisahan nang hanapin ang pakay. Kung buong kapangyarihan ng perlas ang nakuha niya ay may tsansa pang maregular ang mga paa niya pero dahil kalahati lamang ay mag-e-endo ang mga ito. Kailangan niyang magmadali. Kailangan niyang mahanap Alaala- isa sa mga pantas ng Atlantika na itinakwil ng Haring Pogo nang sakupin nila ang kaharian ng mga sirena. Ilang ulit niya nang napapanaginipan ang panawagan ni Alaala at kamakailan lang ay ubod linaw ng mensahe nito.

Kailangan mong umahon sa dagat, suungin ang kawalan. Hanapin aking kinaroroonan, para maisiwalat ang katotohanan.

Hindi na malinaw ang iba pang parte ng mensahe, medyo mahina ang signal sa ilalim ng dagat. Nayayamot na siya't napapagod. Naiirita na rin siya sa pusang kanina pa sunod nang sunod sa kaniya. Naririndi na siya sa kangi-ngiyaw nito. Sa kaiiwas nya sa pusa ay napadpad siya sa isang maliit na kubo. May lalakeng naka-hoodie na jacket na nakaupong natutulog sa lamesa. Pabulong niyang binulyawan ang pusa. Kanina ka pang muning ka! Gagawin kitang siopao pag di mo pa ako tinantanan!Tsupi!"

images (13).jpeg

Pinagkunan

"Ikaw ang tsupi! Tagarito ako. At duh! Ako yung hinahanap mo. Napakahina ng pick up mo. Kaya kayo naagawan ng kaharian eh."

Napanganga na lang si Sabina dahil hindi siya makapaniwala.
"Hala siya. Pantasya ito! Ikaw nga sirena, naglalakad. O siya. Gawin na natin ang kailangang gawin para matapos na ito."
Paismid na sabi ni Lala.
"Una sa lahat, ikuha mo muna ako ng makakain at baka maisipan kong gawing merienda itong taong isdang ito."
"Oo. Siya si Marco. Hindi mo ba natanggap yung mensahe ko? Nagtext din ako para siguradong hindi mo makalimutan. Naubos load ko sa yo ha."

At hinainan ni Sabina ng Whiskas si Alaala. Nang mabusog ito ay hinanap niya ang isang remote control. Ginising nito si Marco na gulantang dahil marunong magsalita si Lala. "Alaala ang totoo kong pangalan." Pagtatama nito sa binata. "Tumingin kayong dalawa rito sa crescent moon sa noo ko." Umilaw ito ng kulay berde at tila hinipnotismo si Marco at Sabina. Sa isang iglap ay bumalik ang alaala nilang dalawa. Si Sabina ay anak ni Haring Tristan na ngayon ay isang tattoo ni Haring Pogo. Sina Darina at haring Pogo ay ang mag-amang namuno sa mga Damugo sa paghihimagsik. Nagtagumpay sila noon na talunin ang mga Sirena dahil dinala nila sa lupa ang Punong Kapitan ng mga guwardiya, si Marco. Lingid sa kaalaman ng mag ama ay naipuslit ni Marco si Alaala bago nito tuluyang binura ang lahat ng kaalaman nito tungkol sa kanilang kaharian.
Napuno ng galit ang puso ni Sabina. Siya ang tunay na prinsesa at hindi ang balatkayong si Darina! At kailangan niyang mailigtas ang kanyang ama.
"Marco, kailangan nating bumalik sa karagatan! Kailangang mapalaya natin ang buong kaharian sa sumpa! Tara na!"
Pinigilan sila ni Alaala.
"Nagmamadali? May lakad? Kailangan munang manumbalik ng tunay na kaanyuan ni Marco. at kakailanganin niya ang Trident ni Neptuno."
Nanlumo si Sabina dahil alam niya kung nasaan ito. Hawak ito parati ni Haring Pogo.
Huwag kang mag alala, sabi ni Marco. Mayroon din ako nun." Ipinakita niya ang binti niyang may tattoo ng trident.
images (14).jpeg

Pinagkuhanan ng nakapang iinit na larawan

"Class A lang yan, pero pwede na rin." sabat ni Alaala. "Tara na sa dagat at nang makapanumbalik na kayong dalawa sa magaganda niyong anyo. Pakidala ang remote control," utos niya kay Marco.
Nagtataka man ay binitbit pa rin niya ito.
Pagdating sa dagat ay itinutok ni Alaala ang remote kay Sabina, pinindot ito at naging sirena na uli ang dalaga.

Tuxedo_Mask_1.jpg

Pinagkunan ng larawan ng childhood crush ng may akda

"Medyo matagal kang nasa lupa kaya mahihirapan tayo nang bahagya." Sabi nito kay Marco. Pinindot niya ang remote at nagkaroon si Marco ng rosas at tuxedo.
"Ikaw ang lagi kong hinahanap. Kasama kang lagi sa pangarap.
Pinindot na muli ang remote at biglang napasabi si Marco ng "Rider change!"
images (15).jpeg

Pinagkuhanan ng larawan ng isa pang kinabaliwan ng nagsulat

Bago pa man maging ganap ang transpormasyon ay pinindot ulit ni Alaala ang remote.
"Shark head!"
Pwede na yan sa ngayon Maui. Este Marco.
images (16).jpeg

Hey it's ok, it's ok you're welcome. Ma-LSS na tayong lahat na pinagkuhanan

Manunumbalik ang dati mong anyo sa oras na mapalaya niyo si Haring Tristan.
Nagpaiwan si Alaala dahil mas gusto niya nang manginain ng whiskas kesa ng mga plankton.
Itinuro niya kung paanong mapapalaya ang ama kay Sabina. Kailangan lamang nilang matanggal sa leeg ni haring Pogo ang kuwintas na kabibe at lahat ay makakaalala.

Panahon na para ipaghiganti ang kaharian ng mga sirena!
Nagmamadaling lumusong na ang dalawa sa ilalim ng karagatan.

Iwinasiwas ni Marco ang class A na trident ni Neptune at gumawa ito ng alon sa ilalim ng dagat papunta sa kaharian. Nanumbalik ang alaala ng lahat ng nilalang na naninirahan doon. Ang mga sirenang naninirahan bilang Damugo ay naalalang sila pala ang mga tunay na sirena. Ang mga Damugo namang sumakop sa kaharian ng mga sirena ay nanumbalik sa mga dati nilang anyo.
Nagitla ang magamang Pogo at Darina sa nangyari. Nang lumabas sila ng kaharian ay nakita nila si Sabina at Marco na nangunguna kasama ang mga sirenang galit na galit sa kanila.
Umawit si Darina ngunit imbes na maganda't kahali-halinang tinig ay nakaririnding sigaw ang maririnig na ikinahina ng mga sirena. Hindi nagpatalo si Sabina. Buo ang loob niyang maghiganti at bawiin ang kanilang kaharian. Kumuha siya ng dalawang back up dancers at nag breakdance. Nang mag-fin stand siya ay naglabas iyon ng awra na nakapagpanumbalik ng lakas ng kaniyang mga kakampi. Si Marco naman ay nag water bending technique at gumawa ng umiikot na tubig na hinigop ang mga Damugo. Si Darina laban kay Sabina. Si Haring Pogo laban kay Marco. Akmang ihahambalos na ni Pogo ang orihinal na trident ay nahaltak ni Marco ang kuwintas. Isang nakabubulag na liwanag ang lumabas mula sa tattoo ni Haring Pogo. Lumabas mula sa Tattoo si Haring Tristan. Nakasisilaw ang liwanag ng awra ni Haring Tristan, parang puting damit na laba sa Tide. Binukas niya ang kanang kamay at kusang lumapit sa kanya ang Trident of Neptune. Itinuktok niya ito nang tatlong beses at natigil ang lahat ng naglalabanan.
images (17).jpeg

Pinagkunan ng larawan ng di pakakabog na tatay

Agad na yumakap si Sabina sa ama. "Pagbayarin natin ang mga mapanlinlang na iyan!
"Iwaksi mo ang paghihiganti sa iyong puso, anak. Ikaw ang susunod na mamumuno sa ating kaharian. Dapat ay palagi kang patas at makatarungan."
Bumaling naman si Haring Tristan kay Pogo at Sabina. "Bilang kaparusahan sa inyong kapangahasan..."
Sa isang wasiwas ni Haring Tristan sa kanyang trident ay naging kulay pulang talangka si Haring Pogo at naging pusit naman si Darina. Si Aenon naman ay naging kulay dilaw na espongha.
"Kayo ay pinarurusahan ko ng habambuhay na pamumuhay sa Bikini Bottom."

images (18).jpeg

Pinagkunan ng larawan

Muli nang nanumbalik ang totoong sigla at saya ng kaharian sa Atlantika. Ang mga tunay na sirena ay muli nang nanirahan sa kanilang kaharian.

WAKAS

Bilang ng mga salitang ginamit : 1114 (pasensorry na po. Sinubukan ko pong bawasan pa pero hindi na talaga kaya. )

Mga Karakter
Bida na kontrabida pala talaga : Darina, Haring Pogo
Kontra-bida pero sa bandang huli ay bida pala: Sabina nga, Marco, Haring Tristan

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metapora)
Cat : Lala
Body Painting/Tattoo
Revenge

Tema ng Ika-Limang Serye: Pantasya

Unang Pangkat

@cheche016 - Huwebes
@jamesanity06 - Byernes
@johnpd - Sabado
@romeskie - Linggo

Ikalawang Pangkat

@twotripleow - Huwebes
@chinitacharmer - Byernes
@jemzem - Sabado
@jazzhero - Linggo

Unang Pangkat

@cheche016 - Huwebes
@jamesanity06 - Byernes
@johnpd - Sabado
@romeskie - Linggo

Ikalawang Pangkat

@twotripleow - Huwebes
@chinitacharmer - Byernes
@jemzem - Sabado
@jazzhero - Linggo

Sort:  

nyahaha! ang saya-saya! ung mga comedy na kulang namin, si @romeskie ang bumawi at nagpunan. damang-dama ko ang pagiging batang 90's dahil sa Masked Rider Black.
pero lagot tayo kay @cheche016 dahil konti lang exposure ni Aenon at kalaban pa pala siya. pero ang ganda ng twist. at ang linis din, parang laba sa tide. nyahaha! 😂

Hala.. oo nga. @cheche016 pasensorry na. Nadala lang ako ng aking emosyon. Hahaha

Paborito ko pu ang SailorMoon sis @romeskie laluna pu ang makisig na si TuxedoMask. Kinikilig ako tuwing nakikita ko siya.
(heart heart)

Ahay! Pareho tayo ng paborito @lingling-ph! Nakakakilig naman talaga siyang tunay! Ayhieee!

(naihi sa kilig)

Hahahaha!!! I love this sis! Gusto q ang plot twist, unpredictable! At natawa aq ng sobra sa fight scenes 😅😂 At ito pala ang storya ng origin ni Spongebob! 😂🤣🤣 Pantasya + Komedya in 1 story! Winner!

Nagulat din ako sa kinalabasan. Haha... Ako naman ay natutuwa at natawa kayo. Hahaha. Sa susunod na makita mo si spongebob, maaalala mo ang hot na hot na si Aenon. Haha

Hahahaha from the kabogerang sireno naging si spongebob! Lol

Hey there Ohana! You were featured on the #106th edition of Steemitfamilyph's Featured Posts. Congratulations!

Wow! Thank you for the feature Ohana! ♡♡♡

if you want me to resteem your post to over 72,500 followers go here https://steemit.com/@a-0-0

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 61238.93
ETH 2454.57
USDT 1.00
SBD 2.59