Ika-5 Hamon: Ang Hiwaga ng Atlantika - Ikatlong bahagi
Pinagmulan ng larawan
Kung hindi mo nasubaybayan ang serye, narito ang mga nakaraang akda na lulunurin ka sa katatawanan, pantasya at iiwanan kang bitin :
Unang Bahagi ni @cheche016
Ikalawang Bahagi ni @jamesanity
💧Glug! Glug! Glug! 🌊
Ang Nakaraan...
"Nakakita ako ng sirena? Hindi, hindi lang ako nakakita ng sirena, niligtas ako ng sirena! Pero hindi ko ito pwedeng ikwento kina aling Toyang, baka isipin nila may toyo na ako't nasisiraan.", tugon nya sa kanyang sarili.
"Edi ipakilala mo sila sakin, para maniwala sila." sabat naman ng isang boses.
"Oo nga noh, dalhin ko kaya sila aling Toyang dun sa may pinaghulugan ko baka sakaling magpakita ulit yung sirena." sabi ni Marco sabay panlalaki ng kanyang mga mata habang dahan-dahang lumilingon sa kanyang tabi. Walang salitang makalabas sa bibig ng binata at napanganga na lang ito sa napakaganda at napaka maalindog na nilalang sa kanyang tabi.
"Kamusta taga-lupa? Hindi kita maiwan baka tangayin ka ng alon eh, kaya hinintay kitang magkamalay, ako nga pala si Sabina." sambit ng ubod ng gandang sirena habang nakangiti sa hanggang ngayon ay tulala pa ring mukha ng binata.
"Anak ng Century Tuna!", gulat na wika ni Marco. "Si-si-sirena nga!"
Tinitigan lamang siya ni Sabina na tawang-tawa sa naging reaksyon niya.
"Nagulat ka ba dahil Sirena ako o nagulat ka dahil sa sobrang ganda ko?", panunuya ni Sabina.
"Nagulat ako dahil naka-topless ka..." (tulo laway)
"Eeeek! Bastos!" at isang malakas na sampal ang bumungad sa pisngi ni Marco.
"Pero salamat nga pala sa pagsagip mo sa akin. Akala ko mamamatay na ako."
"Wag ka munang magpasalamat dahil meron akong ipapagawa sa'yo..." sagot ni Sabina habang ikinakabit ang natanggal na shell na tumatakip sa dibdib. "Kailangan mong sundin ang ipag-uutos ko. Pumunta ka sa kwebang iyon at may makikita ka na malaking perlas sa loob ng gintong kabibe. Kunin mo iyon at ibigay sa akin."
"Ah, madali lang naman pala eh, sige gagawin ko.", masayang pagsunod ni Marco sa utos ni Sabina.
Pinagmulan ng larawan ng kabibe
Pero lingid sa kaalaman ni Marco, sa kwebang iyon nakatira ang higanteng pugita na may siyam na galamay. Ito ang taga-bantay ng perlas. Sa sobrang laki nito ay kayang puluputin ng mga galamay ang barkong Titanic. At ang tinta na binubuga nito ay nakalalason.
Agad na tumungo si Marco sa kweba at tumambad sa kanya ang higanteng pugita pero kasalukuyan itong nasa mahimbing na pagtulog. Dahan-dahan na lumapit si Marco upang hindi makalikha ng kahit na anong ingay. Nakita niya sa bandang likuran ng higateng pugita ang gintong kabibe pero nakasarado ito. Kailangan lang niyang makuha ang perlas para makaalis na agad siya.
At habang nangyayari ang pagkilos ni Marco, pinapanood pala siya ni Aenon at Darina sa Sisitibi, ang channel na kung saan makikita ang mga nangyayari sa buong karagatan. Nagulat sila na mayroong mortal na nakatuklas ng kweba kung saan nakatira ang higanteng pugita.
Hawak na ni Marco ang kabibe. Mabigat ito at mahihirapan siyang bitbitin iyon palabas ng kweba. Hindi niya din kayang tuklapin ang shell para bumuka ito. Masyadong mahigpit ang pagkakasara. Kumuha siya ng bato at ipupukpok niya sa shell para bumuka ng kaunti. Hindi pa man niya nadidiin ang bato sa shell, biglang bumuka ang kabibe at namangha siya sa nakita, perlas na kumikintab sa kaputian.
Kasabay pala ng pagbuka ng shell ng kabibe ay ang pagmulat ng mata ng higanteng pugita. Nakatingin ito kay Marco. Agad nitong nilingkis ng isang galamay ang katawan ni Marco at iniangat siya sa lupa. Hinigpitan ng higanteng pugita ang paglingkis kay Marco. Bubugahan nito ng tinta si Marco upang malason.
Pero bago pa man magawa iyon ng higanteng pugita, tinamaan ito ng malaking bato sa bandang noo, dahilan upang mabitawan nito si Marco at maihulog sa lupa.
"Aaaaaaaaaaaah!' takot na sigaw ni Marco habang unti-unting bumabagsak sa lupa.
Bago pa man siya mahulog, nasalo siya ni Darina sa mga bisig nito. May kabigatan man si Marco, nagawa pa rin ito mabuhat ni Darina dahil sa kakaibang lakas na taglay ng mga nilalang ng Atlantika.
"Tara na! Lumayo na tayo dito.", sigaw ni Aenon na bumato ulit sa higanteng pugita para maagaw ang atensyon nito. "Mauna na kayong lumabas. Lilituhin ko muna ang halimaw na ito."
Sinamantala naman ni Marco ang sitwasyon at biglang hinablot ang malaking puting perlas sa gintong kabibe. Sabay takbo nang mabilis. Naiwan sa loob ng kweba si Darina at Aenon.
Agad na nagtungo si Marco sa kinaroroonan ni Sabina.
"Sa wakas! Nakuha ko na ang hinihingi mo. Quits na tayo magandang sirena.", masayang pag-uulat ni Marco.
"Marco, wag mo ibibigay iyan sa kanya!", boses iyon ni Darina na mabilis palang nakasunod kay Marco.
"Ha ha ha! Akin na yan!", nakipag-agawan si Sabina kay Marco pero ayaw ng bitawan ng lalake ang perlas dahil sa babala sa kanya ni Darina.
Sa pag-aagawan ng dalawa sa puting perlas, bumagsak ito sa lupa at nabasag. Nahati ito sa dalawa. Isang nakakabulag na puting liwanag ang lumabas mula sa nabiyak na perlas. At sa pagkawala ng puting liwanag ay nagulat si Darina sa naging anyo ng dalawa.
"Ha ha ha! Tagumpay! Tinubuan na ako ng paa. Maaari na akong tumapak sa lupa.", masayang usal ng kontrabidang si Sabina.
Pinagmulan ng larawan ng kaseksihan
"Huh? Ano ito? Ang ulo ko... Aaaaaaah!", takot na wika ni Marco na ngayon ay napalitan ang mukha ng parang sa isda.
Pinagmulan ng larawan ng cute na taong isda
Tumakbo si Sabina at lumayo na sa kinaroroonan ng dalawa. Nilapitan naman ni Darina si Marco na ngayon ay taong isda na.
"Nilinlang ka ni Sabina. Ang kabibe na iyon ay may kakayahan na gawing tao ang katulad naming mga sirena. Subalit hindi ko inaasahan na may kakayahan din pala iyon na gawing taong-isda ang mga katulad ninyong mga mortal.", malungkot na pakikiramay ni Darina kay Marco.
"Ano ang maaari kong gawin para manumbalik ang dati kong anyo?"
"Hindi ko pa alam sa ngayon. Pero ikokonsulta ko ito sa mga pantas ng Atlantika para makakuha ng kasagutan.", garantiya ni Darina.
"Pero kailangan ko na bumalik sa amin. Hindi pa kumakain ang aking alagang pusa."
"Ikubli mo na lamang muna ang iyong ulo para hindi ka pagtuunan ng pansin ng mga tao.", solusyon ni Darina.
At bumalik na nga sa pampang si Marco. Sinalubong siya ng pusang si Lala dahil naamoy na nito ang pagdating ng amo. Nalito ang pusa dahil sa hitsura ng kanyang amo. Nasamyo nito ang natural na amoy ni Marco subalit kumalam ang sikmura ng pusa sa nakitang malaking ulo ng taong-isda.
"Babalikan kita dito, taong-isda. Sa ngayon ay babalik muna ako ng Atlantika upang humanap ng solusyon sa suliranin mo. Ano nga pala ang iyong pangalan?"
"Tawagin mo na lang akong Marco."
"Hi hi hi", malanding hagikhik ng magandang sirena. "Ako naman si Darina." at tuluyan na siyang sumuong sa kalaliman ng karagatan.
Pinagmulan ng larawan ni Darina
Itutuloy..
Bilang ng mga salitang ginamit : 932 (for the first time natuto din ako mag-diet. di ko akalain na malilimit ko ito sa less than 1000)
Mga Karakter
Bida : Darina, Marco, Aenon
Kontra-bida : Hindi ko kayo binigo, si Sabina nga!
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metapora)
Cat : Lala
Body Painting/Tattoo
Revenge
Tema ng Ika-Limang Serye: Pantasya
Magkikita-kita ba sina Spongebob, Capt. Jack Sparrow, Poseidon, Aquaman at Ursula sa next episode?
Kakainin ba ng pusang si Lala ang kaniyang amo na si Marco na ngayon ay nasa anyong taong-isda?
Bakit hindi naglagay ng topless na picture ni Sabina ang kj na author?
Makakakain pa ba ng isda si Marco o bulate na lang?
Ano ang nangyari kay Aenon sa loob ng kweba? Natalo ba niya ang higanteng pugita? O na-meet niya si @cheche016 at nakipag-date na lang?
Bakit pugita ang naka-drawing sa wrapper ng chichiryang Vinegar Pusit?
Kailan ang casting ni Agi the Pagi sa kwentong ito?
Si @romeskie lamang ang makakasagot sa mga baliw na katanungang ito at siyang magtutuloy para sa wakas ng kwento na pinamagatang...
Ang Hiwaga ng Baklantika
ay este...
Ang Hiwaga ng Atlantika
P.S. Pasensorry kay @romeskie sa late na pagsumite ng aking akda para sa TagalogSerye. Humihingi din ako ng tawad kay @toto-ph @lingling-ph at kay Junjun na hanggang ngayon ay wala pa ring account.
Your blog has received an upvote from the communal account of Steemph.antipolo for being an active discord member and as an active community member. Keep up the good work and best of regards. Keep on Steeming!
You can get a support by joining our discord channel and gain votes from
our curators. Join our discord now
https://discord.gg/7w3hJqw
If you would like to support steemph.antipolo project you can help by delegating your spare SP to us, just click the link below.
50 SP 100 SP 200 SP 300 SP 400 SP 500 SP 1000 SP
If you want me to resteem your post to over 72,500 followers, go here: https://steemit.com/@a-0-0
Hahaha. Nabitin aq sa comedy mo Jampol! Ang ganda ng development ng story, at ung twist.na naging taong isda si Marco dinq expect un. Excited na aq sa ending!
totoo ba na hindi mo expected? nyahaha! ang div class remember? hindi ko na nasubmit itong post kagabi, ayaw magload ng ibang pics. yari ako nito kay @cheche016 dahil konti lang exposure ni Aenon.
Hahaha. Di q binasa ung draft kc gusto q buo pag nabasa q! Ayaw q mabitin, lagi nlng aqng bitin eh! Haha. Akala q kalaban ung pixur, si Marco pala! 😅😂🤣 kaya oo, di q expected talaga!
Sino ba ang bumibitin sa'yo? Naku! Dapat ibitin din patiwarik ang mga yan. nyahaha! 😁
ang saya lang haha
chill lang tayo. first TagalogSerye ko ito na hindi lumampas sa 1000words kaya napakalaking achievement na ito para sa akin. 😊
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo