Steemit 101 - Paano Magsimula

in #steemph6 years ago

image

Bago ka pa lang sa steemit? Welcome, kapatid! Tuloy ka lang! Ikot-ikot ka lang sa kaharian ng Steemit, marami kang makikitang napakagagandang tanawin. Marami kang matututunan. Marami kang matutuklasan.

Pero bago ang lahat, mag-umpisa tayo sa pinakauna. Noong bago lang ako sa steemit, hindi ko rin alam ang mga dapat gawin. (Hanggang ngayon naman ay hindi ko pa rin talaga alam, pero kahit papaano naman ay may mga natutunan na ako.) Ano nga ba ang mga dapat mong gawin ngayong nagsisimula ka pa lang sa steemit?

Mababait at matulungin ang mga tao dito sa steemit kaya kung mayroon kang gustong malaman na hindi mo makita ang kasagutan, wag kang mag-alinlangang magtanong. Marami rin akong mga tinanong noon at napakalaking pasasalamat ko sa kanilang lahat dahil napakatiyaga nilang sumagot. Alam niyo na kung sino kayo.

Para mabawasan na ang mga katanungan mo, nag-compile na ako ng mga basics ng steemit. Sana ay may masagot akong mga tanong na nasa isipan mo. Ang unang tanong: Ano nga ba ang mga dapat mong gawin dito sa steemit?

Magsulat at magpost

Unang una na iyan. Kung blogger ka na bago ka sumali sa steemit, wala ka nang problema sa kung ano ang isusulat mo. Pero kung baguhan ka lang na tulad ko, malamang ay hahanapin mo pa kung ano ang iyong niche. Okay lang yan. Ang mahalaga ay magsulat ka ng kung ano ang gusto mong ibahagi sa steemit. Simple lang naman ang mga kailangan mong alalahanin kapag magsusulat ka para sa blog mo.

  • Orihinal

Sarili mong akda ang unang una mo nang ibahagi dito sa steemit. Walang kasing sarap sa pakiramdam kapag nakikita mong nagugustuhan ng mga mambabasa ang orihinal mong sulat o pinta, o video o potograpo. Sikapin mong panatilihing interesante ang iyong gawa. Kung ako sa'yo, ang isulat mo ay tungkol sa mga bagay na alam na alam mo at gustong gusto mong ikwento. Madalas na sinusulat ko ay ang mga gawaing bahay ko tulad ng mga recipe, pagtatanim at paggagantsilyo. Nagsusulat din ako ng mga maikling kwento. Pero siyempre, depende iyan sa inspirasyon mo sa pagsusulat. Hayaan mong madiskubre mo kung ano ang talagang gusto mo. Walang maghuhusga sa iyo dito.

  • Maayos na pagkilala sa orihinal na awtor

Hindi naman bawal ang magpost ka ng hindi mo sariling gawa. Kailangan lamang ay maayos mo itong i-credit sa orihinal na awtor or artist. Hindi pwedeng ang ilagay mong source ay google.com lang. Kailangan ay yung mismong link o address ng page ng pinagkuhanan mo ng larawan o impormasyon ang ilalagay mo.

  • Dagdag Kaalaman

Kailangan din ay may dagdag kaalaman o value ang ibabahagi mo para naman makatulong ka rin sa ibang maghahanap din ng impormasyon. Kung halimbawa ay nagbahagi ka ng tungkol sa pagtatanim, mas maganda kung mayroon kang idadagdag na kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol dito. Kung halimbawa naman ay may nabasa kang artikulo patungkol sa kagandahang asal, bukod sa kailangan mong ilahad ang pinagkunan mo ng artikulo, mas mainam kung maglalahad ka rin ng iyong sariling opinyon o dagdag na kaalaman tungkol sa paksa.

Makipagtalastasan

Kulang na magsulat ka lang nang magsulat o magpost lang ng mga video at pictures. Minsan kahit na maganda ang mga gawa mo, may tsansa na hindi iyon basta basta mapansin. Nasubukan mo na bang pumunta sa Divisoria ng mga bamdang Disyembre? Sobrang siksikan. Sobrang sikip. Sobrang init. Sobrang daming tao ang nagpupumilit na makauna sa mga magaganda at murang items. Pasok mga suki! Presyong Divisoria. Sampu sampu bente bente at iba pa!

Ganyan din karami ang mga post sa steemit bawat araw. At suntok sa buwan na mapansin ka agad ng mga kapwa mo steemians. Kaya bukod sa paggawa ng de-kalidad na mga akda, kailangan mo rin makipagtalastasan.

  • Comment, Resteem at Upvote

Hindi sapat na magpost ka lang ng mga gawa. Kailangan din ay makihalubilo ka sa iba pang mga steemians. Basahin mo ang mga gawa nila, bigyan mo ng komento, at suportahan mo ng upvote kung nasiyahan ka sa gawa niya. Pwede mo rin namang i-resteem kung sa tingin mo ay may makatutulong din ito sa kapwa mo steemians.

  • Follow

Magfollow ka ng mga taong sa tingin mo ay kalidad ang gawa. Pwede rin namang i-follow mo ang mga taong may kapareho mo ng interes. Sundan mo ang mga steemians na gusto mong makita ang mga akda.

  • Sumali sa mga komunidad

Mas masaya ang magiging paglalakbay mo sa mundo ng steemit kung may mga kasama ka. Kaya mas maganda ay sumali ka sa mga komunidad na kapareho mo ng mga kinahihiligan. May mga komunidad sa pagsusulat, sa sining, potograpiya, pagtatanim, pananahi, pagluluyo at kung anu-ano pa. Kadalasan ay makikita mo ang mga komunidad na ito sa pagbabasa rin ng akda ng iba. May mga imbitasyon silang inilalapag sa bandang dulo ng kani-kanilang mga artikulo. May mga Discord chat din sila kaya i-download mo na iyon para naman may mga makausap ka tungkol sa platform.

Kailangan mo lamang panatilihin ang kagandahang asal. Dahil dito sa steemit, isa sa mga dahilan kung bakit nananatili ako rito ay mas lamang ang mga taong positibo ang pananaw sa buhay. Mas marami ang magbibigay ng encouragement at constructive feedback kaysa sa mga negatibo. Dito ay bumubuo tayo ng magandang relasyon sa kapwa kung saan lahat tayo ay pantay pantay at lahat tayo ay umaangat dahil bibihira ang mga mapanira.

Sa ngayon ay iyan lamang muna ang ibabahagi ko. Ang susunod nating tatalakayin ay ang Steem Power, Steem at Steem Dollars. Nagta-tantrums na ang anak ko at parang suko na ata si Tatay kaya sa susunod na post na lang.

Kung mayroon kang tanong, huwag kang mahiyang mag-iwan ng komento, susubukin kong sagutin sa abot ng aking makakaya. Kung mayroon ka namang gustong idagdag, ilapag mo lang. Post o comment, ayos lang. :-)

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Naku, maraming salamat po sa sulatin na ito ms. @romeskie. Malaking tulong po ito lalo sa mga tulad kong baguhan. Hindi ko po kasi alam kung paano magsisimula.

Ayon sa aking mga nababasa ay kailangan raw na gumawa ng introductory post. Ngunit wala akong maisip at hindi ko rin po alam kung paano magpakilala ng sarili.

Salamat po sa akda ninyo at nagkaroon ako ng ideya.

Welcome to steemit! Tumingin ka ng mga sample na #introduceyourself na mga post. Marami kang makikilala at marami ka ring magiging pointers kung anu- ano ang mga pwede mpng gawin dito sa steemit. Enjoy! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63818.94
ETH 2624.28
USDT 1.00
SBD 2.78