WINNER OF PINOY HENYO WEEK #27 10/15/2017

in #steemph2 years ago

bu95dr4a0c.jpg

Simula pa lang ng tagisan ng talino ay mainit na mainit na kaagad ang mapagmahal na si boss @iyanpol12, masasabi kong mainit pa sa nagbabagang lava. Bagama't si manong Oscar ang unang nakasagot ay tila nanlamig ang nars ng Germany, sapagkat malamig siguro talaga sa bansang Germany haha.

Sa una ay hindi pa nakararamdam ng kaba ang ating mga kalahok, sapagkat ang puntos ay kalat na kalat pa sa ating mga kalahok. Ngunit sa isang banda ay may kaniya-kaniyang mga paboritong kategorya ang ating mga kalahok.

Dapat sana ay nakatatlong puntos itong si @el-dee-are-es, kaya lang naunahan siya nang tatlong beses ni boss Ian Mapagmahal. Sa tingin ko si Ellen ay mahinhin mag-type haha. Kagagaling nga lang pala ng magkasintahang Ellen at @atongis sa kantahan. Magaling pala kumanta itong si Atong. Si Ellen ay mahiya mo si Jolina Magdangal daw.

h61acs55hy.jpg
6yiyfelubb.jpg

Humihingi po ako ng paumanhin kung madalas akong magkamali. Kadalasan po kasi ay hindi ko napapansin na may nakakuha na pala ng tamang sagot. Saka ko na lang nalalaman kapag nag-back read na ako. Pasensiya na po ulit sa inyong lahat.

Maganda rin ang ipinamalas nina baby @czera at doktor @johnpd. Kaya lang ay hindi talaga nila gabi, dahil malamig pa sila sa ilong ng pusa. Si tita @romeskie naman ay nagmistulang encoder dahil sa kaniyang sinasagot haha.

Nang makadikit si manong Oscar kay boss Ian, ay hindi na binigyan ni boss Ian ang kababayan upang pasarapin pa ang naturang tagisan ng talino, sapagkat kinana na niya nang dalawang magkasunod na sagot. Hindi na pinaporma ni boss Ian ang lahat kaya naman pagdating sa ika-11 na tanong ay tinapos na kaagad na niya kaagad ang kaligayahan ng iba pang kalahok.

Congratulations boss Ian! Hindi ko na mabilang ang iyong pagkapanalo sa Pinoy Henyo. Pagdamutan mo muna sana ang munting papremyo natin.

Tinatawagan ko pong muli ang founder ng Pinoy Henyo na si Bb. @dreamiely haha. Ano na? Malapit na anniversary ng Pinoy Henyo sa discord.

lkg5lfyr6l.jpg

  1. Amber Heard
  2. lungs
  3. Spain
  4. Lady Gaga
  5. horse
  6. upo
  7. kaserola
  8. samurai
  9. asido
  10. Hulk Hogan
  11. trophy

Oscar 3 Czera 1 Ian 5 Rome 1 Jampol 1 Bd 0 Ellen 0.

Word the day "POSET at PUSER".




2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Jolina Magdangal talaga. Paper Roses. Haha

Posted using Partiko Android

haha kamukha ko ba si jolina? 😜

magaling lng po makinig sa mga kumakanta😂

This comment was made from https://ulogs.org

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq