TagalogSerye X: Ikatlong Bahagi ng Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Ang nakaraan:

Nagpalit ng damit si Vince at agad sila nagtungo sa presento. Pagdating nila sa presento ay may tumawag kay Vince na isang pulis habang ang mga magulang nya ay nakipag-usap kay Val at awang awa ito sa anak. Tinawag si Vince at nagpaalam sa magulang nya. Nagtaka ang magulang nyo pero dahil pulis naman kaya hinayaan na lang nila.

"Ikaw ba ang kapatid ng baliw na yon?" Pa insultong sabi ng pulis.
Gustong magalit ni Vince pero pinigilan nya lang ito at sumagot ng mahina. "Opo sir."
"So ikaw ang tunay na gumagamit ng druga, ano?"

Nagulat si Vince sa sinabi ng pulis at nakaramdam nanaman sya ng takot kaya hindi na ito ngsalita.

"Huwag kang mag-alala at hindi ka namin isusumbong pero sa isang kondisyon, may ipapagawa kami sayo.."

Hindi makapagsalita si Vince at hindi alam ang gagawin.

178633C8-CB22-4C9D-B96F-4ECCACF4AED1.jpeg


Laking gulat ni Vince sa ipapagawa ng pulis na kumausap sa kanya. Hindi niya akalain na may mga ganun pulis na kaya magpagawa ng isang bagay na hindi dapat.
man-211505__480.jpg

Ayaw man niyang gawin ang bagay na ito ngunit,para sa kapatid niyang si Val ay gagawing niya ito para makalaya ang kapatid niya na nagdurusa sa kanyang sala..
"Ano bata? Magagawa mo ba ang ipanapagawa ko sayo?" Tahimik si Vince na nag iisip,ngunit buo na ang kanyang desisyon para sa kalayaan ng kapatid niyang si Val. Ang ipinapagawa sa kanya ng pulis ay maghatid ng droga sa isang intsik na isang drug lord . At ang ihahatid nyang droga ay galing sa presinto na nakumpiska ng mga walanghiyang pulis na nagutos sa kanya.

Muli siyang kinalabit ng pulis,"ano payag ka ba?" Sumagot siya ng medyu garalgal ang boses na parang tutol sa kalooban niya..O..oopo..oopo sir.."sagot niya sa pulis. "Yan ganyan! At nagkakaintindihan tayu"..at sabay ngisi ng pulis.

police-1807618__480.jpg

At ilang saglit lang bumalik siya sa kinaroroonan ng kanyang inang si Marta ang kanyang ama at naroon din ang kanyang kapatid na si Val na bakas sa mukha ang hirap at pasakit na dinaranas sa loob ng piitan. "Kuya Vince makakauwi na ba tayo?" Tanong ni Val sa kanya.
"Oo Val..kapatid ko..makakauwi ka na"..sabay hagulhol ..habang yakap niya ang kapatid niyang sinto sinto..at niyakap din siya at ng kanyang kapatid..at sabi,"kaya nga bilib ako sayo kuya Vince kasi sabi mo ikaw si superman di ba?at kaya mo ako ipagtanggol sa mga umaapi sa akin". Salita ng kaptid niya na pautal utal kong magsalita.
At halos mapasigaw sa iyak si Vince sa sinabi ng kapatid niya..at nasabi niya sa sarili..Hindi sana sinapit ito ng aking kapatid kung hindi sa akin..

cry-1919491__480.jpg

"Babalik ako Kapatid ko"! Ilalabas kita dito!Pangako ko yan sayo kapatid ko" sabi niya sa kapatid.
"Promise? Kuya?Makakauwi na ako? Yeheyy! Bait talaga ng kuya ko at maglalaro tayo ng taguan kuya ha?"pautal utal na salita ng kaptid niya. Sumagot din ang ina niyang si Marta; "Mag iingat ka dito anak ha?"Habang tumutulo ang luha sa mata, "Wag ka na iyak inay,uwi naman ako.."di ba kuya Vince?"
Sabay tango lang sinagot ni Vince.

At nagpaalam na muna sila sa isat isa.

Samantala..,
Nagkita na sila ng pulis na kumausap sa kanya para maghatid ng droga sa isang chinese businessman na wala pang asawa. At sabi ng pulis; "ibigay mo ito sa nagngagalang 2k,at dun mo sa kanya iaabot ang brown envelope na ito." At pagkatapos at may iaabot siya Sayo t batsi ka na pagkatapos." Maliwanag?
Yes sirr.. sagot ni Vince,

At tumungo na siya sa lalaking intsik na na bibigyan niya ng droga.

Sa sandaling ang ina niyang si Marta ay nagtitimpla ng kape at sa di sinadsadya,ay nabagsak niya ang tasa na puno ng kape. At kinabahan si Marta at naisip agad ang anak na si Vince.."O Dios ko,wag naman po sana." Sambit ng kanyang mga labi at sabay nanalangin.

cup-509968__480.jpg

Sa kabilang dako;
Nakarating na si Vince sa dakong lugar na pagbibigyan niya ng droga, at nasa sa isip niya lagi ay para sa kapatid niyanh si Vince itong gagawin niya.
Nakita niya na sa di kalayuan ang intsik na drug lord at mga tauhan nito,at binanggit niya ang pangalang 2k at sabay senyas at ngisi ng intsik. At ibinigah niya na ang brown envelope at sabay abot din sa kanya ng sobreng puti n puno ng pera. At sabay talikod na si Vince.
Ngunit may sumigaw sa kalayuan na "MGA NBI KAMI,ITAAS ANG KAMAY AT HUWAG NG LUMABAN" ! At nagulat ang intsik at mga tauhan nito at pati si Vince.

Makakatakas kaya si Vince sa kamay ng batas? Matutupad kaya niya ang pangako sa kapatid niyang si Val?

Huwag bibitaw ..
ITUTULOY..


Master @twotripleow ikaw na tumapos haha grabe hirap sundan peru yan lang nakayanan ko. Salamat sa pagbasa.😊

Prompts
Tema: Inspirational Drama

Mga Elemento na kailangang makita sa kwento:

Dilemma ng mag-asawa

Pangaral ng magulang sa mga bata (quote or proverb na bibitawan at ipapaliwanag sa kwento)

May mangyayari sa isa sa mga anak nila na magiging turning point ng kanilang buhay

Tragic ending

Mga Kasali:
Unang grupo:

Miyerkukes - @jemzem
Huwebes - @mrnightmare89
Biyernes - @blessedsteemer
Sabado - @twotripleow[DeShawn Tragnetti]

Ikalawang grupo:

Miyerkules - @czera
Huwebes - @iyanpol12
Biyernes - @BeyondDisability
Sabado - @oscargabat


Pinagkuhanan ng litrato]1234


Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer
🙏


blessedsteemer.png

Sort:  

Wow ang ganda ng daloy ng kwento
Magaling magaling lodi @blessedsteemer

Posted using Partiko Android

Maraming salamat sa apresasyon mo ginoong BD! Ako ay nagagalak dahil at nakakasali ako sa mga ganitong serye at mas natuto ako kung paano dudugtungan ang kuwento..peru konting aral ko pa at mapeperfect ko na rin to haha kasi kayu ang lulupet nyu..😊

Posted using Partiko Android

magaling po kayo magsulat. Malawak po ang inyong imahinasyon.
Kung ako po ang tatanungin at pagpapayo pwede pang itaas ang antas ng paggamit po ninyo ng mga naglalarawang salita para mas maging masidhi ang epekto nito sa mambabasa :).
Subalit sa kabuuan , magaling po kayo

Maraming salamat po sayong nakakataba sa puso na komento. Isa po itong karangalan na mapabilang sa inyo na mga magagaling na mga manunulat ..mas lalong nakaka inspired na magsulat at magsulat. 😊

Posted using Partiko Android

sulat lang ng sulat :)
Pare-parehas po tayong magaling at naway marami pa ang sumulat sa wikang Filipino :)

Ok sir..salamat at kongrats pala sa inyo hehe mga lodi tlaga haha

Posted using Partiko Android

marami pong salamat lodi ko rin po kayo

Salamat..at lodi din kita hehe

Posted using Partiko Android

Congrats mahal ko..galing mo at ng mga kasama mo sana minsan try ko din sumali someday haha.😊

Hindi ko inaasahan na aabot sa ganitong eksena ang kwento. Pero bet ko yung eksena na inutusan siya ng pulis na maging runner ng droga. May touch of reality. Pero ang tanong, paano nga kaya ito wawakasan ni boss 2k?

Salamat po sa napakagandang komento binibining @jemzem. Ikaw lodi kita..galing mo din sa paggawa ng kuwento..taas kamay ako sayu mam.😊🙌

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60457.50
ETH 2430.71
USDT 1.00
SBD 2.51