Short Stories and Poetry Monday with @SteemPh

in #steemph2 years ago (edited)

PicsArt_07-21-02.59.41.jpg

Dear Josie,

Akala mo ba natuwa ako noong dumating ka? Ginulo mo lang lalo ang buhay (at bahay) ko. Kasalukuyan pa akong nasa proseso ng pagmu-move on dahil sa pinsala na natamo ko mula kay Inday. At ngayon naman ay dadating ka at bigla na lamang manggugulo.

Ang totoo ay hindi pa handa ang aking pagkatao na tanggapin ka. Nabanggit ko nga kanina, katatapos ko lang maranasan ang sakit at mga pasakit na gawa ni Inday. Hindi ko pa siya magawang makalimutan. Sobrang dinamdam ko ang mga ginawa niya sa akin.

Matinding eskandalo ang ginawa niya kaya nawasak ang aming simpleng tahanan. Ginulo niya ang katahimikan namin. Hindi pa siya nakuntento at tinangay pati aming bubong. Wala akong nagawa para protektahan ang aking pamilya. Alam ko din na kasalanan ko kaya nagpupuyos sa galit si Inday.

Ngayon naman, dala ng aking kapabayaan kaya sinugod mo kami. Patawarin mo ako Josie. Masyado akong tamad at kulang sa disiplina. Aminado ako na kasalanan ko talaga kaya nakahanda akong saluhin anumang kaparusahan ang igawad mo. Pero ako na lang sana ang tangayin mo, huwag na ang aking pamilya. Hindi pa nila mauunawaan sa ngayon ang mga pangyayari.

Ramdam ko na matindi talaga ang galit mo at hindi ka tumitigil sa pagwasak. Pinalubog mo ang napakaraming lugar sa amin at winasak ang kabuhayan at ari-arian ng aking mga kababayan. Sana ay mapatawad mo kami. Nangangako ako na lilinisin na ang mga daanan ng tubig, mga estero, kanal at kalsada. Itatapon ko na nang maayos ang basura sa dapat kalagyan nito.

Muli ay humihingi ako ng kapatawaran sa mga nagawa ko. At sa patuloy na pagdumi ng kapaligiran, humihingi ako ng paumanhin sa iyo. Huwag ka na sanang makapanakit pa at itigil mo na ang pananalasa sa iba pang bayan. Salamat sa iyong pang-unawa.

P.S. Sisimulan ko na ang Monday curation. Sana hindi na mag-brownout ulit.

Tagalog Poetry #03 : “Unos”

Malaking bahagi na ng Pilipinas partikukar na sa Luzon ang nasalanta ng bagyo at baha. Napapanahon ang tema ng tula ni manong @oscargabat at sang-ayon ako sa maraming nabanggit sa kanyang naisulat. Dasal at malasakit mula sa ibang tao ang tanging makakatulong lamang sa mga naging biktima ng “Unos”. Nawa’y makapagbahagi tayo ng kahit maliit man lang na tulong sa mga kababayan nating nakaranas ng delubyo.


Sa Dapit-Hapon - "Filipino Poetry"

Madamdaming sentimiyento ng isang matanda habang ginugunita ang kanyang alaala ng kalakasan at kakisigan. Malinaw na naipahayag ni @cradle ang kalungkutan ng isang taong nalipasan na ng panahon. At ang tanging maiiwan na lamang ay ang realisasyon na naging masaya ang nakaraan nito.


Kamusta ka na mahal?

Lubos na dakila ang pagmamahal ni @joninacalara sapagkat nais lamang niya na nasa maayos na kalagayan ang kanyang minamahal, kahit tapos na ang kanilang ugnayan. Ipinapanalangin pa rin niya ang mabiyayaan at magabayan ng Poong Maykapal ang kanyang mahal. Tunay na walang pag-iimbot at puno ng kadalisayan ang kanyang pag-ibig na nararamdaman.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 4days old)

Abangan pa ang mga susunod na edisyon. Ako pong muli ang inyong lingkod na si Jampol @johnpd at abangan ang mga susunod pang mga akda na itatampok sa curation. Salamat sa pagbabasa, kaibigan! 👋😊

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayArts & Crafts@olaivart

Disclaimer: All post pics from the respected authors’ post.

Sort:  

@steemph you were flagged by a worthless gang of trolls, so, I gave you an upvote to counteract it! Enjoy!!

Thank you so much steemph fam!

I used to work on a farm called cornhub