Monday Short Stories & Poetry with @steemph

in steemph •  last month

image

Magandang araw, mga giliw kong mambabasa! Tapos na ang Buwan ng Wika kaya medyo niluwagan ko muna ang mahigpit na pag-iimplement ng wikang Filipino. Ako mismo ay naglakas loob din sumubok mag-Taglish dito sa sulating ito.

Dapat ba akong matuwa o malungkot? Sapagkat mas maraming Filipino authors ang nagsusulat ngayon sa wikang Filipino. Taliwas sa bilang na inaasahan ko noong Buwan ng Wika. Pero dapat ko pa rin pala itong ipagpasalamat dahil na rin sa napakaraming aral na mapupulot sa mga nobela, serye, kwento, tula at sanaysay na nabasa ko habang inihahanda itong curation.

Bitter No More: Ikadalawampu't apat na Bahagi

Ang nobela ni @jemzem na inaabangan at kinasasabikan ng mga mambabasa, ngayon nasa ikadalawampu't-apat na bahagi na. Sobrang nakaka-"hook" ang serye na ito at masyadong nakakaantig ng damdamin. Isa na rin ako sa naging tagasubaybay nito dahil na rin sa napakaganda at kakaibang takbo ng istorya. Kung masyado kang naku-curious, maaari mong umpisahan sa Unang Bahagi para maka-relate ka sa tinutukoy ko.


#ulog: HAPPY GO BAM (COMEDY) - Episode 2

Mula sa panulat ni @rigormortiz, mayroon na naman akong susubaybayan na Comedy-Serye at tututukan palagi. Nagsimula ito sa kwento ni BAM, isang estudyante sa kolehiyo at isinasalaysay niya ang kanyang karanasan at kamalasan sa buhay. Maraming moments na matatawa ka talaga at hindi mo mapipigilang mapasabi ng "Ah, oo nga!". Promise! 'Yan talaga ang mga naging reaksiyon ko noong binabasa ko ang kanyang kwento.


Magkarugtong (Ikalawang bahagi) | Desisyon

Mas lalong umiigting ang drama sa kwento ni @romeskie. Kwento ng isang ina na nagsilang ng kambal pero sinawim-palad na mapatid ang buhay ng isa. Ang pagkakakilala ng mag-lola at ang pagsama sa kanya kay Kuya Pedz hanggang kay Papa G ay lubusang makakapagpaantig ng inyong damdamin. Medyo binawasan nang kaunti ng manunulat ang drama, pero habang binabasa mo ito, hindi talaga maiiwasan na may kung anong kukurot sa puso mo.


Pagdiriwang sa Buwan ng Wika 2018

Ang kulit ng pagsasalaysay ni @dreamiely sa kwento ng kanyang anak na nagdiriwang ng Buwan ng Wika bilang programa ng kanilang paaralan. Ang pasundot-sundot na pagpapatawa at ang paglalarawan na kaniyang ginamit at talaga namang nakakaaliw basahin. Samahan mo pa ng maraming photos ay talaga namang nakakaengganyo na tapusing basahin ang kanyang kwento.


Hay! Pilipino nga naman toxic!

Hindi ito isang rant post mula kay @gailbelga kundi isang pagpapaalala lamang na ang ugali natin at karakter ay kailangang bantayan. Marapat na pairalin ninuman ang integridad, nasaan ka man. At lalong huwag kang manghahamak ng kapwa dahil hindi solusyon kailan man ang pagmumura at pang-iinsulto. Nawa'y makaabot ang kanyang mensahe sa napakaraming Pilipino.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayArts & Crafts@olaivart

Disclaimer: All post pics from the respected authors’ post.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!