Paano Makatutulong Ang Steemit sa mga Mag-aaral?
Ngayong sa loob ng limang araw ay magiisang taon na ako sa Steemit, babalikan ko ang ilan sa aking mga ibinahaging artikulo at isasalin ang mga ito sa ating wika. Sisikapin ko ring dagdagan ng mga bagong bagay na natutunan ko sa pananatili sa Steemit sa nakaraang taon matapos maibahagi ang mga ito. Ang unang artikulo na aking isasalin sa wikang Filipino ay galing sa How Can Steemit Help Students na isinulat ko sampung buwan na ang nakakaraan.
Hanapin at Linangin Ang Sarili
Ang ating mga pagpili base sa sariling kamalayan ay isa sa mga pinakamahahalagang sangkap sa tagumpay, hindi lamang sa Steemit o sa pagsulat ng blog kundi maging sa buhay.
Tayong lahat ay mag-aaral ng buhay mula sa kapanganakan hanggang sa pagpanaw. Gayun pa man, ang mga mag-aaral sa mga Kolehiyo at Universidad marahil ang may pinaka nangangailangang mahanap at linangin ang kanilang mga sarili. Sa loob lamang ng ilang taon sila ay sasabak sa buhay sa labas ng proteksyon ng mga haligi ng institusyon. Sa pagsali sa Steemit ang mga mag-aaral ay mapipilitang hanapin o gumawa nang kanilang sariling pagkakakilanlan. Mapapabilis ito sa pamamagitan ng makabuluhang pakikipagugnayan sa kumunidad.
Matuto at Mapaghusay ang Iyong Sining
Simula sa pagsali sa Steemit, ang mga magaaral ay mababantad na sa mas mahusay na uri ng social media na malayo sa kanilang nakasanayan. Mapipilitan silang pumili kung sila ay magpapatuloy o babalik sa nakagawian plataporma.
Ang mga mananatili sa Steemit ay mag susumikap na linagin ang sarili upang maging matagumpay. Bago ko matagpuan ang Steemit, ang aking mga pagbabahagi sa social media ay nangailangan lamang ng limang minuto. Sa Steemit, sa pagitan ng paiisip ng konsepto, pagsasaliksik, pagsulat, at pagtatama ng mga kamaliaan; bawat artikulo ay nangangailangan ng ilang oras. Tulad ng maraming aspeto ng buhay, ang pagpapahalaga sa mga gawain ay nangangailangan ng mas maraming pagsisikap at panahon.
Sa paglawig ng panahong ginugugol sa Steemit, tayong lahat lalo na ang mga mag-aaral ay matuto ng maraming bagay upang makapagpatuloy sa Steemit. Magiging mahirap ito, sa ilang pagkakataon ay nakakabigo. Sa pagtagal ng panahon, mapapansin natin ang mga bagong natutunan, at paghusay sa mga bagay; ito ang totoong kahalagahan ng pagiging mag-aaral.
Pakikisalamuha
Ang kakayanang sumali sa makabuluhang pakikisalamuha ay isa sa mga pinakamahahalagang layong matutunan ng mga mag-aaral. Ang kakulangan ng kakayanan sa pakikipagugnayan at nagreresulta sa paghihiwalay sa salrili mula sa kumunidad. Ito ay walang mabuting maidudulot sa buhay ng mga mag-aaral sa panahong ito.
Iisipin nating sa pagdagsa ng maraming uri ng plataporma ng social media na ang ating mga kabataang mag-aaral ay makapaglilinang ng kakayanang makipagugnayan ng mahusay. Dadapwat ang mga platapormang ito ay gumawa ng daan para sa pakikipagugnayan, ang pakikisalamuha ay mababaw at madalas walang kabuluhan. Dito naiiba ang Steemit. Tayo ay naglalaan ng sapat na atensyon sa panulat upang lubos na maunawaan ang mga artikulo. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng:
- Pagtatanong ng may kaugnayan sa panulat.
- Pagsulat ng mga artikulong makabuluhan sa iyo at sa mga mambabasa.
- Pagpigil sa sarili na magkumento ng sobrang ikli, walang saysay, at walang kaugnayan sa artikulo.
Tulong Pinansiyal
Naranasan kong mainggit sa mga kaklaseng walang suliraning pinansiyal noong ako ay isang mag-aaral. Naging mas madali marahil sa akin kung mayroon nang Steemit nang panahong iyon.
- Maaring makatulong sa mga bayarin sa paaralan ang gantipala sa pagsulat sa Steemit.
- Magandang pagpapakilala sa pamumuhunan ang Steemit. Ito ay isang aspeto sa buhay pinansyal na hindi itinuturo sa paaralan.
- Mas makabuluhang paggamit ng oras ang Steemit sa aking opinyon. syamnaput-limang porsyento ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay nasa social media. Sa Steemit matututunan nilang idokumento ang kanilang paglalakbay sa paglinang ng sarili, kikita ng gantimpalang salapi, at matututo ng mga bagay-bagay tungkol sa totoong buhay.
Free Upvotes
ENJOY !