Fears In Love: Part 2 of 15 (Distraction) | 02.22.2022
Zac’s POV
“So how was your meeting with your friend?” nakangiting bungad sa akin ni mommy.
I removed my coat and answered “It’s fine mom. As always, lagi niya paring naiisip ang dating nobya niya.” ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi.
Ilang taon ako sa ibang bansa kaya napapadalas ang pag bisita ko sa kanya ngayong nakabalik na ako. Pero may communication pa rin naman kami ni Dwayne.
“You mean, he’s thinking about your sister?” nagagalak na tanong ni mom. Oo nga pala dapat maging specific ako.
“Mommy yung una, yung totoong mahal niya.” natigil si mommy at pilit na ngumiti.
Nagtungo ako sa kusina at nagsalin ng isang basong tubig, naupo ako habang nag iisip. Natigil ako sa pag inom nang maalala ko ’yong secretary ni Dwayne.
Crabby huh.
Napangiti ako habang inaalala ang kabuuan ng mukha niya. Naalala ko yung itsura niya kaninang napatayo siya dahil sa ingay namin.
“Hahahaha” wala sa sarili akong napatawa.
“Ano ka ba, Zac. Okay ka lang? Kanina pa kita pinagmamasdang nakangiti ha?” tinig ni mommy iyon.
“Ayos lang mommy.”
Pero pamilyar ang mukha niya sa akin. I think I saw her somewhere. Maybe sa New York? Sa Canada? Or baka naman sa...sa future?
Future wife?
“HAHAHAHAHAHA!!” hindi ko alam pero tawang tawa ako habang nag iisip non.
“Nababaliw na ata ako.” wala sa sariling naiusal ko.
“Yeah! Nakakadiri ka kuya. You're really crazy. Yucks!” yan nanaman ang maarteng kapatid ko. Bakit nga ba kung kailan masaya na ako ay doon pa sumusulpot ang isang to.
“Shut up Lizbeth, sinisira mo ang araw ko.”
Kinabukasan, naisip kong dalawin si Dwayne sa kanyang opisina. To talk about business, of course haha.
“Good morning sir!”
“Hello sir, morning po!”
“E, hehe ang gwapo ni sir. Napakalinis niyang tignan o!” natigil ako at sinulyapan ang mga staffs na nagbubulungan.
“Hi! Thank you for your greetings. Goodmorning.” reply ko at tumalikod na sa kanila.
Nangingiti akong naglakad at nagtungo sa elevator. Hehehe. Ganon talaga kapag umaga dapat masaya. Dapat ngumiti ka. Nakakabata yon e.
Pero kung sinuswerte nga naman.
Mas lumapad ang noo ko, este ang ngiti ko noong bumungad sa akin si Ms. Crabby Secretary.
At syempre, pinagtaasan lang ako ng kilay.
“Sir? Are you going inside? Or stay outside?” natigil ako sa pagtitig at napapahiyang pumasok sa elevator. Nakamot ko ang batok ko at muling nilingon siya.
“Crabby, talaga.” wala sa sariling naiusal ko kaya inirapan lang ako.
“Ms. Huwag mo sanang masamain pero, ako lang naman ang Vice President sa kilalang fashion industry dito sa Pinas.” huminga ako ng malalim at napangiti. “It's rude to be rude, you know?” I chuckled.
“Iba ka rin naman talaga e no sir? Hindi ko naman po tinatanong.” natatawa siyang sabi habang yakap yakap ang notes at Ipad niya. Nasa left shoulder naman ang sling bag niya.
“Well, for you to know. Miss Crabby.” taas noo kong tugon dito.
Nangiwi nalang siya at nagkibit balikat.
“Have we met before Ms. Crabby?”
“Hindi pa Mr. FC.” bahagya akong napaattras sa tawag niya. Ano? FC? Sino? Ako?
“For you to know, Miss Crabby, Hindi ako feeling close a?”
“Mr. FC, anong tawag dito? Hay naku sir! Minsan mahirap din talagang intindihin ang mga lalaki e.” bahagya niya akong nilingon at inirapan pa!
Huh, matapang ang Dwayne na iyon at nag hired siya ng sekretarya na kagaya nito.
Napangiti nalang ako’t umiling iling.
__
Dwayne's POV
Brewed coffee is my companion. Papers are my friends I guess? Well, madaming papers na kailangang i review kaya napaaga ako ng pasok.
Sa totoo niyan, naduduling na ako sa mga kaharap kong papel at computer. Pabalik balik ang tingin ko sa dalawang ito.
“Crabby talaga, hahaha kahit sa paglalakad maattitude pa, Hmm.” natigil ako’t nag angat ng tingin sa door.
Anong ginagawa ng Zac na yan dito? Tsk.
“Good morning, Mr. Vice President!” masigla ngunit medyo masungit na pagbati ni Miss Brielle.
Nasanay naman ako sa ugali ng sekretarya kong ito. Mas gusto ko yung nagiging totoo siya kahit minsan masungit at seryoso siya. Minsan madaldal naman, depende yan sa mood niya.
Natawa ako sa sinasabi ni Zac na bossy daw siya. Haha, yeah bossy nga siya pero syempre boss parin niya ako.
“Hmm good morning. You're late. Why? You went on a date?”
“Allaaa? Mr. President alam niyong hindi ko gawain niyan a?” napairap na angil nito saka tumingin sa kawalan at padabog na nagtungo da table niya.
Alam ko namang hindi niya gawain yun, isa yun sa rason kung bakit ko siya hinired.
I want a single secretary, ayoko kasing may nag dedemand na boyfriend kapag overtime siya sa work.
Ayaw ko din sa maarteng secretary, baka mamaya, magreklamo siya sa work at nagpapaganda lang ang ginagawa sa opisina.
I want simple, hardworking and focused secretary. At mukhang si Brielle yun kasi nag tagal siya ng higit tatlong taon sa kumpanyang ito, sa akin din syempre.
Nangingiti ako habang nag iisip non.
“I want a secretary like her. Can you fire her and I'll hire her. Hehe” bulong sakin ni Zac. Nalukot ang mukha ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang batukan siya.
“Ouch.” pagrereklamo niya. “Ang sakit mo namang mangbatok!”
“Puro ka kalokohan, why you're here by the way?” pabuntong hiningang naitanong ko.
“I just reviewed your proposal.” huminga siya ng malalalim at umupo sa harapan ko. Humalukipkip ako’t itinuon ang atensiyon sa kanya. “I like it. But we have a problem.” aniya.
“What is it?”
“Gaira Ellena Montes didn't approve my proposal.” panimula niya. Dating professional model pero ngayon ay rising actress si Gaira ayon kay Zac, at siya ang first choice namin na kukunin bilang model ng panibagong labas na bath soap ng kompanya. Iisang tao lang ang kailangan namin ni Zac pang model sa aming mga products. Siya sa fashion ako naman sa hygiene.
“But for now, let's just wait. Next year pa naman ilalabas ang bagong designs ng kumpanya namin, ganun din naman sa inyo diba?”
“Yeah. But we need to find a model as soon as possible. We need assurance that she's gonna work with us.” sabi ko habang sapo ang aking noo.
“Don’t worry. I saw someone but I need to know about her first.”
Iyon ang naging usapan namin ni Zac. Ilang minuto siyang nag stay dito sa office at ang ginawa lang ay nagkape at tumitig kay Brielle.
Matapos noon ay lumabas na siya.
Ano bang meron kay Brielle at mukhang interesado ang lalaking yon?
Sandali akong nag-angat ng tingin kay Brielle. Nakadekwatro at hawak ang sintido ko, sandali akong napatitig sakanya.
Seryoso siya sa ginagawa niya. Computer, Ipad, at notes ang attensiyon niya. Tanging sounds ng keyboard lang ang gumagawa ng ingay sa pagitan namin.
Hindi ko pa nakitang naisabay niya ang personal na buhay sa pagtratrabaho. Hindi ko pa naririnig na may katawag siya sa cellphone. Ang alam ko wala naman ang mama niya, principal naman ang papa niya sa probinsiya nila.
“Have you been in love, Brielle?” wala sa sarili ay naitanong ko iyon. Seryoso itong lumingon at tumitig sa akin. Awtomatikong napaiwas ako.
“Hahahaha, sir?” nagulat ako noong tumawa siya. “Ayan ka nanaman sa topikong pag ibig. Naalala mo nanaman yung ex mo no?” pang aasar niya sa akin.
Nabanggit ko sa kanyang may ex ako, na mahal na mahal ko iyon. At hinihintay ko lang ang pagdating ng tamang panahon para makausap ulit ang nag iisang babaeng iyon.
“I’m just wondering...kailan ka kaya magkakabf?”
I chuckled. Nakita kong natigilan siya.
Bakit ko nga ba tinatanong to?
“Wala akong time sir. Sa dami ng pinapatrabaho mo sa akin, sa tingin mo may oras pa akong maghanap ng boyfriend?” nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.
“Hindi ka naman maghahanap. Narinig kong may nagkakagusto sayo dito sa VSI, yung mga employees ko.” pang aasar ko.
Sandali itong umiling at nagtipa sa Ipad niya “E di hayaan mo nalang, Mr. Vice President. Alam mo namang ayaw ko sa distraction hindi ba?”
“Hahaha e, distraction ba ang pag-ibig?” natatawa akong umiling at umayos ng upo. Napasandal ako sa swivel chair at pinaikot ito.
“Ayan sir. Ganyan na ganyan ang pag ibig. Pinapaikot-ikot ka lang pero nangingiti ka pa.” sandali akong natigil at napabuntong hininga. “Tsaka, look at you sir, instead of signing some papers, you are there, thinking about love. That's called distraction sir.” mas lalo akong natawa sa komento niya kasi totoo nga, hahaha.
“Hahaha, yeah you're right.”
Ganoon ang eksena sa maghapon ko. Sometimes I teased her cause I want to see her mad. Pero kadalasan ako naman ang inaasar niya.
Iba talaga kapag may secretary kang may topak. Pati yata ako’y nadadamay.
To be continued...
Title: | Fears In Love; Part 2/15 (Distraction) |
---|---|
Author: | @joreneagustin |
Date Published in Steemit: | 02.22.22 |
Cover photo: | Edited in Canva |