ALAALA NG KABATAAN.
Ito po ang unang araw ng aking paggunita sa "Buwan ng Wika". Alam ko naman na naisulat ko na ito sa mga nauna kong blogs. Ito ngayon ay suma-total na lang. Inuulit ko po hindi ito kathang-isip lamang. Hindi lang po ako naglagay ng sarili kong larawan at mga taong nabanggit sa istorya. Hindi po ako nahihiya dahil sa mga nagawa ko. Ako po ay nahihiya dahil sa EYEBAGS ko at malaki na rin ang tiyan ko ngayon haha.
Simulan natin noong ako ay nasa High School na. Unang sabak ko pa lang bilang isang "freshman" ay naging mapusok na kaagad ako. Isang linggo pa lamang kami magkakilala ni Gerald ay naging magkasundo na kami sa lahat-lahat ng mga bagay. Pagdating sa; babae, sa galaan at siyempre sa inuman. Nga pala ang simula ng pasok namin sa iskuwela ay simula 7-4 ng hapon. Tuwing Martes naman ay 4:30 ng hapon ang uwian namin dahil may Homeroom Class pa.
Noong una hindi pa kami sanay uminom ng alak o serbesa. Andiyan iyong nakisusuyo kami sa mga mas may edad sa amin upang magpabili lang ng alak o serbesa, mapagbigyan lang ang pagnanasa namin na matikman ang kung ano ang hindi puwede sa mga kabataan. Unang-una hindi ako nagmamalinis at hindi ko rin sinisisi ang kaibigan kung bakit kami natuto uminom ng alak. Wala naman kaming ibang intensiyon at hindi namain niyaya ang iba pa namin mga kaibigan upang tumikim din ng alak. Nagkusa sila na sumama sa amin sa kadahilanan na mapusok din sila. Naging masaya naman ang lahat-lahat, nga lang talaga madalas ay pagliban namin sa buong klase. Paalala lang sa mga taong mapanghusga hindi po namin nilalasing ang mga kasintahan namin bagkus ay pinipigilan namin sila na uminom sapagkat alam namin na sila ay isang babae. Wala pa po kaming lakas ng loob dati. Siguro ngayon baka sakali pa.
Paulit-ulit lang ang nangyari. Gala rito, gala roon. Inom dito, inom doon. Tumagal lang ang pagkakaibigan namin ng dalawang taon. Taon-taon kasi ay may summer classs kami ang ibig sabihin ay may bagsak kami. Bagsak ako sa Siyensiya noong ako'y 1st Year High School. Nakalimutan ko na kung ano ang kanila. Pagdating ko naman ng 2nd Year ay Technolody and Home Economics(T.H.E) naman ang bagsak ko. Kaya naman napagpasiyahan ng mga magulang namin paghiwa-hiwalayin na kami. Nilipat ako ng ibang iskuwelahan ng aking mga magulang. Ibig kasi nila na hindi na maulit ang ginagawa namin. Ibig sana nila na matapos ko ang High School sa iskuwelahang katoliko ngunit binigo ko sila.
Sa 3rd at 4th year ko naman naging maayos naman ang lahat. Madalang na ang pagliban ko sa klase siguro dahil iyon sa kaniya kay "puppy love". Ano nangyari sa amin? Sa susunod ko na lang sasabihin sa kuwentong "pag-ibig" para naman hindi puro tungol sa "iwanan" lang ang inyong mababasa kung may magbabasa man. Nasabi ko na naman ang lahat-lahat sa mga nauna kong mga blogs kaya ngayon suma-total na lang.
Sa kolehiyo. Diyos ko po bumalik nanaman ang dati kong gawain naging mas malala pa. Nasabi ko na naman na pumapasok pa ako sa iskuwela nang nakainom. Hindi lang naman ako siyempre kasama ko rin sila. Hindi ako nag-iisa haha. May pinagsisihan ako? Wala kasi naging masaya ako at hindi kayang palitan ng kung anoman ang mga alaala ng kabataan ko. Hindi ko na masasabing kabataan ang ika-19 ko na edad kasi nagtratrabaho na ako noon, pagkatigil na pagkatigil ko sa pag-aaral. Ayan lang naman ang gusto kong sabihin bukas ibang tema naman. Isang buwan ko rin gagawain ang ganito para sa paggunita ng "Buwan ng Wika".
Uncomplicated article. I learned a lot of interesting and cognitive. I'm screwed up with you, I'll be glad to reciprocal subscription))
Freshman palang may kasintahan na. Pwetmalu talaga! Hahaha
Posted using Partiko iOS
Haha oo naman. Ikaw rin naman hindi ba? Baka nga grade 4 pa lang may bf ka na @czera haha
Mapanghusga! Haha
Sakatunayan, ngayong taon lang ako umibig. Iniwan pa ko. Saklap. @twotripleow
Posted using Partiko iOS
See your post featured here by @johnpd on today's Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.
If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto.