Tagalog Serye VIII: Pangatlong Bahagi ng Unang Pangkat

DQmUQoWRR6ZeSRKzWF8UJLEiegDnzb9Yk6fSL2pZc9g3X8x_1680x8400.png

Ang Nakaraan...

Kahit na nagdadalawang isip ay sinamahan ni Ahmen si Lopnayi. Pagbukas pa lamang ng pinto ay mapapasin na ang masangsang na amoy. Nang masinghot ito ni Ahmen ay bigla itong nangitim at nawalan ng malay. Dali-daling naghanap si Lopnayi ng lunas. Nakakita sya ng isang malaking kahon. Medyo kakaiba ang hugis ng kahon at sya ay nagduda kung anong laman nito, pero binuksan pa rin nya sa pag-asang may lunas syang makikita.

Laking gulat nito ng makita ang laman ng malaking kahon..


Isang cellphone ang bumungad sa mga mapupungay na mata ni Lopnayi! Kahit na naguguluhan siya sa nakitang bagay, agad-agad niyang tinawagan ang 911 upang humingi ng saklolo sa hinimatay na si Ahmen.

Simbilis ng kidlat ang pag responde ng mga rescuers kaya agad nabigyan ng lunas si Ahmen. Napaluha sa tuwa si Lopnayi sapagkat akala niya ay hindi na magigising ang kapatid mula sa nakamamatay na amoy mula sa lagusan. Ang kaniyang ipinagtataka ay kung bakit hindi siya tinablan nang mabagsik na amoy.

Inihatid ng mga rescuers ang magkapatid sa kanilang tahanan. Sa pintuan ay nakaabang na ang kanilang Apo Lopmayd na halos mamatay na sa sobrang pag-aalala. Nagyakapan ang mag-anak at nagpahinga narin ang dalawang matipunong magkapatid.

Mahimbing ang pagkakatulog ng dalawa, nang biglang may tumunog na cellphone. Sa taranta at takot ni Lopnayi ay naiwan pala sa kaniyang bulsa ang mahiwagang cellphone na nakita niya sa lagusan kaya nakalimutan narin niyang ibalik ito sa kahon.

"Kiki, do you love me? Are you riding?
Say you'll never ever leave from beside me
'Cause I want ya, and I need ya"

Sobrang nakakaindayog ang tunog na galing sa cellphone, kaya hindi niya mapigilang tumayo at sumayaw narin. Nang hinawakan niya ang cellphone ay nakita niyang may video din palang kasama ang musika. Ito ay kaniyang pinanood at biglang nagningning ang kaniyang mga mata! Naisipan niya ring gumawa ng sariling video! Kaya naman ginising niya si Ahmen at sabay silang nanood at umindak sa saliw ng musika.

Maya-maya ay lumabas ang dalawa upang magsimula nang mag-shoot ng kanilang Kiki Challenge. Dahil wala naman silang sasakyan ay naisipan nilang ang kalabaw nalang ni Apong Lopmayd ang gamitin. Habang hila hila ng kalabaw ang karitong sinakyan ni Lopnayi ay humataw ito sa pagsasayaw. Enjoy na enjoy din naman sa pagkuha ng video ang kapatid.

Pagkatapos ni Lopnayi, si Ahmen naman ang sumubok. Mas matindi ang ginawa nito dahil pumatong siya sa ibabaw ng kalabaw habang bigay todo sa pagsasayaw. Siyempre full support din sa pagkuha ng video si Lopnayi sa kapatid!

Nang matapos silang mag-shoot ay tila ba may puwersang nagtutulak sa kanila na i-upload ito sa D-tube. Hindi nila maipaliwanag pero parang kusang gumagalaw ang kanilang mga utak at katawan na gawin ang mga bagay na hindi naman nila gawain!

Nang ma-upload sa D-tube ang kanilang Kiki Challenge video ay sobrang nagtrending ito! Lahat ng nakapanood at nakapakinig sa video ay di na rin mapigilang sumabay sa hottest dance craze ng sambayanan. Kaya nama, libo-libong mga tao ang sumubok din sa Kiki Challenge. May gumamit ng motorsiklo, sports car, helicopter, submarine, at kung anu-ano pa!

Dahil sa sobrang pagka obsessed ng mga tao sa Kiki Dance, marami na ang nadisgrasya. Ang iba kasi masyadong pabibo kaya may mga nahulog mula sa pagsasayaw sa ibabaw ng motorsiklo at pati narin helicopter. Ang iba ay nalunod dahil sa ibabaw ng surf board humataw sa pagsasayaw, kaya nilamon ng malalaking alon!

Pati ang mga nakaupo sa gobyerno ay hindi na rin nakaligtas sa viral na Kiki Dance. Ang hindi alam ng nakararami, hindi lamang ito viral dance craze. Ito ay talagang virus na ipinakalat ni Tragnetti sa buong Pilipinas!

Flashback...

Isang linggo ang nakaraan, isang grupo ng mga kabataan ang nag road trip papuntang Banaue Rice Terraces. Habang kanilang tinatahak ang matarik na kabundukan ay tila ba may puwersang humihila sa kanilang sasakyan at di nila ma kontrol ang manobela. Bigla na lamang humarurot ang sasakyang at bumangga sa isang parte ng Banaue Rice Terraces. Ito ang himlayan ni Tragnetti. Patay lahat ng nasa loob ng sasakyan sa lakas ng impact. Dahil sa maraming dugong umagos sa kaniyang libingan, nabuhay muli ang ating malupitang villain.

"Bwahahaha! It's goooood to be back! Sasakupin kong muli ang mundo gamit ang aking salamangka! Ipapakalat ko ang Kiki Virus! Humanda kayong lahat!"

Sa kabilang dako...

"Nabuhay na nga siyang muli! Kailangan ko nang kumilos upang muling sugpuin ang kasamaan ni Tragnetti." sambit ni Apo Lopmayd sa sarili.

Hinanap ni Apo Lopmayd sina Ahmed at Lopnayi. Nakita niya ang dalawa na sumasayaw parin ng Kiki Dance. Kaya bumulong siya ng isang matinding orasyon upang kontrahin ang virus na kumapit sa dalawang apo!

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik na sa ulirat ang dalawa. Hindi sila makapaniwala sa nakitang dance moves nila sa D-tube. At napagtanto nilang napasailalim nga sila sa itim na mahika ni Tragnetti.

Ang orasyon ni Apo Lopmayd ay tumatalab lang sa dalawang apo dahil sila ang itinakdang magligtas sa sanlibutan.

"Mga apo, dahil nasa tamang gulang na kayo, panahon na upang malaman ninyo na kayo ang napiling maging tagapagligtas ng ating tribo at ng buong mundo sa kasamaang hatid ni Tragnetti. Kailangan ninyong maglakbay at hanapin si Heneral Rafael Cortez. Siya lamang ang makatutulong upang sugpuin si Tragnetti."

At humayo na nga ang dalawa upang hanapin si Cortez.

Si Cortez nga ba ay isang kakampi o kaaway? Alamin sa susunod na kabanata...

pearl-aqua.png

Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter

Hero: Madiskarteng Bida (lopnayi, bahala na ang susunod sa akin kung paano siya eeksena gamit ang kayang matinding diskarte)

Villain: Ang "Virus" (bayrus ni Tragnetti, bayrus ni Cortez)

Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakakalito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler tsaka minus points sa buong team)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

Slavery(meron po )

Tattoo( meron din)

Rescue(meron ulit)

Tema ng Tagalog-Serye
Libreng Tema - Kahit ano ang maisip ng dalawang pangkat basta hindi ito nasasalungat sa kanilang kwento.
ANG NAPILI PO NAMIN AY MISTERYO


Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang Pangkat
@johnpd
@iyanpol
@czera
@chinitacharmer
@beyonddisability

Ikalawang Pangkat
@twotripleow
@oscargabat
@blessedsteemer
@romeskie
@jemzem

Sort:  

Haha ang dami-daming sayaw, Kiki dance pa talaga napili ang wholesome grabe! at nabuhay nanaman si Tragnetti haha.

Hahaha! Sabaw na sabaw aq kc kagabi 2k. Walang ma extract na ideas talaga. Pero ang suggestion na yan ay galing talaga sa isang peymus na doktor na itago na lang natin sa pangalang Jampol 😂

I Wanna be a villain
Buwahaha. The big bad a-- villain

Kiki Challenge pala ang tawag dyan

Kay lupit na bayrus! Wahahaha.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65527.96
ETH 3466.32
USDT 1.00
SBD 2.52