TAGALOG SERYE VIII: Ika-apat na Bahagi ng Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)


Ang larawan ay nagmula kay @tagalogtrail

Ang Nakaraan...

At humayo na nga ang dalawa upang hanapin si Cortez.

Si Cortez nga ba ay isang kakampi o kaaway? Alamin sa susunod na kabanata...
Nakaraang pangyayari

steemit-border

Naghanap sa kung saan-saang lugar ang magkapatid na Lopnayi at Ahmen. Mula sa mga bulubundukin ng Cordillera hanggang sa umabot sila sa Sierra Madre. Ilang linggo din silang naghanap, pero di nila nahanap si Heneral Cortez.

"Kuya, ilang linggo na rin tayong naghahanap kay Heneral Rafael Cortez. Medyo napapagod na din ako." ani ng pagod na pagod na si Lopnayi.

"Wag ka mag-alala, andito si kuya. Tsaka ininom mo na ba ang Caco-Laco?" tanong ni Ahmen.

Ang Caco-Laco ay ang inuming ginagawa ni Apo Lopmayd na pampalakas, at pangtanggal pagod.

"Oo nga noh!"

Biglang binuksan ni Lopnayi ang kanyang bag na Jansport na tinahian ng secret pocket kung saan nilalagay ni Lopnayi ang Caco-Laco. Pagkakuha ay ininom niya ito at tila lumakas si Lopnayi na nagpa-tumbling tumbling, at biruin mong nakaakyat siya ng puno na isang kamay lang ang gamit. Nabigla si Ahmen sa nakita niya. Unang beses lang kasi ng dalawa ang mabigyan ng nasabing inumin.

Sa kabilang dako...

Tuloy-tuloy sa paghasik ng lagim si Tragnetti. Siya ay napunta ng Maynila, at nagsuot ng damit na pangmoderno. Biruin mo naman, kung siya ay nakahubad sa pang-itaas, ay kitang kita ang kaniyang mga napakaraming tattoo. Maliban dun, makikita ang kanyang mga cellulites na pagkarami-rami. Sa gayon, mga cellulites na lamang sa mukha niya ang makikita. Ayos lang, nagmukha siyang tao ngayon. Bumili din siya ng cellphone para magmukha siyang sunod sa uso. Ang totoo, di niya alam gamitin ito. Kaya nagpapanggap lang siya kunwaring nagtetext. Habang nagtetext, may nakatingin na lalaki sa kanya na tila pinagtatawanan siya. Biruin mo nga naman, Nokia 5110 ang binili niya na nakita lang niya sa bangketa at tila hinahawakan niya nag screen. Akala niya kasi touch screen to. Nainis si Tragnetti sa lalaki. Nang umalis ito, siya ay sinundan niya hanggang mapunta sa kubeta na tila nagustuhan ni Tragnetti ang amoy.

"Bango ha" sambit ni Tragnetti.

Narinig ulit ng lalaki si Tragnetti at siya ay pinagtawanan.

"Wahaha! Mabango ba ang Albatross? Eh amoy kasilyas" sabi ng lalaki.

"Kanina ka pa ha!"

Sa galit ni Tragnetti, lumabas ang kaniyang kapangyarihan na natapon ang lalaki at shoot pa ang kaniyang ulo sa iniduro na amoy ihi.

Hinila ni Tragnetti ang lalaki, na nakataas gamit ang sariling kamay ni Tragnetti. Binuksan ni Tragnetti ang kaniyang bibig na pagkalaki, at ang diameter nito ay 5 pulgada. Nakontrol ni Tragnetti ang utak ng lalaki dahil may hypnotic power si Tragnetti. Pinangalanan niya itong Shawn dahil mukha itong chickboy.


Balik tayo kanila Lopnayi at Ahmen

"Dahil malapit na tayo sa Maynila, gusto mo bang pumasyal tayo sa SM Mall of Asia?" tanong ni Ahmen sa kaniyang nakababatang kapatid.

"Opo kuya! Gustong gusto ko yan" sagot ng tila eksayted na si Lopnayi.

Habang sila ay nasa byahe, manghang mangha si Lopnayi habang nakikita niya ang mga matataas na building. Nakakita din siya ng lumilipad na eroplano.

"Wow! Ang galing!" tuwang tuwang sambit ni Lopnayi.

Kinuhan niya ito ng larawan gamit ang kaniyang cellphone na iPhone 10. Sosyal ang lolo mo dahil ito ay galing sa kaniyang mahal na kuya na manager ng Jubilee.

Nakarating ang magkapatid na si Lopnayi at Ahmen sa SM Mall of Asia. Nagselfie selfie muna ang dalawa sa labas lalo na sa napakalaking globo na nasa labas ng MOA.

Maya-maya may narinig ang dalawa na sigawan ng mga tao. Biruin mo nasa iisang lugar sila Lopnayi at Ahmen, Shawn at Tragnetti. Naghahasik na ng lagim si Tragnetti at kinukuha niya ang lakas ng ilang mga tao, pagkatapos ay tinatapon ang kanilang katawan na parang bolang hinahagis.

"Andito si Tragnetti" sambit ni Ahmen. "Dito ka muna, wag kang aalis dito."

"Kuya, sasamahan kita!" sigaw ni Lopnayi na tila nag-aalala.

"Sumunod ka sa kuya! Dito ka lang sa sulok. Babalikan kita dito ha!"

Kinuha ni Ahmen ang Caco-Laco at ito'y uminom at ito ay nagkaroon ng taglay na lakas.

Si Lopnayi naman ay tila nag-aalala sa kuya at gusto nito sundin.

Habang mabilis na naglalakad si Ahmen, nakita niya kung saan naroroon si Tragnetti.

"Tragnetti! Alam kong ikaw yan!" sigaw ng galit na si Ahmen.

"Who u?" pagsasabat ni Shawn.

"Who u ka rin! Di ikaw kinakausap ko! Si Tragnetti!" sigaw ulit ni Ahmen.

Tumingin lamang si Tragnetti sa mata ni Ahmen, at ito ay kinontrol niya gamit nag kaniyang hypnotic power, at ito ay napasunod nito. Sila ay umalis sa mall na parang walang nangyari.

Si Lopnayi naman ay alalang alala sa kuya. Siya ay pumasok sa mall para hanapin niya ang kuya. Sa ibang dako ay nakita niya ang kaniyang kuya na sumusunod kay Tragnetti papalabas ng mall.

"Kuya!"

Tumakbo ng mabilis si Lopnayi ng 100/kph, kaso di niya sila naabotan. Nag-aalala at umiiyak si Lopnayi.

Sa kinaroroonan ni Apo Lopmayd

"Naghahasik na ng lagim si Tragnetti. Tila di ako mapakali. Kumusta na kaya mga apo ko" habang kinakausap ni Apo Lopmayd ang sarili.

Kinuha ni Apo ang kaniyang cellphone na Huawei at sinubukang tawagan si Ahmen.

"The number you dialed is currently..."

Di na pinatapos ni Apo Lopmayd ang narinig sa cellphone, at sinubukang tawagan si Lopnayi.

Nakita ni Lopnayi nag kaniyang cellphone na nagba-vibrate pero di niya sinagot ito dahil di niya alam ang kaniyang sasabihin sa lola. Walang nagawa si Apo at siya lamang ay umupo at nanalangin.

Si Lopnayi naman ay patuloy sa paglalakad sa daan. Nalungkot siya ng marami siyang nakitang mga tao na sumasayaw ng Kiki Challenge.

"Napakarami ng naloko at nabiktima ng sayaw na ito. Sana mahinto na ang virus na ito ni Tragnetti" habang kinakausap ni Lopnayi ang sarili na parang napapanood niya sa mga teleserye.

Siya ay patuloy sa paglalakad sa daan.Habang siya ay naglalakad ay may nakita siyang lalaki at ito ay mabubundol ng isang sasakyan. Biglang tumakbo si Lopnayi at tinulak kasama ang sarili kaya sila ay ligtas.

"Maraming salamat at ako ay iyong niligtas" pagpapasalamat ng lalaki.

"Walang anuman po" magalang na sagot ni Lopnayi.

Maya-maya may tumawag sa lalaki. "Mr. Cortez, okay lang po kayo?"

Nang marinig ni Lopnayi ang kanilang apelyido, ito ay natuwa dahil. Kaapelyido niya si Heneral Cortez.

Si Heneral Cortez nga ba ang tinawag na si Mr. Cortez?

Abangan....

steemit-border

Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter

Hero: Madiskarteng mga Bida (Lopnayi at Ahmen. Palagay ko naman, madiskarte sila)

Villain: Ang "Virus" (bayrus ni Tragnetti, wag muna kay Heneral Cortez. Baka bida siya eh)

Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakakalito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler tsaka minus points sa buong team)

Bilang ng mga salita: Palagay ko naman humigit sa isang libo.

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

Slavery(palagay ko naman meron)

Tattoo(siyempre meron, pati cellulites pa)

Rescue(meron naman)

Tema ng Tagalog-Serye
Libreng Tema - Kahit ano ang maisip ng dalawang pangkat basta hindi ito nasasalungat sa kanilang kwento.

Misteryo po ang napiling tema.

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo
Unang Pangkat
@johnpd
@iyanpol
@czera
@chinitacharmer
@beyonddisability

Ikalawang Pangkat
@twotripleow
@oscargabat
@blessedsteemer
@romeskie
@jemzem

Previous

Sort:  

Excellent article. I learned a lot of interesting and cognitive. I'm screwed up with you, I'll be glad to reciprocal subscription))

exciting
ang saya nito
katapusan na bukas at lodi @jampol ang gagawa
kagaling naman nito boss @iyanpol12.. pasok lahat ng elemento
aylabit

Salamat po boss. Mahirap pala talaga ginagawa niyo. Hehe

kaya mo yan boss.Piece of cake sa iyo ito.

Hahahaha patay silang lahat sa akin bukas. Tingnan ko lang kung makapapalag sila sa akin.

Ganoon talaga hindi pa siya sanay gumamit ng cellphone kasi tiga-tribu siya haha. Kahit siguro 51/10 hirap siyang gumamit haha.

Ahaha! Kaya nga tinatouch niya 5110 niya. Haha

Uubusin ni boss @jampol ang mag cellulites ni Tragnetti. Haha

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65128.68
ETH 3442.23
USDT 1.00
SBD 2.52