kinakabag sa pag aalala sa sakit ng ulo at lugaw na me kabute at luya

in #tagalog6 years ago

September 13, 2009

humiga tumunganga sa kisame
me malakas na hangin sa bintana
naging distorbo sa aking pagtunganga
ang lumilipad na kurtina dala ng hangin na malamig parang bagong labang kumot na naiwanan sa aircon na kwarto ang lamig ang lambot bumalot sa balat ko me kasamang ispray ng ambon nakakakiliti

pumikit at nakinig sa mga bulong ng hangin
meron nag didilig ng kotse sa garahe
nakapikit hindi makahinga parang me nakadagan sa aking dibdib umikot at me tumunog ang bintana sa lakas ng hangin at me nag pupukpok ng kahoy sa kapitbahay
nakapikit parin ang daming mukha na hindi maintindihan hindi parin makahinga anu ba nakakainis na
nakapikit parin binibilang mga nakikita sa pagpikit malalim madilim me mga aninong puti
naramdaman ulit pag angkas ng ambon sa pumapasok na hangin sa bintana
me ale sa kalye sumisitsit nawala yung mga mukha naging mga puting linya sinusundan yung tunog ng pagsitsit nagiging bilog...
uypsssst pshssssht dalawang bilog ang lumutang
me nagpupukpok parin ng kahoy sa kapitbahay
hindi pa tapus ang nagdidilig ng kotse sa garahe

hindi parin ako makahinga hindi makatayo sa hilo
ang pangit ang sakit ng pakiramdam ko
ipinipikit ko na lang at binibilang ang pag hinga kahit anbigat ng nakadagan sa aking dibdib
nakapikit parin bakit parang ang sarap ng naririnig at nakikita at nararamdaman sa pag haplos ng hangin at pag kiliti ng ambon sa aking balat at sa aking isipan
bigla akong kinikilig at me naramdamang sekretong kaligayahan sa pag takas sa nararamdaman ng katawan dumating ang kapatid ko tinapat bintilador sa akin at nagbilin pag hindi na daw talaga ko makahinga pupunta na daw kami sa ospital nakatulog at nakalma pakiramdam hindi maka galaw at hindi makatayo anu kaya ang nangyayari nakakatakot mga nakikita ko sa pagpikit at hindi ko maintindihan

kaliwang braso ko tumitindig ang balahibo guhit guhit ang marka ng mga nakataas na buhok tas mawawala
lilipat sa ulo lilipat sa binti
me nangyayari sabi nila mas marami pa darating

ayan na sila mga bagong bisita. baka me dumadating nanaman ata. hindi maintindihan at dapat pagaralan. wag ka nang mag isip para walang sumakit. wag ka nang magisip para hindi kabagin.

Sort:  

Congratulations @ooakosimo! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

Do not miss the coming Rocky Mountain Steem Meetup and get a new community badge!
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54451.29
ETH 2281.47
USDT 1.00
SBD 2.33