Tagalog Poetry #03 : “Unos”

in #poetry6 years ago

7C813B06-1B30-43DC-8982-8B4FF69E0244.jpeg

Mga bagyo na naman ay nagsidatingan
Pangyayaring aming kinatatakutan
Tubig ay amin na namang maaapakan
Samut-saring sakit muli ang aming mararamdaman

Bago matulog sa gabi
Pangamba ay syang aming katabi
Hindi mapikit ang mata, hindi mapakali
Takot sa aming isipan ay syang nananatili

Agos ng ilog aming naririnig
Senyales muli na lumalalim ang tubig
Mula sa ulo hanggang sa paa, kami’y nanginginig
Sandatang natitira ay aming pananalig

Walang kapagurang maglipat ng gamit
Habang rosaryo ni ina ay lagi nyang bitbit
Mga kapatid ko’y nagsisimulang magkasakit
Kaligtasan wag sana sa ami’y ipagkait

Tubig ay tuloy tuloy ng pumapasok
Kami ay nagpasyang manatili sa tuktok
Kitang kita ang mga posteng umuusok
Pakiwari’y hindi kami tinitigilan ng pagsubok

Kay hirap masadlak sa ganitong sitwasyon
Walang kasiguraduhan ang buhay namin taon taon
Ultimong dasal na lang nag nagbibigay sa amin ng proteksyon
Para lang makaligtas sa ganitong klaseng hamon

Marahil hindi lang kami ang nais tumugon
Kabayan, kung nababasa mo ito ngayon
Ipanalangin mo sana kami sa ating Panginoon
Sapagkat yan ang pinaka-kailangan namin sa ganitong pagkakataon

Sabay sabay po sana nating ipanalangin ang ating mga kababayan na sobrang naapektuhan sa dinaranas na sakuna ng ating bansa ngayon.

Pinagkuhanan ng Imahe

Salamat sa pagbabasa.🙂

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65641.09
ETH 3479.54
USDT 1.00
SBD 2.50