TAO BA ANG GUMAGAWA NG KAPALARAN NIYA? ANO ANG ADHIKAIN MO?

in #steemph6 years ago

iiqhtvtpn6.jpg

Pixabay

Ang buhay natin ay nag-babago araw-araw. Alin lang naman lagi sa dalawa iyan kung mag-babago para sa ikagaganda o mag-babago para sa ikasasama. Kung mag-babago man para sa ikagaganda mainam. Kung mag-babago man para sa ikasasama salamat na lang din.

Minsan ba naisip niyo na tanungin ang sarili niyo kung ano ang dahilan niyo sa mundong ito? Ako hindi pa, ngayon ko pa lang tatanungin. Hindi ko alam sa totoo lang. Sabihin na lang natin na para mamatay rin sa tamang panahon. Ganoon naman talaga ang buhay hindi ba? Kung kailan tayo itinakdang mamatay ng panahon, sa ganoong petsa tayo mamamatay. Madami akong kilala na nag-lalakad lang nasagasaan. Ano sa tingin mo sila ang gumawa ng kapalaran nila? Hindi totoo na tao ang gumagawa ng kapalaran niya. Kasi kung ako gagawa ng kapalaran ko, ako mag-tatakda kung kailan ko gustong mamatay. Ngayon kung sasabihin niyo sa'kin na kayo ang gumagawa ng kapalaran niyo, sana lang mapigil niyo ang kamatayan niyo. Kapag hindi niyo napigil ang ibig sabihin ay hindi talaga tao ang gumagawa ng kapalaran niya.

Ngayon ko lang din pala kung ano ang layunin ko sa buhay. Hindi talaga ako mahilig sa mga ganito ganiyan. Ang sa akin lang talaga kung ano ang dumating iyon na iyon. Gasgas na gasgas na kasi kapag sinabi ko gusto ko ganiyan ganito ganire. Pag-ibig hindi ko rin hinahanap iyan. Wala kung wala. Ano naman kung wala? Basta importante masya ako sa araw-araw na buhay ko.

Sa mga masipag kanyo? Madaming umaasenso kapag masipag oo, subalit mas madaming tao na hind umasenso dahil masipag lang sila. Ang dami kong kilala na masisipag ngunit ganoon pa rin. Ito ay isang halimbawa lang. Si tatay simula maliit ako hanggang sa pag-tanda ko nag-titinda siya ng diyaryo at pandesal sa umaga, sa hapon naman nag-titinda siya ng mais at sa gabi naman balot, penoy at saka chicharon. O bakit ganoon pa rin siya hanggang ngayon dahil siya ba ang gumagawa ng kapalaran niya o itinakda ng panahon na maging ganoon siya? Hindi natin puwedeng sabihin na tamad siya kasi ginawa na niya ang lahat lahat para sa pamilya niya pero bakit ganoon pa rin? Madaming tao naman natutulog lang pero dumadating sa kanila ang pera nang walang ginagawa. Pinili ba nila na kusang dumating sa kanila ang pera? O itinakda ng panahon iyon? Madaming katanungan kung bakit nangyayari sa atin ang hindi natin pinipili. Madami rin ang sagot.

Sa pag-ibig ba pinili ko ba iwan ako? Dalawang beses pa. Diyos ko po! Kung ako pipili hindi ko sasaktan ang sarili ko. Natural itinakda mangyari iyon. Ayaw ko mag-banggit pa ng kahit ano pa lalu pa at tungkol sa relihiyon. Kung ano pinaniniwalaan niyo bahala kayo, kung ano pinaniniwalaan ko bahala rin ako. Kung ako talaga ang pipilo ayaw ko mawala mga mahal ko sa buhay. Hindi lang ang sinisinta ko, pati na rin mga mahal kong kamag-anak at kaibigan. Pinili ko rin ba na iwan ako ng nanay ko noong maliit pa ako?

Simple lang ang paraan ko bilang isang tao. Ang paraan ko bilang isang tao ay hindi sirain ang tiwala na ibinigay sa'kin ng mga taong nakapaligid sa'kin. Dahil kapag nasira ang tiwala kailanman ay hindi na muling maibabalik pa. Isa pa pala, hindi ako tatawagin ng mga kaibigan ko na totoo akong tao kung peke ako. Masakit man ang katotohanan ay sasabihin at sasabihin ko iyan. Magalit ka man o hindi. Babag kung babag, kung ayaw ko sa'yo ayaw ko sa'yo ganoon lang ka simple iyan tapos.

Ang determinasiyon ko sa buhay, hindi ko masasagot kasi hindi ko talaga alam kung ano talaga. Determinado ba ako? O natatakot ako? Habang buhay na lang ba akong ganito? Ako ba ang pipili kung magiging determinado ako? Oo siguro kapag gusto ko manalo sa sugal o sa kahit anong paligsahan pero hindi ako umaasa kasi masasaktan lang ako. Pero determinado pa rin akong manalo, iyon nga lang kung papalarin ako.

Ito malaking debate ito. Bakit nga pala gusto niyong magka-anak? Kasi isang normal na Filipino ang sasabihin kasi gusto ko ika pag-tanda ko may mag-aalaga sa'kin. Diyos ko po. Bakit kaya mo lang ba binuhay ang anak mo para pagdating ng panahon ay magka-utang na loob siya sa'yo? Anong klase kang magulang kung gayon? Para sa'kin kasi walang obligasiyon ang anak sa magulang sapagkat hindi naman ang anak ang gumawa sa magulang. Baliktarin natin ang mundo kung ganoon pala. Oo sila ang naghirap sa'yo, sila nag-palaki sa'yo, pero sana ang una niyong iniisip bilang isang magulang ay mahalin ang mga anak niyo. Hindi iyong pagtanda niyo ang iniisip niyo. Ako kasi hindi ganiyan ang pagpapalaki sa'kin ng tatay ko. Ika niya noong buhay pa "ayaw ko makaabala sa inyo mga anak, kaya naman ang gusto ko pagtanda ko at kung magkakasakit man ako dalhin niyo ako sa lugar ng mga matatanda (home for the aged). Siyempre hindi namin gagawin iyon. Gagawin ko lang iyang sinasabi niya kung naging masama siya magulang. Pinalaki niya kami na wala dapat kaming bayaran na utang na loob sa kaniya dahil alam niya na siya ang gumawa sa'min at hindi kami gumawa sa kaniya. Gayon pa man ang nais namin siyempre ay mag-tagal pa ang buhay ng tatay ko pero wala talaga kinuha pa rin siya. Kahit kailan hinding hindi ko gagawin sa magiging anak ko ang ipamukha sa kaniya na may utang na loob siya sa akin at ako ang bahala sa pagtanda ko. Hindi porke napalaki mo nang maayos anak mo mabuti ka na kaagad. Hindi lang ganoon ang batayan ko. Pasensiya na kayo pero hindi ako ganiyan. PAPALAKIHIN KO ANG MGA ANAK KO DAHIL MAHAL KO SILA AT HINDING HINDI AKO MANGHIHINGI NG KAHIT ANO MASKI PAPURI O SALAMAT. Ganiyan ang paraan ko bilang isang magulang. Ganiyan din ako sa lahat pati sa mga kaibigan ko kapag tinutulungan ko sila hindi ako nanghihingi ng kapalit. Sa trabaho naman iba na iyon siyempre. Alangan naman hindi ako magpabayad sa amo ko haha. Sa ate ko na lang ako kahit walang bayad libre pa kain haha.

Pangit talaga ako gumawa ng ending kaya pagpasensiyahan niyo na. Hindi ko alam kung paano ako nakapagsulat ng ganito.

Sort:  

PAPALAKIHIN KO ANG MGA ANAK KO DAHIL MAHAL KO SILA AT HINDING HINDI AKO MANGHIHINGI NG KAHIT ANO MASKI PAPURI O SALAMAT.

Beri beri inspiring pu ang nasabe mo kuya @twotripleow bibihira na lamang pu ang mga tao na may dangal at handang tumulong nang walang kapalit. Saludo pu aku sa iyo.

Salamat Ling-Ling. Ganiyan talaga paraan ko hehe kaso wala pa akong anak iyon ang problema ko haha.

Ito ay isang napaka-interesante na post. Ang layunin ko sa ngayon ay matagumpay na pagtaya. Gustung-gusto ko ang football at nagpasya na maaari itong magdala sa akin ng pera. Naglaro ako sa isang online bookmaker sa site na Melbet. Ngayon ako ay aktibong umuunlad sa direksyong ito at naniniwala na maaabot ko ang taas sa pagtaya sa football.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58659.71
ETH 3164.52
USDT 1.00
SBD 2.43