TagalogSerye IX: Unang Bahagi ng Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

qpkpt4myll.jpg


Hindi mapigilan ni Abby ang pagtindig ng kaniyang balahibo sa katawan nang maramdaman ang paghalik ng malamig na hangin sa kaniyang balat. Dinig na dinig din mula sa labas ang tunog na likha ng mga dahong nakikipagsayawan sa hangin.

Napalingon ang bente anyos na dalaga sa bintana at natanaw niya ang labas kung saan ang bilog ng buwan na lamang ang animo’y gising sa oras na iyon.

night-3115977_960_720.jpg

Nanatili lamang siyang nakatayo sa malaking aparador katabi ng bintana habang ang kaniyang noo ay puno na ng pawis. Habang nakasilip sa maliit na bintana’y nakatakip ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bibig upang hindi makagawa ng kahit ano mang ingay.

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik
Pupulupot sa leeg mo’t sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo

Muli niyang narinig ang kantang iyon mula sa hindi kalayuan. Hindi niya makontrola ang mga luhang nag-uunahan sa pagdaloy sa kaniyang pisngi. Bigla niyang naalala kung paano sila nasadlak sa hindi inaasahang pangyayari.

Limang oras bago ang pangyayari…


Walang paglagyan ang tuwa at excitement ng magbabarkada nang sa wakas ay nakarating na sila sa mansyon kung saan sila magpapalipas ng araw upang gugulin ang kanilang isang linggong bakasyon. Matapos ang apat na oras na biyahe papunta sa lugar ay halatang pagod ang lahat maliban kay Ennie na walang planong bumaba sa kanilang kotse upang magpahinga sa loob ng mansyon.

“Naku, Ennie! Bumaba ka na d’yan at nang makapasok na tayo sa loob para makapagpahinga!” ani Joen na nagsisimula nang mairita sa weirdo nilang kaibigan.

Ngunit parang walang narinig si Ennie at hindi man lang siya pinansin nito. Bagkus nakatitig lamang ito sa kagubatan na malapit lamang sa kanilang kinaroroonan.

haunted-1309865_960_720.jpg

“Umuwi na tayo…” bulong nito habang ang tingin ay nasa kagubatan pa rin.

“Huwag nang killjoy! Ang ganda kaya rito! Solong-solo natin ang lugar at tiyak na mag-eenjoy tayo!” putol naman ni Gino sa sinabi nito. “Pababain mo na ‘yang kapatid mo, babe,” bulong pa niya sa kasintahang si Abby.

Agad namang nilapitan ni Abby ang nakababatang kapatid at binuksan ang kotse. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya ito makumbinsing bumaba. Napapailing na lang siya sa tuwing sinusulyapan ang kapatid na panay ang tingin sa kung saan-saan na tila may nakikitang hindi nila nakikita. Ngunit sa kabila ng inasta ng kaniyang kapatid ay binalewala na lang niya iyon. Nandoon sila para magbakasyon, hindi para pansinin ang kaweirdohan ng kapatid.

Dalawang oras na ang lumipas nang makarating sila sa bahay. Gusto man nilang magpahinga ay hindi nila nagawa dahil na rin sa kakulitan ng kasama nilang kambal na sina Gino at Gael. Kung ano-ano ang pinakikialamang bagay ng dalawa sa loob ng mansyon at pinagkakatuwaan ang mga ito.

Ang lolo nina Gino at Gael ang may-ari ng tinutuluyan nilang mansyon. Matagal nang pumanaw ang kanilang lolo at simula noon ay wala ng ibang nanirahan sa mansyon maliban sa dalawang caretaker na pinagkatiwalaan nilang magbantay rito.

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik
Pupulupot sa leeg mo’t sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo

Tumunog ang cassette player nang ilagay ni Ennie ang natagpuan cassette tape sa gilid ng kaniyang inuupuan. Napalingon naman ang lahat sa gawi niya.

“Wow! Rico Blanco!” komento ni Abby.

“Naririnig n’yo ba ‘yon?” wika ni Ennie habang seryosong nakikinig sa kanta.

Noong una’y hindi na nila mapigilan ang pagkairita sa wierdong dalaga ngunit nang marinig nila ang tinutukoy ni Ennie ay natameme silang lahat.

Habang patuloy kasi ang kanta ay mayroon namang hindi normal na background sa musikang pinakikinggan. Na para bang may umiiyak na babae sa background music.

Tahimik lang silang lahat nang biglang sumigaw si Ennie na ikinagitla nila.

“Nandoon siya!” Ang mga mata ni Ennie ay nakatuon sa bintana habang tinuturo niya ang kagubatan.

hands-984032_960_720.jpg

Bigla naman siyang tumakbo palabas at binaybay ang daan papunta sa bahagi ng gubat na itinuro niya.

“Ennie, sandali! Huwag kang pumunta d’yan!” sigaw ni Gael na bakas ang takot sa mukha.

Ayaw man nilang sundan ang dalaga’y wala na silang nagawa dahil tumakbo na rin si Abby para habulin ang kapatid. Hinahabol nila si Ennie nang biglang umalingawngaw ang nakabibinging sigaw ni Joen na noo’y pinakahuling pumasok ng kagubatan.

Itutuloy…


Ano kayang nangyari at napasigaw si Joen? At sino naman ang nakita ni Ennie sa kagubatan? Si Boss 2k na ang bahala.

Ito po ang unang bahagi ng TagalogSerye ng Unang Pangkat. Ang ikalawang bahagi ay dudugtungan ni Boss @twotripleow kaya ‘wag aalis. Antabayanan ang susunod na magaganap dito lamang sa TagalogSerye Unang Pangkat!


PROMPTS:

Story: "Isang gabi, tinahak ng isang grupo ng mga estudyante ang kakahuyan (forest) matapos makinig ng isang natagpuang cassette tape."

Obstacles:

  • "Isang karakter ang palagian na lang nakatuon ang isip sa mga maling bagay."
  • "Isang karakter ang takot mahusgahan."

Moments:

  • "Ang ilan sa mga karakter ay nagkaron ng malalim na usapan habang nasa kagubatan."
  • "Ang isang karakter ay aksidenteng nailigtas ng isa pang karakter."

TEMA:

  • Horror + Romance

MGA KASALI

Unang pangkat:
@jemzem - Tuesday
@twotripleow - Wednesday
@czera - Thursday
@beyonddisability - Friday

Pangalawang pangkat:
@romeskie - Tuesday
@johnpd - Wednesday
@mrnightmare89 - Thursday
@iyanpol12 - Friday


pinagkunan ng larawan: 1, 2, 3, 4

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  
Hello.😊

Congratulations @jemzem, your post has been featured at Best of PH Featured Posts.

You may check the post here.😉


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.


See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

katakyut. Awoooo.
nice one. May katabi pa naman kaming mapunong lugar . Isang abandonadong resort... Awooo.

Dalhin mo ang mga karakter dyan sa lugar na 'yan kapag ending na, BD. 😄

tignan natin kung maipapasok

Walang kakupas-kupas, idol talaga. Huwag kang matakot magsulat kapag gabi, kasi mga aswang naman ang mga kakampi mo. 99% ang marka mo.

Ako na bahalang magdugtong nito. Kinakabahan lang ako sa magiging resulta haha.

Yakang-yaka mo 'yan, boss! Ikaw na ang bahalang tumira. Babasahin ko bukas ang idudugtong mo. 😄

Sobrang pasok sa genre ang panimulang ito sis. Nagustuhan ko rin ang pagkaka gamit ng cassette tape na elemento sa kwento!

Simula pa lang intense na! Na appreciate ko ang mga small but significant details na mas lalong nagpa tindig ng aking balahibo -- gaya na lang ng psychic powers ni Ennie, at ang kantang nagmula sa cassette tape. Curious ako sa lyrics ng kanta, bakit kaya ganoon? Excited na akong malaman! ☺

Once again, hindi mo na naman kami binigo. Napakahusay din ng panimulang ito mula sa inyong pangkat! ☺👏

Grabe ate @jemzem! Hindi ako nagkamali sa desisyon na maghintay ng umaga bago magbasa! Nakakatakot! Nakakakilabot! Interesante! Isa ka talagang alamat.

Dinahandahan ko rin ang pag scroll baka may nakakatakot na namang picture. Hehehe

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64534.17
ETH 3150.15
USDT 1.00
SBD 4.01