Monday Short Stories and Poetry with @SteemPh

in #steemph6 years ago

image

Bilang paggunita sa Agosto na siyang itinuturing nating Buwan ng Wika, tayo'y magbalik-tanaw sa kasaysayan. Sino nga ba ang nagpasimuno ng Buwan ng Wika at ano ang naiambag niya sa kultura?


Manuel L. Quezon

Si Manuel Luiz Quezon ang ikalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang kanyang panunungkulan ay mula Nobyembre 1935 at tumagal hanggang Agosto 1944 na siyang naging taon din ng pagkamatay sa sakit na tuberkolosis. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, pinagtibay niya ang probisyon na gawing Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas. At kalaunan ay ang proklamasyon nito upang maisabatas.

Sa pagkamatay ni Quezon, ipinalabas ni Pangulong Sergio Osmena ang Proklamasyon Blg. 35 na nagtatalaga ng petsa Marso 27 hanggang Abril 2 bilang Linggo ng Wika. Na siyang inilipat naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa kanyang Proklamasyon Blg. 186 papuntang Agosto 13- 19 bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.

Taong 1988 naman nang ilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 upang pagtibayin ang pagdideklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Agosto 13 hanggang 19 kada taon. At bilang pagpapalawig pa ng selebrasyong Linggo ng Wika, pinalitan ito ni Pangulong Fidel V. Ramos sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 na tataguriang buwan ng wika ang buong buwan ng Agosto.

Ngayong unang Lunes sa Buwan ng Agosto, ating silipin kung anu-anong akda ang pumasa sa pagsusuri.

ALAALA NG KABATAAN

Isinalaysay ni @twotripleow ang kanyang kwento noong nag-aaral pa siya sa high school. Maraming beses siyang lumiliban sa klase at sumusubok ng mga bagay na hindi dapat ginagawa ng isang mabuting mag-aaral. Subalit huwag natin husgahan agad ang kanyang ginawa dahil may aral at pagpapa-alala na nakapaloob sa kwento niya. Kung nais mong matutunan ang aral, basahin mo ang kanyang akda.


Matalim na Dila ~ Orihinal na Tula

Naaalala mo pa ba kung ano ang huling salitang binitiwan mo at nakasakit ka ng damdamin ng ibang tao? Tunay ngang makabukuhan ang tula ni @khat.holanda23 at malinaw niyang naipahayag ang mensahe na mag-ingat ka sa mga bagay na iyong sasabihin sa kapwa. Imbes na salita ng panlilibak o pananakit ang iyong sambitin, mas mainam siguro na pagtulong at papuri ang iyong gawin.


Si Mabalasik at si Mahinahon | Maikling Kwento

Mahusay ang maikling kwentong isinulat ni @romeskie. Siya na rin mismo ang nagbanggit...
Isa itong panawagan sa lahat ng mga nakauunawang nilalang. Hindi pa huli ang lahat para sa kalikasan. Matagal bago makita ang resulta ng mga gagawin nating hakbang tungo sa pagbabago pero kung tutuusin ay matagal din naman bago tuluyang nasira ng tao ang kalikasan. Simulan na natin ang pagbabago. Para na rin sa mga kabataan ng mga susunod na henerasyon.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 4days old)

Dumadalang na ang mga nagsusulat sa wikang Filipino. Nakakalungkot isipin na ngayon ay buwan ng Agosto at ating ginugunita ang Buwan ng Wika pero kakaunti lamang ang mga likhang-Filipino na mga sulatin. Mangyari lamang po na pagyamanin at paglinangin natin ang ating kultura at sariling wika. Heto po muli ang inyong Tagalog posts curator, si jampol sa panulat na @johnpd. Maligayang araw! 🌞

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayArts & Crafts@olaivart

Disclaimer: All post pics from the respected authors’ post.

Sort:  

Salamat sa iyong magandang pagbahagi ng kaalaman ngayong buwan ng wika.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.17
JST 0.032
BTC 63760.92
ETH 2737.73
USDT 1.00
SBD 2.60