FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE IX: WAKAS NA BAHAGI NG UNANG PANGKAT
ito na po ang pangwakas na bahagi ng @tagalogserye ng unang pangkat
para po inyong maunawaan, pakibasa po ang mga naunang bahagi
Ang Bakasyon sa panulat ni @jemzem
Sa Kakahuyan sa panulat ni @twotripleow
Mga Rebelasyon sa panulat ni @czera
at ang ikaapat na bahagi
Ang Wakas
Dali-daling pumunta sa kasilyas si Abby upang magtago. Pumailalim sya sa lababo. Madilim. Habang sya ay nasa ilalim ay naramdaman nyang tumatayo ang kanyang mga balahibo. Unti-unti syang lumingon sa kanyang kanan at nagulat sya ng makita nyang naroon din ang babae. Halos himatayin sa takot si Abby. Mabilis syang tumakbo sa labas ng biglang........
may humawak sa kanyang kaliwang paa.
hawak ng babaeng walang mata ang paa niya na dahilan para siya bumulagta sa sahig. Pinilit niyang abutin ang doorknob subalit ito ay nakakandado. Ang huling tinig na narinig niya ang tila baliw na boses ni Rafael, "Abby, yoohoo, magtago ka maigi dahil pag nakita kita kukunin ko ang balat ng makikinis mong hita. Bwahahahaha". At, siya ay nawalan ng malay.
Nang siya ay magising
... pagod, sugatan at hinang-hina
... iginala niya ang kanyang paningin
nabatid niyang siya ay nasa kwarto ng mansyon nila.
pagbaling niya sa kanan ay katabi niya ang isang naaagnas na katawan. Ito ay kumilos ng mabilis at pumatong sa kanya.
Itinapat ang bibig nito sa bibig niya. Nawala ang bangkay at ilang sandali ay may apat na lalaking pumasok sa kwarto. May isang sumaklob ng unan sa kanyang mukha. Siya ay nagpupumiglas at naramdaman niya ang lahat ng sakit hanggang sa may nadama siyang tumarak sa kanyang dibdib.
Nagsisisihan ang mga lalaki at nag-aaway. Nang biglang...
Namulat si Abby. Siya ay nasa loob pa rin ng kasilyas. Litong-litong man sa napanaginipan, tumayo siya agad sa takot sa babaeng walang mata. Matagumpay niyang nabuksan ang kandado subalit pagsingaw nya ng katawan niya ay may mga kamay na tumakip sa kanyang bibig.
"Abby, Abby si Deshawn ito, wag kang maingay", wika ni DeShawn.
Napayakap siya kay DeShawn at pagbitaw niya rito ay pumailanlang ang tunog ng isang sumpak. Bumulagta si DeShawn. May tama sya dibdib.
"Takbo, Abby, takbo" , sa mahina at pumapanaw na tinig ay binigkas ni DeShawn ang kayang huling mga salita.
Sa pagkataranta, tumakbo muli ng tumakbo si Abby.
Kahit saan tatakbo sya. Takot na takot. Punong- puno ng hinagpis. Sa madilim na gubat muli siyang napadpad subalit hindi ito ang gubat na tinatakbuhan niya kanina. Bumaba ang hamog. Pinaligiran ang paligid. Ang hapong si Abby napatigil. Napaluhod siya sa lupa. Sinipat niya ang paligid.
Nangingibabaw ang katahimikan... ang kadiliman. May paunti-unting sinag ng bilog na buwan mula sa kumpulan ng malalabay na sanga ng puno. Naalala nya na noong bata pa siya ay may kwentong bayan tungkol sa gubat na hindi ka na makakalabas pa kapag pinasok mo ito sa kabilugan ng buwan.
Dumadalisdis ang mga mayayabong na dahon sa pag-ihip ng hangin. Tila ito ay may ibinubulong. Kay lamig. Halo-halong tunog. Nakapangingilabot. Ang mga puno ay tila may buhay. Kukunin siya ng mga ito. Nagsimulang kumidlat at ang mga puno ay tila nagkakaroon ng nakakarimarim na mukha.
Hindi gumagalaw si Abby sa kanyang kinasasadlakan. Tinatakpan niya ang kanyang tainga. Impit ang sigaw dahil baka nasa paligid lang ang baliw na si Rafael. Ang tunog ng mga insekto , mga sitsit ay halinhinang nagpapabagabag sa kanya. Siya ay nag-iisa. Kanina lamang ay napakasaya nilang magkakaibigan. Natagpuan pa nyang muli sa DeShawn sa gitna ng kawalang pag-asa. Subalit ngayon naglaho ang lahat.
Sinikap nyang tumayo kahit nanghihina ang mga tahod habang nakatakip ang mga kamay niya sa kanyang tainga. Paulit-ulit siyang bumabagsak subalit bumabangon at hahakbang muli. Sa kanyang muling pagbagsak ay may sumalo sa kanya... si Ennie.
"Ate, sabi ko di ba umuwi na tayo," buong lungkot na bigkas nito.
Subalit pagkakita niya ng mukha nito , ito ay walang balat at tigmak ng dugo.
Napasigaw siya! Napaatras at bumunggo siya sa pa muling katawan... si Gino.
Subalit pagharap niya ito ay may naka-ulos na kawayan mula dibdib hangang likod.
"Umalis ka na Abby", malungkot nitong usal
Tumuturo ito sa isang direksyon subalit sa pagkataranta ni Abby ay sa kabilang direksyon siya humakbang
Bumigat ang isa niyang paa at pagtingin niya hawak muli ito ng babaeng walang mata.
Mula sa kawalan ay may isang matipunong lalaki ang sumulpot subalit siyay naliligo sa dugo... si Gael
Umuwi ka na Abby", at tinuro rin nito ang direksyong tinuturo ni Gino kanina.
Magkahalong pagkagulat at takot sa kalaht ng nasaksihan ang tanging nagawa ni Abby ay ang impit na pagsigaw at pagluha. Unti-unti ng pumapatak ang ulan. Sinusundan siya ng isang naagnas na katawan. At sa kayang pagtakas ay may yumakap sa kanyang isang babae... si Joen!
"Abby, Abby", tuwang-tuwa at gulat na gulat na wika ni Joen.
Tuluyan niyng niyakap ang gulongng-gulo na kaibigan.
"Abby, your alive thank God", ani Joen
At tuluyang bumuhos ang ulan kasabay ng pagbuhos ng luha nilang dalawa
Naghanap sila ng masisilungan hangang ang mga paa nila ay dalhin sila sa isang kweba.
Mula sa madilim na kweba ay sumulpot ang pamilyar na hugis ng isang lalaki... Si Rafael. Hinablot nya si Abby sa buhok. Nang ito ay mabatid ni Abby siya ay nagsusumigaw.
"Joen,takbo"
Subalit si Joen ay nanatili at pumalakpak pa.
"Joen run, run"
Subalit tumawa lang ng tumawa si Joen kasabay ni Rafael.
Lumapit siya sa nagpupumiglas na si Abby at ito ay kanyang sinampal.
"Lintek ka ang tagal mong mamatay", nanggigigil na si Joen.
"Ikaw naman ayusin mo yung trabaho mo", galit niyang wika habang dinuduro si Rafael.
"Ang bobo mo. Ang laki ng bayad ko sa iyo ah. Tapos makakatakas pa itong traidor na ito."
Kumunot ang noo ni Rafael at nagsalubong ang kilay.
"Joen, why", naghihirap na damdamin na usal ni Abby.
"Why, you are asking why"
"Yes why, you are my best friend", ang nalilitong sigaw ni Abby habang nagpupumiglas pa rin sa pagkakaangkla ng braso ni Rafael sa kanyang leeg.
"You are asking why. Hahaha. Bakit di mo tanungin ang sarili mo, traidor ka. Matapos akitin ng kapatid mo si Gino"
"I thought it was all ok with you"
"All ok, are you thinking na ok lang na maging girlfriend ng boyfriend ko ang bestfriend ko"
"Pero three months na naman kayong break"
"Tuluyan kaming nagbreak dahil umeksena ang malandi mong kapatid. They both deserve to die dahil ginawa nila akong tanga"
"But why murder Gael and me too. We are best friends, right?"
"Dahil tinago nyo sa akin ang totoo"
"Mga wala kayong kwentang mga kaibigan"
"All of this just for that, Joen"
"Just! you are calling it just. I committed suicide because of the pain you all caused me. Luckily, it didn't succeed. Because kayo ang dapat mamatay, kayo na mga traidor"
"Finish him Rafael at ito ang kabuuang bayad mo. Ang bobo mo . Kung hindi pa kita tutulungan di pa ito matatapos", sabay supalpal ng pera sa mukha ni Rafael
Buong lakas na nagpupumiglas si Abby
"NO, Joen come back. Joen Im sorry"
Pumailanglang ang putok ng sumpak. Bumagsak si Joen.
"Ikaw ang bobo. Salamat sa bayad mo", walang damdaming usal ni Rafael
"Joen, Joen"
Hinila ni Rafael si Abby at pinilit itali sa isang lamesa. Subalit ito ay nanlalaban sa huli niyang lakas hanggang sa mapansin niya ang tattoo nito sa braso.
"Ikaw ang yung lalaki sa panaginip ko. Ikaw ang pumatay sa dating caretake ng mansion. Ikaw ang pumatay kay Maggy"
"Si Maggy. Hindi patay si Maggy. Mahal ko si Maggy. At gagawin ko ang lahat para kay Maggy. Di ba Maggy". At hinablot nya ang kurtina kung nasaan ang tagpi-tagpi at naagnas na katawan ni Maggy na n kahiga sa isa pang lamesa. Katabi nito ang bangkay ng mga kaibigan niya.
Hinalikan pa ni Rafael sa labi ang bangkay at kinausap.
"Maggy I have gift for you. Bibigyan kita ng makikinis na hita at binti ngayong gabi gaya ng dati. Talaga masaya ka. OH, masaya rin ako Maggy. Nagustuhan mo ang regalo ko sa iyo. What!? You also want those skin fresh. Ok sige babalatan ko sya habang buhay pa. All for you Maggy"
Nandidiri at nahihintakutan man si Abby tanging pagsigaw sa abot ng kanyang makakaya ang nagawa nya.
"Hahahaahaha. Pano ba yan its your turn.
Sigaw Abby sigaw, mas gusto ko kung sisigaw ka."
Akma ng hihiwain ni Rafael ang balat sa hita ni Abby ng pumailanlang muli ang sunod-sunod na putok ng baril. Natigilan si Rafael. Bumulwak ang dugo sa kanyang bibig.
"Bobo ka talaga" wika ng isang tinig
...si Joen.
Pero hindi natinag ang duguang Rafael. Parang walang nangyari. Humakbang ito palapit kay Joen akmang mananaksak. Subalit inubos ni Joen ang bala niya at inasinta ng inasinta ang baliw. Napaatras si Joen dahil ubos na ang bala nya pero buhay pa ang walang hiya. Nanghihina na rin siya.
Parehas silang bumagsak.
"Joen, Joen"
Walang ano-ano ay lumabas si DeShawn na may dalang dos por dos.
"Abby", hiyaw nito
Kinalagan siya nito. Sila ay nagyakap.
"Paano ka nakaligtas", pagtataka ni Abby
"Salamat sa kwintas mo. Dito tumama ang bala kanina. Nasugatan man ako pero mababaw lang. "Nakita ko rin ang bangkay ni Lyn sa ilalim ng lababo ng banyo sa mansion kung saan ako bumagsak kanina. Ginabayan din nya ako papunta sayo", pagpapaliwanag ni DeShawn. "Umalis na tayo."
"Abby", usal ni Joen."I'm sorry"
Nilapitan ni Abby si Joen at hinaplos sa mukha.
"Best friends forever. I am sorry too. Don't talk we'll bring you to the hospital", wika ni Abby
"No, get safe. Go home", at nalagutan na nga ng hininga si Joen.
Pasilip na ang haring araw ng makalabas si DeShawn at Abby sa kuweba.
Kailangan nilang magreport sa kinauukulan tungkol sa malagim na gabing naganap at upang mabigyan ng maayos na libing ang lahat. Ang daang tinahak nila ay ang daang tinuturo ng mga kaibigan niya nung nawawalan na sya ng pag-asa sa loob ng gubat.
Nakarating sila sa kotse. Tinanaw ni Maggy muli ang kakahuyan. Nasulyapan niya ang isang puting babae na kay lungkot at nagpapaalam na ito. Ito ay nawala kasabay ng pataas na daloy ng hangin. "Marahil iyon ay si Maggy. Matatahimik na sya sa wakas", wika ni Abby sa sarili.
Pagsakay nila sa kotse. Mula sa side mirror ay nakita ni DeShawn ang mahal niyang si Lyn. Nakatanaw ito sa bintana at nagpapaalam na rin. Subalit ang mukha nito ay malungkot rin. "Paalam mahal ko. Lagi kang nasa puso ko." ani DeShawn.
Maayos na nagamot ang magkababata sa ospital. Muli silang nag-usap.
"DeShawn para sa iyo", dinukot ni Abby sa bulsa nya ang isang susi.
"Huh, yung susi ng kwintas", si DeShawn
"Buksan mo", si Abby
BInuksan nga ni DeShawn ang pendant ng kwintas. Mayroong papel na nakarolyo sa loob. At dito ay may nakasulat:
DeShawn,
Babalik ako. Paglaki natin. Magpapakasal na tayo ng totoo
Love,
Abby
"Bumalik ako para sa'yo. Pero parang wala na ata akong puwang pa sa puso mo", wika ni Abby.
"Pwede naman tayong magsimula ulit", kinikilig at nauutal na wika ni DeShawn.
Makalipas ang 2 linggo...sa Mansion
May isang grupo ng mga junior high na nagkatuwaang mag-ghost hunting.
Erik: Wala kayang multo na rito sa mansion. Di ba nalibing na yung bangkay ni Aling Maggy. Tapos yung Rafael wala na rin.
Chris: Duwag ka lang eh. Maiwan ka dyan sa hagdan.
Odie: Teka wag nga kayong maingay. Naririnig nyo ba yung umiiyak. Ana, wag ka nga manakot.
Arlene: Hindi naman si Ana yun eh. Nagpaiwan sya sa labas.
Chirs: Eh sino yung umiiyak.
Nagitla ang lahat dahil tingala nila ay may isang babaeng laslas ang leeg at tigmak ng dugo.
( Sya si Lucy, ang kapatid ni Maggy. Ang babaeng ginilitan ng leeg ng gabing isagawa nila Rafael ang kanilang krimen. At hanggang ngayon wala pang nakakatagpo ng bangkay niya na nasa loob ng kisame.)
WAG KANG TITINGALA. LALABAS SI LUCY.
Hi @beyonddisability, I'm @checky ! While checking the mentions made in this post I noticed that @tagalogserye doesn't exist on Steem. Maybe you made a typo ?
If you found this comment useful, consider upvoting it to help keep this bot running. You can see a list of all available commands by replying with
!help
.Hanep may part II pa talaga. Masasabi ko muntik na akong ma-carried away sa nangyari. Tumawa, umiyay, natakot at kinilig. Kapag sineryoso mo pala makagagawa ka pala ng all around na kuwento hehe. At isa pa parang sa pelikulang Pilipino talaga, sa kwintas tumama ang bala haha. Salamat na lang at sinuot niya ang kwintas. Grabe grabe!
Marami lang typo.
basta type na lang eh hahaha. Pinoy na pinoy haha. Palasak ang istorya
Is there an english version? 😁
#nosebleed #whosgottissues
I can make an English version of this mam/sir @steemphtrail
However, the former parts of the series, I think, should be translated in English too for you po to understand the story entirely. :)
Pambihira!
Grabe ka BD! Naiyak ako sa part na nag wave goodbye si Lyn kay DeShawn. 😭
Katulad ni @twotripleow natakot at kinilig din ako.
Nagustuhan ko yung may pa-part 2 ka pa ha. Yayamanin pala ang magbabarkada. Conyo. Haha
Napakaganda ng ending. :)
@beyonddisability
Posted using Partiko iOS
mga ingleserong frog
ang gaganda ng ginawa nyo
kaya sinikap ko bigyan ng hustisya
mabuti at nagustuhan mo po hehe
Makapanakot to si BD wagas! Ang ganda ng ending! Puno ng aksiyon. At horror. At romance. Mahusay BD!
lalabas si Lucy sa kisame.
awooo.
salamat po...
ang ganda ng serye ngayong linggo